Kabanata 2

3 0 0
                                    

XANDY

"HAHAHA! Oo naalala ko yan pre! Grabe nakakatawa yon at nakakahiya! 'Yun yung first time na makita kong mamutla 'tong tropa natin eh. Diba?" nakangisi pa si Drew habang inaakbayan si Xander.

"Loko ka talaga! Siraulo!" aniya na siniko pa si Drew. Halatang nahihiya siya.

"Hahahahahaha! Biruin mo may hiya ka pala! Ikaw kasi pre eh! Bakit kasi tinuro mo kay Xandy si Xander na hinahabol ng mga chickababes? Ayan tuloy! Napagkamalan siyang manliligaw! Haha! Tanungin ba naman ng 'Yes? Manliligaw ka ba? Kung oo..Basted ka na agad! Stay away from me!'" kwento ni Kit na ikinatuwa naming lahat. Namumula na lalo ang pisngi ng mahal ko sa hiya kaya hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Tapos takang taka si Xandy 'nun! Kahit malayo ako sakanila kitang kita ko sa mukha niya na parang gusto niyang sabihin na 'What the hell? Ang feeling mo! Kala mo gwapo ka?! Oo! Gwapo ka nga!' Yieeee!!" tuloy ni Drew, pinilit pang gayahin ang boses ko.

"Uy hindi naman! Grabe! Diba sabi ko nga sainyo, ang gusto kong sabihin sakanya nung araw na yun eh 'Wow! Tingin mo talaga lahat ng babae liligawan ka!?'" tinignan ko si Xander na tumatawa na ngayon. "Pero syempre hindi ko sinabi kasi nga kailangan kong sabihin na mali yung tuition fee na binayaran niya." pag-explain ko. Kawawa na 'tong isa sa mga asar nila.

"Pero diba hindi mo nasabi kaagad kasi umalis na si Xander papunta sa library ng hindi ka hinaharap. Hinabol niyo pa nga kami para sabihin kung ano talaga yung sadya mo. Tapos biglang namutla si Xander sa sobrang hiya. Pero ang totoo, namutla siya sa kagandahan mo. Hahaha! Diba pre?" ang smooth ng banat ni Kit.

"Yes, that's true! In short...na love at first sight ako sayo." aniya sabay halik sa kamay ko.

Ngayon ko lang nalaman yun ah! Buong akala ko kasi dahil sa napagkamalan niya kong manliligaw niya.

"Oh tama na muna yang lambingan. Tuloy ko na ulit yung kwento." singit ni Drew. 

Ilang beses na namin napag-uusapan kung paano kami nagkakilala ni Xander pero eto kami ngayon, hindi nagsasawang balikan iyon. Napapailing nalang ako sa tuwa kapag naaalala ko.

"So ayun na nga! Pagkatapos kong iexplain kay Xander ang nangyare, doon niya lang narealize na sobra nga yung binayad niya. Imbes na 100,000 pesos naging 150,000 yung tuition fee niya, mas mahal kasi ang kay Xandy. Ang masama pa nito, 1 month aalis sila Tito and Tita kaya yung 50,000 na pasobra eh baon na pala niya yun for a month. Hahahaha!"

"Eh diba! Nagoffer naman si parts na papalitan niya pero ayaw nitong si Xander. Palibhasa gwapo kaya hindi nakakainis mag-inarte. Hmp!" singit ni Claui.

"Hindi pag-iinarte 'yun! The moves ni Alexander the great 'yun! Pinatago niya kay parts yung 50,000 para sabay silang kumain palagi. Biruin mo yung baon niya para sa buong buwan eh umabot ng buong sem!!" pumapalakpak pa si Sunnie ng ikwento iyon. Napangiti nalang ako habang nakatitig kay Xander na nakangiti nadin.

"Actually kulang talaga 'yon. Kapag may projects kasi si Xander humihingi din siya sakin ng pambili. Pinalabas ko lang na meron pa para makasama ko pa siya." kumunot ang noo ko ng may mapagtanto "Pero wait, diba 1 month lang naman nawala sila Tita? Hindi ka ba nabigyan ng baon ulit? Bakit di ko naisip yun?" tinignan ko siya ng masama sabay bitaw sa kamay niya.

Ilang beses na namin ito napag-usapan pero hindi ko naisip yun.

"Wait lang love, let me explain. Binibigyan ako nila Mommy that time pero hindi ko na tinanggap. Sinabi ko may natira pa kong money. Syempre pag kinuha ko yun hindi na ko makakadiskarte sayo. How much do I owe you? Papalitan ko nalang love." kinuha niya ulit ang kamay ko para halikan. "Wait, eh kung nagaabono ka na that time, bakit hindi mo sinabi sakin? Do you like me that much ha?" hinigpitan niya lalo ang hawak sa kamay ko, alam niya kasi na baka bumitaw ako ulit.

AFTER ALLWhere stories live. Discover now