Chapter 38

19 2 0
                                    

Mariin kong pinapanood si Gorga na lapitan si Endrich na nagtataka sakaniya.. Kusang kumuyom ang mga palad ko nang simulan niyang puluputin ang mga kamay sa leeg ng asawa ko.. Kahit gusto ko na siyang sampalin mula dito ay pinigilan ko ang sarili ko dahil gusto kong panoorin kung ano ba ang magiging reaksyon ni Endrich.. Hindi ko naririnig ang usapan nila pero nababasa ko ang mga sinasabi nila..





Malandi na idinikit ni Gorga ang katawan niya sa asawa ko na mas kumunot ang noo.. Sinimulan niyang haplusin ang dibdib nito ay kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa na nararamdaman para kay Endrich na mas ikinakukulo ng dugo ko. Napahawak ako sa t'yan ko at hinaplos 'yon,"Don't worry, baby.. Mommy got this. I trust your, Daddy.. Okay?"





Muli kong binalik ang tingin sa loob at magkahiwalay na sila Gorga at Endrich.. "Ma'am Deborah??"





Napalingon ako kay Penelope at tinitigan siya.. Napasulyap siya sa loob at napalaki ang mata,"H-hayan nanaman siya.."







"Nanaman?"






Tumango-tango siya,"Nung nakaraan pa po kasi gan'yan si Miss Gorga.. Palagi niyang pinupuntahan si Sir Endrich at hindi ko maintindihan kung bakit ba dikit siya ng dikit d'yan kay Sir Endrich.."





Napatingin ako kay Endrich at napatingin din kay Gorga.. Nailayo ko ang tingin sakanila nang biglang may pumasok sa isip ko..






"Sabi niya, 'Let's see.. I know na matatalo ang kaibigan niyong PRINSESA..'"





Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Angelica kanina lang.. Pumasok din sa isip ko ang pagiging weird ni Endrich kapag uuwi lalo na kagabi..





"G-gusto niyo po bang tawagin ko si Sir Endrich?"tanong ni Penelope na agad kong ikinabaling ng tingin sakaniya..






Entering The Wrong DoorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant