~ At the secret underground base in Eckheart City's branch (1:25 A.M)


Isang nakakakilabot na katahimikan ang bumalot sa buong meeting room ng mga higher rank ng organisasyon. Walang naglalakas ng loob na gumawa ng ingay at hindi rin nila magawang iangat ang kanilang paningin. Nanatili lamang nakayuko ang limang higher rank na present sa meeting habang hinihintay ang kanilang master na magsalita.


Kasalukuyan kasi itong nakatingin sa video na nakuha ng ilan sa tauhan nila sa mismong site sa nangyaring assassination ngayong madaling araw. Ang hindi lang maintindihan ng mga ito at kung anong kinalaman ng master nila sa babaeng nasa video.


Sa malaking screen kasi ay napapanood ng limang higher rank officials ang kinilalang 'naive princess' ng pamilyang Caventry na mala-professional killer ang dating sa ginagawa niya. Kaya bilang high ranking assassin ay hindi nila maiwasang humanga dito. Nasa isip din nila kung sabi-sabi lang ba ng mga tao na mahina siya.


"Cut this part and make sure no one would see it." walang emosyon na utos ng master nila na sabay-sabay nilang kinalunok.


Hindi kasi nila maiwasang matakot sa amo nila kaya kahit gaano ka pa sila kalakas ay alam nilang wala silang panama dito.


"Understood, master." nakayukong sagot ng lima. Nang makita nila na ginalaw ng master nila ang kantang kamay nito ay sabay-sabay na tumayo ang lima at yumuko bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Naiwang nakatingin ang tinaguriang 'Master' ng organisasyon sa laptop nito, kung saan doon ay naka-display sa screen ang ginawang pamamaril ng Lady ng Caventry sa dalawang motor na humahabol sa kaniya.


"Heavenhell, the naive princess? Heh!" naiiling na lang na sabi nito habang patagong nakangisi.


.

.

.


Samantala, nayanig ang buong Eckheart City maging ang Andrin City nang makita nila ang binalita sa TV. Doon ay kita nila ang kuha mula sa helicopter kung saan ay may dalawang sasakyan na humahabol sa kotse ni Lady Heavenhell. Kita din doon ang mga pasabog na nagaganap kaya halos lahat ng nakapanood ay nagulat.


Hindi lamang sa telebisyon pinalabas ang balita, kung hindi pati sa iba't-ibang social media platforms ng Atlante ay trending ang assassination kay Heavenhell.


Kung saan sa mga social media sites ay umani ng ibat-ibang komento ang netizens tungkol sa nangyari.


@Girl_at_your_service: O-oh my! Nakakatakot ang nangyari kay Lady Heavenhell!


@I-don't-have-a-boyfriend: Yeah! Hindi ba siya sumisikat sa internet ngayon na gumawa ng kanta para sa ex-fiancé niya?!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now