"Sinong bobo naman ang may gawa ng patibong na 'yon"


"Bunganga mo"


"Ano ba ang ingay niyo. Kitang may natutulog eh" rinig kong saway ni Khade "Mayayari kayo sa akin pag nagising si Lillian"

Hindi ko muna iminulat ang mata dahil tiyak na mag iingat na naman si Gav.

"Anong ibig mong sabihin? Ayaw mo ng magising si Lillian? Ang sama mong nilalang" pabalang na sagot ni Gav.


"Hay! Ewan" irit ni Khade.

"Nasan na nga pala si Ev---"


Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto iminulat ko ang matang sobrang bigat. Nakita ko agad ang mukha ni–sino ba ito? Medyo blured ang paningin ko kaya hindi ko masyadong makita ang nasa harap ko.



Itinaas ko ang kamay at marahan na inangat at hinaplos ang mukha ng taong nasa harap ko ngayon. Pinakiramdaman ko ito saka pinisil ang pisngi.

Nang lumiwanag ang mata kong kaninang malabo kasabay nito ang pagkirot ng ulo ko. Madiin akong napahawak sa ulo sa sobrang kirot nito.


Parang bula ang saya na naramdaman ko dahil sa mga alaalang nanumbalik.



"DOC, GISING NA PO SI LILLIAN!" sigaw ni Gav.


"Ano ba Gaviana. Gusto mo magsigawan tayo dito?" Iritadong tugon ni Wesley


"Lumabas nga kayong dalawa" utos ni Khade.


Lumabas na ang dalawa dahil narinig ko ang pagbagsak ng pinto.



Nang nawala na ang kirot sa ulo ko minulat ko muli ang mata ko.

"Evan" malumanay kong wika. I miss him. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.


"Shhh" tugon ni Evan.

Pinunasan niya ang pisngi ko na ngayon ay basang basa ng luha na hindi ko namalayan ang pagtulo.

Natauhan ako nang marinig ko ang ingay sa labas nila Gav. Inayos ko na ang sarili at napaiwas ng tingin kay Evan.

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok na ang Doctor kasama si Wesley at Gav na nasa likod ng doctor na may kasamang nurse  Habang si Khade ay nakatuon ngayon sa cellphone niya.

"Ikaw ba ang gurdian?" tanong ng doctor kay Evan.

"Sa ngayon po" alinlangan na sagot ni Evan. "Parating na rin po ang magulang niya" paliwanag niya.


"Doc," tawag ni Evan sa doctor.

Pinutol na agad ng doctor ang sasabihin ni Evan. Lumingon ito kay Evan kaya napalingon na rin ako. Nakaabang kaming lahat sa sasabihin ng doctor.

Natapos na akong i-check ng doctor may kaonting bukol at sugat ang ulo ko kaya naka benda ngayon ang ulo ko. Sa tuhod naman mga galos lang. Pero hindi ko maiwasang hindi mapangiwi sa sakit.

Ngayon ay nakaabang na kami sa sabihin ng doctor.

"Ayos na ang pasenyte. Kailangan niya na lang magpahinga... At bumalik na ang alaala niya" Saad ng doctor. "Alagaan mo ang girlfriend mo" nakangiting saad ng doctor pati na rin ang kasama niyang nurse na kinikilig rin.

Tinapik sa balikat si Evan ng Doctor. Bago ito umalis.

Ba't may pa-tama si Doc, hindi niya ba alam na nakakahiya. Siguro na huli niya si Evan na hawak yung pisngi ko?

Falling LeafWhere stories live. Discover now