A week had passed  and same routine lang  ang ginagawa ko. Review for exam at yung letter for Evan minsan nagkaksalisahan kami sa daan then ngitian lang.

Buti na lang at hindi niya 'ko nahuhuli minsan sa locker room na inilalagay ko yung mga letter. Minsan pumunta rin siya sa bahay para puntahan sila Kuya.

"Gino ilang araw na ang nakakalipas 'di mo pa rin sinasagot ang tanong ko" siya na minsan ang kasama ko tuwing lunch. Ito namang si Gav ayaw sumabay dahil may kikitain daw siya.


"Kailangan pa ba?" walang emosyon niyang sagot na ngayon ay titig na titig sa'kin

Napairap na lang ako sa naging sagot niya.

"Oo naman. Kaya nga tinatanong ko diba" wika ko "itatanong ko ba sa'yo araw araw kung hindi kailangan?" Hindi makapaniwalang wika ko.

Minsan talaga may pagkatulig 'to.

Mukhang wala naman siyang alam ba't ko pa a-aksayahin ang oras ko dito, ni sagot nga wala 'kong makuha.

"May nakaupo?" turo niya sa right side ko at may dala dalang tray si Evan na puno ng pagkain.

May ibang napalingon na kababaihan kay Evan mukhang mga nalugi.

"May nakikita ka bang hindi ko nakikita?" Nanunuyang asik ko.

Umupo na ito nang wala man lang pasabi.

"Paupo ha" paalam niya.

"Nakaupo ka na nga nagpapaalam ka pa" bulong ko sa hangin.

Lumingon siya sa'kin at hinihintay ang sagot ko.

Ngumit ako saka nagsalita, "Oo sige lang, wala naman nakaupo diyan. Pati do'n" turo ko sa pinaka dulo na bakante rin.

Ang daming bakanteng upuan, dito niya pa naisipan umupo.

Tumayo na ako, hudyat ng pag-alis nang pigilan ako sa palapulsuhan ni Evan na nakaupo ngayon sa right side ko.

As of now kinakabahan ako parang alam niya na ang tungkol sa letter na mga nilalagay ko sa locker niya.

"Ba't ka aalis?" tiningnan niya ako ng makahuluguhan.

Huminga ako ng malalim saka siya sinagot. Hindi ko 'yon pinahalata.

"Tapos na 'ko at may klase pa ako"  asik ko.

"Ako ang naka assign na magbabantay" aniya, kumagat muna ito sa kinakain niya saka tinuloy ang sinasabi "Pumasok ka na Gino"

May twenty minutes pa bago mag bell.

Tumayo na si Gino habang si Evan hindi pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa palapulsusuhan ko.

"Tara na Lillian" pag aaya ni Gino

"Maiwan ka Zel" Tinawag niya ko sa second name ko huh.

"Tara na Lillian, baka ano pang gawin sa'yo ng lalakeng 'yan."  babala niya.

Kung ano-ano na lang ang tumatakbo sa isip nito mukhang wala naman itong gagawin na masama sa'kin kung meron meron man malalagot siya kina Kuya.

"Hindi, sige mauna ka na. Susunod na lang ako" pagpapauna ko sakan'ya at naupo na muli sa tabi ni Evan.

Binitiwan niya na ako nang bumalik ako sa pagkakaupo.

Umusog ako ng kaonti palayo sakan'ya. Nabibingi ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Kaya dumistansya  'ko ng kaonti feeling ko maririnig niya kung magkalapit man kami.

Falling LeafWhere stories live. Discover now