Prologue

131 2 0
                                    

Ano bang pumapasok sa isip natin kapag nababanggit ang salitang 'PAGPAPAKASAL'?

Hindi ba't, ang pagpapakasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan at ang pagpapakasal ay ang magiging isa sa mga ebidensya at naging bunga ng pagsasamahan? 

Pero sapat na ba ang pagmamahalan niyo sa isa't isa para mapatunayan na kayo nga bang dalawa ang para sa isa't isa?

Alam nating lahat na ang tadhana ay isang mapaglarong uri ng pangyayari na hihilingin mo na sana hindi mo na lang makasalubong dahil paglalaruan nito ang damdamin at puso mo.. Paulit-ulit na paglalaruan nito ang puso mo nang wala kang kamalay-malay..



"This isn't right.."nakatungo kong sabi habang hindi magkandaugaga ang luha ko sa pagtulo galing sa dalawa kong mata.. "Kasalanan ko.."

"Walang may kasalanan dito.."

"Kung hindi ko siya pinilit na magpakasal kami sa simbahan na iyon ay hindi ito mangyayari.."

"Pwede ba, Deborah? 'Wag mong sinisisi ang sarili mo.. Kahit naman lumipat ka sa ibang simbahan, gano'n parin ang mangyayari.."

Napatingala ako sakaniya at napailing-iling.. 

"Pasensya ka na.. Pati tuloy ikaw ay nadamay dito,"

Napabuntong-hininga siya at umiling.. "Kadamay naman talaga ako.. Mas pinilit ko lang talaga na maituloy ang kasal naming dalawa kaya ayan.. Lintek!"

Napailing-iling nanaman ako at tumayo.. Nang mahagip ng mata ko ang isang malaking salamin ay napatigil ako.. 

Tinitigan ko ang sarili at napabuntong-hininga.. 

Napakaganda ng suot kong puting bestida.. Nagmumukha akong isang prinsesa dahil na rin sa korona na suot ko sa ulo.. May nakasuot pang gwantes sa mga braso't kamay ko..

Pero anong silbi ng magarbo kong suot kung sa iba naman ako kinasal? 

At sa iba siya kinasal?

Ano bang klaseng buhay 'to, Tadhana? Ano bang plano mo sa'kin?

...

PLAGIARISM is a CRIME!

Disclaimer:This is a work of Fiction,Names,Characters,Business,Places,Events and Indicates are either the products of the author's imagination,or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental...

Okay? Okay..

-gazery
SUPER SUPLADA

© All Rights Reserved 2022

Entering The Wrong DoorWhere stories live. Discover now