Chapter 33 ~ The Sweet Dance

15 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Nang pumasok si Ada sa school ay nalaman niya na may gaganaping Masquerade party ang school nila for the new year.

Naghanda ang school ng Masquerade event para sa lahat ng studyante. Habang kumakain sa canteen ay napag-usapan ito nila Ada at Joice.

"WoW! Masaya yun! Punta tayo dun Ada!" Excited na sabi ni Joice.

"Ha, hindi ako mahilig sa mga party, eh." Pagtanggi ni Ada.

"Ano ka ba? Dapat pumunta ka, dahil ikaw ang Ms. Campus, siguradong pupunta din dun si Kent. Sige ka, kapag di ka pumunta baka si Charm ang maging partner niya!" sabi ni Joice.

"Ha, ganun ba?" Sabi ni Ada

"Kaya punta tayo, ha, okay?" Sabi ni Joice.

Tumango naman si Ada at pumayag siya dito. "Oh sige." sabi ni Ada

at nagpatuloy na sila ng pagkaen ng lunch.

~

Dumating ang araw ng kanilang Masquerade Party.

Sabay si Ada at Joice na pumunta sa party, dahil niyaya siya ni Joice sa kaibigan nitong hairstylist na dun sila mag paayos at sabay na rin silang nagbihis.

Si Ada ay naka suot ng light pink na long gown na parang diwata ang desenyo.

Si Joice naman ay black na long gown din.

Nang dumating sila sa event ay nakita nila na marami nang tao. Hinanap niya si Kent at nakita niya itong nakikipag kwentuhan sa ibang estudyante. Nakasuot ito ng itim na suit at may silver na maskara sa mukha, habang may hawak na champagne sa kanyang kaliwang kamay at ang kanan naman na kamay nito ay nakasuksok sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon.

"Malapit na magsimula, mabuti hindi tayo nalate." Sabi ni Joice.

"Oo nga eh." Sagot ni Ada habang nakatingin kay Kent.

Napansin naman ito ni Joice at agad siyang nag-usisa.

"Hey, sino tinitingnan mo?" Tumingin din siya kung saan nakatingin si Ada. "Teka, si Kent ba yun?" tanong ni Joice.

"Ha? Ewan, parang... 'di ko sure, nakasuot ng mask eh." Sabi ni Ada.

"Pero parang si Kent yun! Tindig pa lang eh. Hayaan mo, tatawagin naman kayo mamaya, eh." Sabi ni Joice.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang event.

Nagsalita ang MC for the opening remarks. Kasunod ay tinawag ang Head teacher na nag organized ng event.

Pagkatapos ay tinawag na sila.

"For our opening dance, let's all welcome... Mister and Miss Campus!!!"

Pagkatapos ay nagpalakpakan ang lahat.

Lumakad si Kent sa gitna, habang luminga-linga at hinahanap si Ada...

"Oh, tawag ka na dun Ada, pumunta ka na!" Sabi ni Joice.

"Ha, a-ayoko, nahihiya ako eh..." Sabi ni Ada dahil sobrang lakas ng tibok ng puso niya.

Lost StarWhere stories live. Discover now