Kabanata 1

8 0 0
                                    


XANDY

"Parts, pwede bang sa company nalang din ng Daddy ni Xander kami mag OJT ni Sunnie? Ayaw kasi namin talaga sa company ng Daddy mo. Hindi kami makakapagchukchakan sa mga boylet dun!" ani Claui, isa sa mga bestfriends ko.

"Chukchakan ka dyan! Hindi paglalandi ang OJT! Mas magiging busy tayo kasi mae-experience na natin mag site visit."

"Grabe siya oh! Palibhasa may Xander ka! Bakit ba!? Suportahan mo naman kami, malay natin isang construction worker pala ang forever ko!"

"Hoy! Hoy! Hoy! Huwag ka nga dyan! Ako ang may forever dun, baka nga mamaya foreman pa eh!" singit ni Sunnie sa usapan namin, kakambal siya ni Claui.

"Hahaha. Iww! Diba pag foreman usually matatanda na? Mahiya ka naman Sunnie! Kadiri ka!"

"Bakit? Pag foreman matanda agad?? Grabe siya! Alam mo ikaw ang sama talaga ng ugali mong babae ka!"

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan. Tara na at baka ma-late pa tayo sa next class natin." suway ko kahit alam kong hindi naman sila titigil sa pang-aasar sa isa't isa.

Palagi silang ganyan dalawa, hindi magkasundo at palaging nagpapagalingan, isama mo pa na loka loka sila pareho. Sila sina Claudy Garcia at Sundy Garcia, mga bestfriends ko. Grade school palang kami magkakaklase na kami, mag kaibigan din kasi ang mga parents namin.

"Yaaaaah! Waaaaaa! Grabe nakakakilig! Ang pogi pogi niya talagaaaa! Huwaaaaa!" tili ni Iris, yung ubod ng landi naming kaklase.

"Oo nga. Sana ako nalang yung shades na suot niya, para palagi akong malapit sa mukha niya. Shet. Omg! Omg!" sigaw naman ni Kelly yung kaibigan ni Iris na syempre malandi din.

"Parts baka si Xander 'yon! Halika na bilis! Nako! Baka binabastos na ng mga higad na yun yung jowa mo!" hila sakin ni Claui, halos maglalagan na 'tong mga libro na hawak ko sa bilis niyang maglakad.

"Hoy tabi! Tabi! 'Tong mga marites na to nakikisali pa. Excuse me! Excuse us pala! Shooo!" pagtaboy naman ni Sunnie sa mga nakaharang sa dinadaanan namin.

Actually, wala naman akong pakialam eh. Kilala ko si Xander at malaki ang tiwala ko sakanya. Takot lang niya sakin noh! OA lang talaga palagi tong kambal.

"Ay! Anak naman ng itlog! Akala ko si Xander the great! Si Jay the playboy lang pala. Sayang tuloy effort ko! Ano ba yan!" reklamo ni Claui habang nagkakamot ng ulo.

"Ang OA niyo nanaman kasi. Sanay na ko sa mga babaeng yan at sanay nadin si Xander sa mga yan. Nagtext siya sakin na nasa class pa siya, kaya mamayang lunch nalang daw kami magkita."

Isa 'yon sa mga maraming bagay na minahal ko kay Xander, yung sisiguraduhin niya na hindi ako mag-iisip at mag-aalala. Kahit hindi ko itanong o sabihin, nagkukusa siyang magsabi sakin. Pero ayos lang naman sakin kahit hindi siya mag update palagi, malaki naman kasi ang tiwala ko sakanya.

"Oh edi ikaw na! Ikaw na ang may perfect na jowa!" sumenyas pa 'tong si Sunnie na parang isa akong santo na sinasamba.

"Hi Tin. Gusto mong lumabas after class? Dinner tayo tsaka manuod tayo ng sine." typical script ni Jay sa mga chicks niya, di ko alam kung bakit pumapayag silang makipagdate sa isang to. Kung titignan mo, ang sungit ng mukha at palaging galit ang itsura!

Kilalang babaero sa campus 'tong si Jayke Anoria, buwan buwan iba iba ang mga babae niya. Kaya buwan buwan din eh may umiiyak na babae sa harap ng classroom nila na si Xander ang palaging nagco-comfort dahil nakakaawa daw. Kaklase niya kasi 'tong mokong na 'to. Okay sana tong si Jay, halos nasa level sana siya ng boyfriend ko kung hindi lang babaero at siraulo.

AFTER ALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon