"Ma'am, ayos ka lang?"
Napalingon ako kay Zoshia na nagpasa na ng quiz niya sa klase ko. Tipid akong ngumiti sakaniya at tinanggap ang quiz niya.. Tinitigan niya muna ako bago pumunta na sa upuan niya.
Matapos ang klase namin ay umuwi kami. Tahimik lang kami pareho dahil parang nawalan ako ng gana na magsalita.. Ramdam kong namamaga ang mga mata ko kaya kanina ay nagretouch pa ako para hindi mahalata ng mga estudyante ko..
"Uhm, Zoshia??"tawag ko kay Zoshia nang makauwi kami..
"Po?"
"Bukas, aalis tayo after class.."
"Saan po tayo pupunta?"
"Bibili tayo ng mga gadgets mo."
Napatitig siya sa'kin,"Mag-shopping na rin tayo,"
"Ah, sige po, Ma'am.."
"Akyat ka na.. Maghahanda na ako maya-maya ng pagkain,"
Tumango-tango siya at umakyat na nga sa itaas. Ako naman ay sumunod din sakaniya para pumunta sa kwarto ko..
Tahimik akong nagbihis at bumaba din para makapaghanda na ng pagkain namin ni Zoshia.. Tinulungan ako ni Ate Clara na magluto,
"Ang tahimik mo, Miss ah.."
Napatingin ako sakaniya at pilit na ngumiti,"Talaga?"
"Mm.. May problema ka??"
ВИ ЧИТАЄТЕ
Entering The Wrong Door
РомантикаDeborah Vienn Silva, the woman from a rich family is forced to be reunited with a man she has never met and still knows .. but because of her love for a man, she was able to disobey her beloved grandfather for the first time .. She married the man s...