Nasa harap na ako ng bahay ngunit hindi ko alam kung bakit ayaw ko pang pumasok. Marahan kong pinokpok ang ulo ko dahil sa gumulo sa isip ko. Alam kong mali 'tong nararamdaman ko kailangan ko agad iitong pigilan.

"Hoy Lillian wala ka bang balak pumasok?" hindi na ako nagulat pa sa pag sulpot niya.

Lumingon ako sa kanya na may ngiti sa labi. Saka siya sinagot na patanong. "Anong kailangan mo?"

Mukhang kakauwi niya lang galing school. Naka uniporme pa at may dalang eco bag. Hindi niya ako sinagot at agad na lumapit sa pwesto ko.

"Wala naman. Pinabibigay pala ni Mama" wika ni Wesley. Saka niya ibinigay ang ecobag sa akin at sinilip ko ito at mukhang ulam ang laman at may maliit na supot.

"Mukhang masarap ito ha," biro ko sa'kanya "Pasabi kay Tita, salamat!" tugo ko pa.

Papasok na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Hindi mo man lang ako yayain?" nakabusangot na tugon ni Wesley. Nilingon ko siya at umaktong naawa sa kanya.

"Ay hindi ka pa ba kumakain?" ani ko, "Kailangan mo ng umuwi kung ganoon" buwelta ko.

"Napaka mo"

"Sinabi pa lang sa akin ni Mama na pupunta ka sa dati mong Nanay. Sasamahan kita." mahabang sabi ni Kuya Kye bago muling kumain.

Sasagot na sana ako nang sumingit ang dalawa.

"Sasama ako" sensiridad na sabi ni Wesley.

"Ako rin" sabat ni Jahziel.

marahan akong napapakit, hindi naman reunion ang pupuntahan ko, para sumama silang tatlo.

Lumipas ang ilang araw na paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko. Ngayong araw ng linngo ko haharapin  ang taong pinagtabuyan ako.

Nagsimba muna kami nila Mama at Papa, kasama rin sina Kuya Kye at Jahziel.

Ang kasama kong pupunta ay sina Kuya habang sina Mama ay hindi makakasama dahil may trabaho pa sila kahit pa na gusto nilang sumama.

Binigay na sa akin ni Lyndsy ang address ng bahay na pupuntahan namin. May kalauyauan ito sa tinitirahan namin dahil ang kanila ay sa Cavite pa. Sinundan namin ang binigay na address ni Lyndsy na ligaw pa kami.

Kinuha ko ang selpon ko sa bulsa para tawagan siya. mabilis niya na man ito sinagot.

"Hello Lyndsy, nasa labas na kami ng gate...yung sa may guard. Kailangan daw ng permiso galing sainyo bago kami makapasok" paliwanag ko sa kabilang linya.

"I'll go there, wait ate" natutuwang wika ni Lyndsy.

Mayamaya pa ay naaninag ko na ang paparating na kotseng grey.

"We're here na Ate Lil" masiglang wika ni Lyndsy.

Alam kong handa ko ng harapin si Mama, magulang ko  pa rin siya kahit papaano. Ano kay ang magiging reaksyon ng Nanay ko? magugulat ba siya at maiiyak sa sobrang sayo o ipagtatabuyan niya muli ako?

Pinagmasdan ko ang bahay na nasa harap namin. Mukhang mansyon ito dahil sa laki ng harap, paano na lang pag naka pasok na kami. Ang harap ay puno ng magagandang bulaklak na makulay.

Ang mga nadaanan naming mga bahay kanina ay may mga kalakihan din.

"Lillian, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Kuya Kye. Bahagya naman akong napatango.

Nauna na ng maglakad si Jahziel papasok kasama si Lyndsy. Mukhang matagal na silang magkakilala dahil sa ikinikilos nilang dalawa.

"Maupo muna po kayo, kukuha lang po ako ng makakain" nahihiyang saad ni Lyndsy kay Kuya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling LeafTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon