Chapter 5 ~ Ang Kanyang Magiging Asawa

26 3 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Maya-maya pa ay dumating na ang Don, naka wheelchair ito at tulak-tulak ng isang Nurse na lalake. Malaki ang ngiti nito sa kanya habang papalapit ito, siya naman ay tumayo at magalang na bumati.

"Magandang umaga po! Ako po si Ada, kinagagalak ko po kayong makilala Don Manuel!" pagbati ni Ada.

"Masaya ako at nakapunta ka Iha. Sa wakas at nagkita din tayo! Sige, Iha maupo ka na habang hinihintay natin ang aking apo na bumaba. Tska pala, wag mo na akong tawaging Don, Lolo na ang itawag mo sa akin, dahil apo na rin kita!" wika ni Don Manuel.

"Sige po." sumang ayon na lang si Ada.

"Kamusta na pala ang Papa at Mama mo?" tanong ni Don Manuel.

"Ok naman po sila, nasa kabilang City po sila ngayon nakatira, at ako po ay... " hindi na naituloy ni Ada ang sasabihin, dahil nakikita na niyang bumababa ang apo ni Don Manuel.

Kinabahan siya ng makita ito. Mataas na lalaki, maputi, matangos ang ilong, gwapo at maganda magdala ng damit. Naka long sleeve ito ng light blue at nilulupi ang mga sleeve nito papunta sa may siko, habang pababa ng hagdan.

"Oh, andito na pala ang aking apo!"

Nagulat naman si Ada sa pagkilala kung sino ito.

"I-Ikaw?!" gulat na wika ni Ada.

"Ako nga, wala ng iba! Hi, I'm Kent!" ngisi nito at sabay na inilahad ang kanyang kamay kay Ada.

Hindi alam ni Ada ang gagawin, lalo siyang kinabahan ng makita si Kent- si Kent, na kaklase niya, na kinaiinisan niya at ang unang humalik sa kanya.

Kinindatan naman siya ni Kent at parang sinasabing 'makipagkamay kana, nangangawit nko!'

Tska palang nakipagkamay si Ada. Malamig ang kamay ni Ada, damang-dama iyon ni Kent. Naramdaman naman ni Ada na sobrang lambot ng kamay nito, na mas malambot pa sa kamay niya. Agad niya itong binawi.

"So, Iha nagkakilala na ba kayo? Balita ko kasi pareho na kayo ng School na pinapasukan." tanong ni Don Manuel kay Ada.

"Opo." tipid na sagot ni Ada.

"Actually, Lolo mag kaclassmate po kami!" pagdagdag ni Kent sa sinagot ni Ada.

"Ah, mabuti kung ganun. Hindi na ako mahihirapan na ipakilala kayo sa isa't-isa!"

masayang wika ni Don Manuel.

"Halina kayo at kumaen na tayo!" yaya ni Don Manuel.

Nag-aalangan naman si Ada na sumunod.

"After you..." wika naman ni Kent sa kanya.

Napahanga din naman si Kent kay Ada, nang makita ito. Dahil lumabas ang kagandahan nito sa suot nitong dress at konting make-up. Sa school kasi ay hindi niya ito nakikitang nag mamake-up kumpara sa iba nyang kaklase. Hindi rin alam ni Kent na si Ada pala ang sinasabi ng kanyang Lolo na kailangan niyang pakasalan bago ito mamatay. Hindi rin siya payag sa kasunduang ito ng kanyang Lolo, pero ngayong nakita niya si Ada, mukhang nagbago ang kanyang isip.

Sa hapag kainan, habang kumakaen ay magiliw na inaalok ng mga pagkaen si Ada ng kanyang Lolo.

"Sige Iha, kumaen ka lang ng kumaen. Wag ka mahiya ah." wika ni Don Manuel.

Lost StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon