Chapter 33

19 1 0
                                    

"Sakay na, Deborah.."alalay sa'kin ni Lion papasok sa Van na gagamitin namin, papunta sa SJDM University.."Bantayan mo 'yang si Bea, ha??"





Napatawa ako at napatingin kay Bea na agad binigyan ng mahinang hampas ang braso ni Lion bago pumasok sa van pati na rin si Angelica..





"Ako nga, tigilan mo, Lionel Bason Callaway.. Baka tamaan ka sa'kin,"





Napatawa naman si Lion,"Mabilis ka pa namang ma-fall sa gwapo... 'Di ba, Beatriz Elena Arsonala??"




Napailing-iling ako at sinarado na yung pintuan. Baka kasi magtagal pa kung hindi ko isisingit ang sarili ko..




"Sige na, Manong.. Andarin mo na,"




Tumango ang driver namin saka niya sinimulan na paandarin ang kotse na sinasakyan namin.. Sa gitna ng byahe ay inaasahan ko na na walang tigil ang pagputak ng bibig ni Bea. Kung ano-ano ang ikunukwento niya, ultimong buhay yata ng kapatid niya ay ikukwento niya.





Si Bea ang pangatlo sakanilang lima na magkakapatid.. Ang kuya niya na panganay ay nasa ibang bansa at doon nagtatrabaho. Ang pangalawa naman niyang kuya ay nandito sa Pilipinas pero malayo sakanila dahil malayo din ang lokasyon ng pinagtatrabahuhan nito. Ang dalawang nakababata kay Bea ay nag-aaral pa yung bunso, ang pang-apat ay stay-in lang sa bahay at hindi ko alam kung bakit..






Huminto na ang van, senyales na nakarating na kami. Kaagad akong inalalayan ng isang security guard na nakabantay sa parking lot at inalalayan din sila Bea at Angelica..




Mula dito sa labas ay rinig ko na ang samu't saring ingay na alam kong sa mga estudyante nanggagaling..




Sa unang pasok ay puro hallway at corridors kaagad ang bubungad sa'min.. Bago kami naghiwa-hiwalay ay sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa principal's office para bumati sa punong-guro..





Entering The Wrong DoorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum