Anak ng tinapa! Anong mga tinginan 'yan parang may ginawa naman akong masama. Bubulong na nga lang rinig ko pa.

"Told ya', kala ko hindi ka handa eh"

Itong kasama ko parang wala lang sakanya, kanina ko pa tinatanong kung bakit ganyan ang mga tingininan ng mga babae sa akin. Ah! Ito pa rinig ko kanina mukha daw akong inodoro para patulan na kung sino man iyung tinutukoy nila.

Aminadong hindi kagandahan? I refused na mukha kong inodoro dahil
hindi naman totoo! sakto lang. Nevermind.

Ang iba ay nakatutok sa phone nila sabay titingin sa akin. Yung phone ko naman iniwan ko kasi lowbat nakalimutan ko i-charge.

"Still confused?" lumingon siya at tinaasan ako nang kilay. Tinanguan ko siya.

"Alam mo Gav kanina ka pa! Sabihin mo na nga kasi" untas ko. Umiling lang siya.

Padabog akong naglakad at nauna na sa room rinig ko pa 'tong tumawa halatang inaasar ako.

Hindi ko na pinansin yung mga ibang nakatingin sa akin baka ano pang masabi ko at hindi ko naman alam yung dahilan at baka makipag away pa ko, kaso nga bawal ako makipag basag ulo 'scholar' laging tumatatak sa kokote ko, baka ma-drop out ako kung mangyari man iyon.

Hanggang matapos ang third subject, tiniis kong hindi pansinin si Gav kahit gusto ko na itong tanungin maraming tanong ang gusto kong masagot ngayong araw.

Exact time ng breaktime bago ako lapitan ni Gav  parang wala lang sakanya na layasan siya kanina sabagay mas matanda siya ng isang taon mukhang naintindihan niya ako.

"Kumain muna tayo" ngumisi ito at tuluyang umalis para bumili ng pagkain namin.

Nagsimula na kaming kumain at laking gulat ko sa lahat ng mga pinagsasabi niya.

Ang bumuhat sa akin papuntang clinic ay yung captain daw ng volleyball, same class sila ni Wesley ngayon ko lang narinig ang pangalan ng lalaking binanggit ni Gav at wala 'kong masyadong alam sa background niya.

Big deal sakanila 'yon?

"So anong sabi nung, Evan ba?" tanong ko at nag-aabang sakan'yang isasagot.

"Wala ano bang dapat niyang sabihin?" kunot noo niyang tanong.

kumagat ito sa burger saka niya  pinagpatuloy ang sinasabi "Edi wala alangan naman sabihin niya 'kumusta si Lil ayos na ba siya' tinulungan ka lang naman no'n dahil nasa binggit ka na ng kamatayan jusko. May hindi ka pa sinasabi sa akin anong nangyari bakit ka tumakbo ng ganon?" Tuloy tuloy nitong usal kahit may laman ang bunganga.

Napatango na lang ako. That guy bastos rin ang bunganga niya I search that what means of that oten. Erase!

Nawala sa isip nila ang itanong yung nangyari sa library sa sobrang pag-aalala. Sabihin ko pa ba?

"Gusto mo talaga malaman?" may pag aalinlangang tanong ko. Tumango naman siya.

Kuwenento ko lahat lahat...

"HA? ANO? LAMPUNGAN?!" tumayo ito at sumigaw nang pagkalakas-lakas.

Hinila ko ito paupo saka binatukan. Napasapo ako sa noo sa kakulitan na inasal n'ya.

"That's why..." walang ganang wika ko saka bumaling sa inuman ko.

Medyo nakalayo na ako sa  senior high building balak kong puntahan si Wesley alam kong vacant nila ngayon. Buti't walang pinagawa, may importanteng gingawa yung ibang teacher para sa nalalapit na field trip, ata.

Falling LeafWhere stories live. Discover now