Chapter 35

21 2 0
                                    

Isang linggo na ang nakalilipas at kailangan ko ng i-check ang mga players ng SJDM University pero hindi ako pinapayagan ni Endrich na lumabas dahil daw sa hindi maganda sa kalusugan ko.





"Hindi ka pwedeng lumabas. 'Wag matigas ang ulo mo, Deborah Vienn.."






Napasimangot ako.."Kailangan kong i-check ang mga players, Drich.. Please? Payagan mo na 'ko.."






"Ang kulit mo. Kila Bea mo na lang ipa-check.. Hindi nga pwede.. Mamaya niyan, madapa ka."






Napatawa ako sa sinabi niya.."Hindi naman ako tanga.. Buntis ako pero hindi ako tanga, Endrich. Pupunta parin ako,"





Napabuntong-hininga siya at pinagkrus ang mga braso niya.. "Oo na.. Sige.. Ang tigas ng ulo mo. Basta, magpapasama ako ng limang guards para bantayan ka.. Mamaya, kung anong gawin sa'yo ng ibang estudyante doon. Rinig ko pa naman kila Racina na mga pasaway ang mga nandoon,"






Tumango-tango ako.."Ewan ko ba.."






"Aminin mo nga sa'kin,"






Napataas ang dalawa kong kilay,"What?"





"Nanggaling ka doon, 'no?"






Tumango ako,"Yeah, and so?"





"Kaya pala.. Matigas ang ulo mo, eh.."



Entering The Wrong DoorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora