Kabanata 4

3 0 0
                                    

XANDY

Maaga akong sinundo ni Xander kinabukasan kaya maaga rin kaming nakadating ng school. Dinalhan niya ako ng breakfast kaya ito kami ngayon at  kumakain muna sa classroom ng first class ko.

"Love, oo nga pala. Okay daw kay Dad na sa company nadin mag OJT yung kambal. Pinagalitan nga ako kagabi kasi bakit daw kita pinabayaan." sabi niya habang hinahain ang pagkain na dala niya. "Alam mo love, palit nalang kaya tayo ng parents? Ang weird nila grabe. Haha." natawa ako bigla sa sinabi niya. Pinunasan ko ng tissue ang labi niya dahil sa ketchup na nanggaling sa burger na kinakain niya.

"Good idea yan! Haha. Pero normal lang siguro yun, favorite lang talaga nila ang isa't isa satin." sinubuan niya ako ng tapa na may rice. Alam niya kasing ito ang favorite ko kaya ito ang dinala niya para saakin. Hindi mahilig magrice si Xander kapag breakfast, kabaliktaran ko siya na mahilig sa sinangag.

"Goodmorning lovebirds! Ang aga aga ang daming langgam dito ha!" sigaw ni Claui habang papasok ng classroom namin. 

"Huy! Nakita niyo ba yung bintana? Gawa na lahat! Tapos hindi lang basta gawa, pinalitan talaga lahat! Sliding window na Xandy, sure ako hindi ka na masusugatan dun." bungad naman ni Sunnie na kumakain na ng fries na baon ni Xander.

"Aba dapat lang noh! Sa mahal ba naman ng tuition fee natin dito kaya pa nga yatang magpagawa ng isang buong campus!" reklamo nanaman ni Claui na nakikisubo nadin sa tapa na kinakain ko. "Teka nga pala, may utang ka pang dare samin Sundy! Ano parts? Anong papagawa natin sa bruhang to?"

"Ikaw na bahala. Ayoko ng magisip! Tignan mo nga, injured na nga ako oh!" pinakita ko pa sakanila ang kamay ko na puro bandage padin.

"Sige. Sige! Ako na bahala kasi may naisip na ko eh! Haha!" mukhang maganda yung naisip ni Claui ah, nakakaloko ang tawa niya eh.

"Hoy bruha! Dalian mo lang ah. Ito na oh, pinagdala ko na kayo ni Xandy para kapalit dun sa kinain ko!" sabay abot samin ng tig isang box ng ferrero. Napangiti ako sa tuwa.

"Sorry ka ayoko ng madali eh! So eto na nga, ang dare namin sayo na ako ang nakaisip dahil matalino ako ay kakausapin mo si Jay at sasabihin mo sakanya na humingi ng sorry kay Xandy. Ayos ba?" halos mabulunan ako sa sinubo saakin ni Xander. Mabilis niyang kinuha ang tubig para painumin ako.

"HA!!?? SERIOUSLYYYY?!! NOOO WAYYYYY! Pakshet naman Claui. Napakaimposible naman nyan eh!" reklamo ni Sunnie na halos maglupasay na sa sahig.

"Oo nga. Ayun magsosorry? Eh hindi nga yata alam nun yung ibig sabihin ng salitang sorry." sabat ni Xander na mukhang naiinis nanaman.

"Sige mamili ka, lips to lips kay Buboy o magsorry si Jay kay Xandy? Pili!" mas lalong imposible yung una, baka ikamatay pa ni Sunnie yun.

"Patayin mo nalang kaya ako! Parang papatayin mo na ko sa nga dare na yan eh." nagsisisipa na siya sa sahig ngayon habang nakaupo.

"Edi 'wag mong gawin. Yun nga lang, kapag hindi mo ginawa eh 5years kang hindi pwede magjowa. Keri mo naman yun! Wala naman nanliligaw sayo. Swerte lang 'tong si Xandy maagang nagjowa! Maagang lumandi!" loka loka talaga 'tong si Claui. Walang araw na hindi iniinis yung kambal niya at pati ako dinamay pa.

"Grabe siya! Hindi ba pwedeng ang ganda ko lang kaya nahumaling 'to sakin ng maaga?" turo ko kay Xander na nakatingin sakin ngayon habang nakangisi.

"Oh edi kayo na! Kayo na ang 4years na magjowa. Kayo na may 4ever!" sabay kuha naman ni Claui ng fries. Nakita kong kumunot ang noo ni Xander, di pa kasi siya nakakakain ng maayos kakaintindi sakin tapos halos paubos na yung fries niya. "Oh ano na Sundy! Pili pili na habang may time."

AFTER ALLWhere stories live. Discover now