Chapter 19

25 2 0
                                    

"A-a class?"tanong ni Racina nang pumunta kami sa garden.. Well, hindi pwedeng matapos ang klase ko kahit pa okay na kaming dalawa.. 




Napagdesisyunan ko na next week ko i-schedule ang camping namin ng mga kapatid niya dahil busy ako sa dadaan na araw.. Kaya ngayong araw na dapat ay sa campingnamin itutuon ang atensyon, sa klase ko sakanila..





"But, Ate Deborah.. Okay naman na tayo, 'di ba? Okay na kaming lahat sa'yo?"





Napangiti ako at umiling.."Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? Racina?? Hindi ako nagtuturo ngayon para makuha ang loob niyo o maging okay tayong lahat.. I'm here because I'm your values teacher and still.. you have no good manners."





"Nah!"tili ni Rosita.."May manners na kayo ako sa mga kapwa ko.. I used to say 'po' and 'opo' to my teachers.."





"But your parents?"





Napatahimik sila..




"See.. So.. Yeah! Upo,"




Nakasimangot silang umupo.. Pumitik ako gamit ang daliri at doon nagsipasukan ang mga maids.  Napaawang ng magkakapatid ang mga labi nang makita ang tig-iisang mangkok ng vegetable salad.. 




"W-what is this??"




"Kakainin niyo ang vegetable salads na 'yan na nasa harap niyo. At kapag may nakita kayong mga papel na nakaplastic naman, babasahin niyo ang katanungan na nakasulat doon.."




"Okay!"




"One, two, three, go!"




Agad nilang sinumulan ang pagkain sa gulay.. Napatingin ako sa mga yaya na nagkatinginan at halata sa mga mukha na nabigla sila dahil masaganang kumakain ang mga alaga nila ng gulay na samantalang noon ay hindi makakain.. 

Entering The Wrong DoorWhere stories live. Discover now