Chapter 25 ~ Namasyal sila sa Park

19 2 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Paglabas ni Ada sa eskuwelahan, nagpunta siya sa may kanto na sinabi nito at nakita niyang naghihintay si Kent. Agad siyang sumakay sa loob ng kotse.

"Oh, bakit?" tanong ni Ada kay Kent, habang napapaisip parin siya kung bakit pinapauwi na kaagad siya nito.

Subalit ang sinagot ni Kent sa kanya ay isang matamis na halik sa mga labi. Nagulat naman si Ada sa ginawa ni Kent.

Pagkatapos siyang halikan ni Kent ay tinanong niya ulit ito. "Ano nga 'yon? Bakit na tayo uuwi?" muling nagtanong si Ada.

"Dahil dito." Kinuha niya ang phone at iniabot kay Ada.

Nakita ni Ada na maraming mensahe at comments sa fb ni Kent, tungkol sa pagsigaw niya sa rooftop. Binasa niya ang ibang mensahe at nakita niyang madami ang nagtatanong kung sino ang girl sa rooftop at kung kilala ba ni Kent ito. Meron ding mga negative reactions at gali na galit at gustong hunting kung sino man ang girl na iyon.

Nagulat naman si Ada sa naging reaksyon ng mga estudyanteng may gusto kay Kent.

"Grabe naman sila." Nasabi ni Ada habang binabasa ang mga comments ng mga ito.

"Kaya nga uuwi na tayo, baka dumigin ka pa nila. May naka kita ba sayo?" Pag-aalalang tanong ni Kent.

"Hindi, ni hindi nila ako nakita." Ngumiti si Ada.

"Ah, bakit ka nakangiti?" tanong ni Kent.

"Ahmm, wala." Sabi ni Ada at niyakap siya ni Kent.

Maya-maya pa ay huminto ang kotse sa park. Nagulat naman si Ada at nagtaka, dahil ang alam niya ay uuwi na sila ng bahay. Tumingin siya kay Kent at nagtanong.

"Ah, akala ko ba uuwi na tayo?" tanong ni Ada kay Kent.

"Maglakad-lakad muna tayo, maganda ang araw iyon." Nakangiting wika ni Kent.

At pagkatapos ay lumabas na sila ng kotse at naglakad sila sa paligid ng park. Nakita nila ang isang lalake na nagbebenta ng lobo, bumili sila ng lobo na kulay berde. Pagkatapos ay nag-arkila sila ng bike at umangkas si Ada sa bike ni Kent.

Masaya silang sumakay sa bisikleta, sumandal si Ada sa likuran ni Kent at yumakap, habang hawak ang lobo na lumilipad sa hangin. Nilibot nila ang paligid ng park at pagkatapos, sila ay kumain ng sorbetes, habang umupo sa damuhan sa ilalim ng puno.

Pagkatapos ay nakakita sila ng mga bubles na lumilipad sa hangin, agad na tumayo si Ada at hinabol ang mga bubles na parang bata.

Masaya namang nakatingin sa kanya si Kent, habang hinahabol amg mga bula para hindi bumagsak sa lapag. Pinagmasdan din niya ang masayang ngiti ni Ada.

Ang ngiti na nagmumula sa mga mata ni Ada, ay napakagandang pagmasdan. Naimagine niya kung gaano niya kamahal si Ada at lalo pa itong tumitindi sa pagdating ng mga araw.

Nakita ni Ada na nakatitig lang si Kent sa kanya, kaya nilapitan niya ito at niyaya siyang maghabol para sa mga bula.

At masaya silang tumakbo-takbo sa damuhan tulad ng mga batang naroon.

Nang mapagod sila ng kakatakbo ay nagpahinga sila, at umupo ulit sa damuhan.

Humiga si Kent sa damuhan at nag-unan sa mga hita ni Ada, habang ito ay naka-upo at kumakaen ng cotton candy. Paminsan-minsan ay sinusubuan niya si Kent ng cotton candy, habang nag-uusap sila.

Lost StarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt