Chapter 23 ~ Unlike Post

12 1 0
                                    

ALL RIGHTS RESERVED. NO part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or other electronic or mechanical methods, without the prior permission of the author and other non-commercial uses permitted by copy right law.

Certified and Registered in National Book Development Board.

~


Pagdating nila sa mansiyon, nakatanggap si Ada ng text mula kay Joice, agad niya itong binasa, pagkatapos bumaba ng kotse.

"Ada, kasama mo pa rin ba si Kent?" Text ni Joice.

"Hindi, nasa bahay na ako. Bakit?" sagot ni Ada.

"OMG! Sino kaya ang babaeng iyon na kasama si Kent? Akala ko ikaw, eh." text ni Joice.

"Bakit? Ano yun?" reply ni Ada.

"May post ngayon si Kent." Text ulit ni Joice.

"Anong post?" tanong ni Ada.

"Tingnan mo lang." Sagot ni Joice.

Habang naglalakad papasok sa bahay ay hinanap ni Ada ang post ni Kent na sinasabi ni Joice sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ito at makilala ang sarili.

Agad niyang tinanong si Kent tungkol dito, pumasok siya sa kwarto at nakita niyang nagpunta si Kent sa closet at nagbibihis.

Lumapit siya kay Kent at nagtanong.

"Kent, ano itong pinost mo?" tanong ni Ada habang hawak ang kanyang telepono at ipinakita kay Kent.

Halos hindi tumingin si Kent sa kanyang phone at nagpatuloy lang ito sa paghahanap ng maisusuot sa loob ng closet.

"So?" Tanong ni Kent.

"Sige na, pakidelete mo na ito." Sabi ni Ada sa kanya.

"Bakit?" sabi ni Kent.

"Anong bakit? Picture ko itong pinost mo, paano kung makilala nila ako?" Naiinis na tanong ni Ada.

"Picture mo?" Tiningnan ni Kent ang hawak niyang phone at sinabi, "Ni hindi nga makita ang mukha mo eh." Sabi ni Kent habang naghubad ito ng uniform at nagbihis ng white shirt.

"Kahit na, alam nila Joice at Mark na ako ang huling kasama mo, kaya plea –"

"Ayon naman pala, dahil sa mokong na yun!" Nainis na din si Kent at lumapit siya kay Ada at yumuko at tinitigan siyang mabuti. "Bakit Ada, ano bang ikinatatakot mo? Ang malaman ng Mark na yun na asawa mo 'ko?"

"No, ang point ko dito, kung meron makaalam na may asawa ka na at makilala nila ako. Di ba, sabi ng lolo mo na 'wag nating ipapaalam sa iba, ang tungkol sa ating dalawa?" Sagot naman ni Ada.

"Tsk! Bakit, pinost ko ba yun name mo, di ba hindi? Ni hindi nga makita mukha mo dyan! So what, kung malaman nila?" Padabog na isinara ni Kent ang closet pagkatapos magbihis.

Dinampot ni Kent ang kanyang telepono at humarap kay Ada.

"Sige, gusto mong idelete ko 'to? I will do it, basta sabihin mo sa akin ngayon na - HINDI MO NA AKO MAHAL!" Sabi sa kanya ni Kent habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Nagulat naman si Ada sa sinabi ni Kent, hindi naman niya kayang gawin yun, dahil mahal niya si Kent. Napayuko na lamang si Ada at tumahimik.

Nang hindi makasagot si Ada...

"Tsk!!!" Pagkatapos ay inihagis ni Kent ang telepono sa kama at isinara nang malakas ang pinto at bumaba.

Nagulat naman si Ada sa malakas na tunog ng pinto at dahan-dahang umupo si Ada sa kama at naramdaman niyang nanghina ang kanyang mga tuhod at ang mga luha niya ay unti-unting umagos sa kanyang pisngi.

Lost StarWhere stories live. Discover now