Chapter 34 ~ Don't mind them

17 1 0
                                    

Kinabukasan ay sabay silang pumasok sa school na magkahawak ang mga kamay. Pinagtitinginan naman sila ng mga estudyante.

Habang nakayuko si Ada at pinagmamasdan ang kamay ni Kent ay huminto si Ada at sinabi kay Kent. "Kent, pinagtitinginan nila tayo." At pilit niyang inalis ang kanyang kamay sa kamay ni Kent.

Lumingon naman si Kent sa paligid. "Huwag mo silang intindihin."

Pagkatapos ay muli siyang hinawakan ni Kent sa kanyang kamay at nagpatuloy sila sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sa kanilang classroom. Lalong umigting ang bulong-bulungan na narinig ni Ada ng makapasok na sila sa classroom habang pinagtinginan sila ng kanilang mga kakaklase.

Agad na bumulong si Kent sa kanya, "Ignore them!"

Inihatid siya ni Kent sa kanyang upuan at hinintay siyang makaupo bago umupo sa kanyang upuan. Tahimik namang umupo si Ada sa kanyang upuan hanggang sa dumating na ang kanilang guro.

Nang kanilang break time ay sabay silang nagpunta ng canteen at patuloy pa rin silang pinag titingnan ng mga estudyante at pinagbubulungan.

Hindi na mapalagay si Ada sa ganitong sitwasyon, ito ang ayaw niya ang atensyon ng iba. Dahil sa nangyaring paglalahad ni Kent tunay niyang nararamdaman ay humaharap sila ngayon sa kung anong-anong tsismis sa school at ang pinakamalala pa dun ay ang tungkol sa pang-aakit niya kay Kent, na hindi naman totoo.

"Tinitingnan pa rin nila tayo." Bulong ni Ada ng huminto siya saglit sa pagkain at tumingin kay Kent.

"Don't mind them! Just eat! Masasanay ka din at hindi rin yan tatagal, okay." Kasabay nito ang paghawak ni Kent sa kamay ni Ada.

Tumango naman si Ada at huminga ng malalim at tska nag patuloy sa kaniyang pagkain.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam muna si Ada kay Kent na magccr, kaya pinauna na lang muna niya si Kent pabalik sa kanilang classroom.

"Ah, Kent mauna ka na, magccr lang ako." Sabi ni Ada at bumitaw siya kay Kent.

"Ah, okay sige." Tugon naman ni Kent at naglakad na si Kent papalayo.

Pumasok naman si Ada sa loob ng restroom at sabay-sabay na tumingin sa kanya ang mga estudyanteng nandodoon. Dahan-dahan naman siyang naglakad at hindi sila pinansin.

Ang mga estudyanteng naiinggit kay Ada ay hindi napigilang magparinig kay Ada, may iba pa na gustong saktan si Ada subalit hindi nila ito magawa dahil natatakot sila kay Kent, at alam nila kung paano magalit si Kent.

Nang makalabas si Ada sa restroom ay bigla na lamang na may humila sa kanya ng naglalakad na siya sa hallway at pabalik na sana sa kanilang classroom.

Nagulat siya ng makita ang taong humila sa kanya sa may sulok ng pader.

"Oh, Mark." Mahinang sabi ni Ada.

Binitawan naman ni Mark ang braso ni Ada. "Let's talk. Seriously, kayo na ba talaga ni Kent?" Agad na tanong ni Mark kay Ada.

"Oo, bakit?" Sagot naman ni Ada sa kanya.

"Ada, alam kong tinatakot ka lang ni Kent para sumama sa kanya, kaya layuan mo na siya."

Umiling naman si Ada, "Hindi ako tinatakot ni Kent."

Hinawakan ni Mark ang kamay ni Ada at sinabi ng mahinahon, "Ada, alam mo simula ng pagkabata, ay gusto na kita."

Hinila naman ni Ada ang kanyang kamay at sinabi, "Mark, 'di ba sinabi ko na sayo na hindi kita gusto. Iba noon at iba ngayon."

"Ada, you are the only one in my heart, mula noon hanggang ngayon. Huwag mong kalimutan ang promise natin sa isa't-isa!" Sinabi niya ito kasabay ang pagyakap niya kay Ada.

Lost StarWhere stories live. Discover now