Chapter 21: Samantha who?

Start from the beginning
                                    

"He's shy to play because your here." Sabi ni Baekhyun.


Nilingon ko naman si hubby ko. Nakanguso siya kay Baekhyun at may pasenyal-senyal pa sila. Bakit naman siya mahihiya kapag maglalaro siya, eh, nakita ko naman siya naglalaro noon pa nung tumira pa ako dito sa dorm. Hindi pa nga nahiya, eh. Tapos ngayon pa siya nahihiya sa'kin.


Naiiling ako na tumingin sa kanya. "Maglaro ka na nga. Alam ko naman na gustong gusto mong maglaro, tsaka para ding bonding niyo sa EXO dahil alam ko na miss na miss mo na sila lalo na tong si Baekhyun." Turo ko kay Baekhyun.

"Kaya maglaro ka na dun. Sus, nahiya ka pa sa'kin."


Ngumisi lang siya at napakamot sa batok. Tumingin muna siya kila Baekhyun at Tao, at tumingin ulit sa'kin.


"Okay. But, can you give a kiss today?" Ano? K-kiss? Nasisiraan na ba siya?


Kinurot ko ang tagiliran niya. "Anong kiss?Alam mo, ang pilyo mo talaga. Maglaro ka na nga." Saka ko siya tinulak tulak palayo sa'kin, baka mahalikan ko siya wala sa oras, eh. Nakakahiya dahil nasa harapan pa namin silang Baekhyun at Tao.


Wala nang nagawa si hubby dahil hinila na siya nina Tao. Napailing nalang ako. Simula ng mangayari dun sa 100 days anniversary namin ay nagiging pilyo na siya, laging humihingi ng yakap at kiss. Minsan nga kada alis niya sa bahay humihingi siya ng kiss, pampagana daw sa practice nila araw-araw. Hinahatid pa nga niya ako sa school, eh, kahit sinabihan ko na na huwag na dahil baka may makakita sa kanyang paparazzi at pagkaguluhan pa siya. Pero ang sabi naman niya, Wala daw siya pakialam basta maihatid lang daw niya ako sa school at syempre hindi mawawala ang I love you's namin.


Sinasabi niya araw-araw na mahal na mahal niya ako at sa simpleng pagsalita niya ng ganun ay buo na agad ang araw ko. Mas lalo ko tuloy minamahal ang asawa ko. Wala akong tinatagong sikreto sa kanya, sinabi ko sa kanya lahat pati yung paghahanap ni Manager hyung sa mapapangasawa niya at ako ang napili. Sabi daw niya ako ang ideal wife niya kaya agad niya ako nagustuhan. Kinikilig pa nga ako, eh.


Kinuha ko ang walis at dustpan dun sa kitchen at nilinis ang sala. Tinulungan naman ako nila Keila at Nics sa paglilinis tutal pagod na sa kakalaro silang lay, Xiumin, Suho, Chen at Luhan. Naglalaro naman ang anim sa kani-kanilang kwarto kaya hindi na kami masyadong nahihirapan sa paglilinis. Nakakapagod nga at halos linisin na namin ang buong dorm dahil sa sobrang kalat.


After 2 hours sa paglilinis ay sa wakas!! Malinis na ang buong dorm, grabe lang!! Dalawang oras ang inabot namin sa paglilinis.


Napaupo kami sa sofa matapos namin gawin ang paglilinis. Kapagod!!


"Grabe, nakakapagod talaga."


"Oo nga, eh. Tsaka nagugutom narin ako sa kakalinis.


Napahawak ako sa tiyan ko dahil humihilab na din sa gutom.


"Ako nalang ang gagawa ng meryenda natin. May pagkain pa ba sa refregirator?" Pagre-representar ko.


"Meron pa dun sa ref. Buti nalang nagtago pa kami ng iba pang pagkain dahil inubos nang Exo ang lahat ng pagkain sa ref. Haay naku!! Isip bata pa nga, matakaw pa!!" Sabi naman ni Nics.


Nicolie's POV

Umalis na si Jasmin para gawan na kami ng meryenda. Grabe nakakapagod talagang maglinis. Ang kukulit kasi nilang Luhan kung makalaro parang wala ng bukas!!


Lumapit ako kay Keila at kinuha ang remote control sa tabi niya. I-on ko na ang TV para manood. Ang boring kasi!!


Pagbukas ko sa TV ay may isang news na nakakuha sa attention namin dalawa ni Keila.


TV News:  Samantha Kim is back in the Korea after 3 years of leaving showbiz and lived in New York. They say, it's because Ms. Samantha Kim had a relationship with one of the Infinite boy band member, but still anonymous who is that member? According from the statement of Ms. Samantha Kim, she came back here in Korea to continue their relationship with her anonymous boyfriend.


Kitang kita sa TV kung paano siya pinagkaguluhan ng media. Takte, ang ganda ng babae, kahit na naka t-shirt lang siya at jeans. Inggit ako, sana ganun din ang katawan ko. Coca cola body!!


"Grabe, halos hindi na siya makadaan sa daming reporters at media" Rinig ko na sabi ni Keila.


Sakto naman na bumaba na silang Luhan , Chen at Chanyeol mula sa itaas. Mukhang napagod sa kakalaro dahil ang gugulo ng buhok nila parang sinakluban ng langit at lupa ang mga buhok nila.


Lumapit si Luhan sa'kin at umakbay sabay halik sa pisngi ko. Ay, kinikilig ako. "What are you watching guys?" Tanong ni Chanyeol.


"Kilala niyo ba si Samantha Kim?" Ewan ko ba kung bakit sila napatigil sa sinabi ko. Si Chanyeol naman biglang namutla. Nakataas ang kilay ko na nakatingin sa kanila. What's wrong with them?


"W-why? Do you know her?" Tanong ulit ni Chanyeol. Tinuro ko ang TV na naglalaman ng news tungkol kay Samantha Kim.


Nakatutok lang sila sa TV. Ano ba ang nangyayari? Bakit gulat na gulat sila balita at napatingin silang Chen at Luhan kay Chanyeol. Si Chanyeol naman ay blanko lang ang ekspresyon na nakatingin sa TV. Kami ni Keila naman ay nagtataka sa mga kilos nila. Nakatutok lang sila sa TV hanggang sa matapos na ang news tungkol kay Samantha Kim.


"Are you okay, Chanyeol?" Sabi ni Luhan. Napansin ko na naging bato ang fist niya.


"Yeah, I'm okay. Don't worry." Paos na sabi ni Chanyeol


"Okay, Okay, guys. Naguguluhan na ako, ah. Sino ba si Samantha Kim at parang kilala niyo siya. Bakit kayo gulat sa balita?" Tanong ni Keila.


Nakatingin ang lahat kay Chanyeol. Bakit? Kilala ba ni Chanyeol si Samantha Kim?


"Samantha... is my—"


"Sino si Samantha?"


——————————————————————————


A/N: Alam kong lame. Pagpasensyahan niyo na!! Hihihi :-P Happy 6K reads!!! Yehet!! Ohorat!!


Vote and Comment!!

Secretly Married with Exo Chanyeol (Completed)Where stories live. Discover now