08

0 0 0
                                    



Let's kill this love~

"Depota!" Asik ko dahil sa gulat nang biglaang pag alarm nito.

Mahina kong tinapik ang kaliwang tenga. Pag ganito talaga ang alarm mo magigising ka wala sa oras e'.

Tumayo na ako na galing sa sahig, dahil sa narinig kong sunod-sunod na pagkatok sa kuwarto ng pintuan ko. Mabilis kong nilinis ang mga kalat ko sa sahig na puro crumpled papel at yung sa desk naman mga notebook, Masyado 'kong masipag mag-aral.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa sahig ka-kaisip ng ilalagay sa love letter.After ko gumawa ng homework, sinunod ko kung pano ba gumawa ng love letter this is my first na magbibigay sa lalake, but kay Soleil nakapangalan.

"Lillian anong nangyayari?" Rinig ko tinig ni Kuya Kye.

Mukhang nagising siya sa pagsigaw ko. Sorry big bro.

"May ipis lang na gumapang sa akin" pagsisinungaling ko. Hindi na ito sumagot.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng pang pasok and did my routine, usually 'pray'  is my routine, tuwing umaga hindi yung routine like make-up. Hindi ako naglalagay ng liptint pag papasok. Baka ano na naman ang mapansin ng dalawa kong Kuya at kung ano na naman ang masabi.


"MABUHAY! MAGANDANG UMAGA!" asik ko na ngayon ay nasa baba na ako.

Nadatnan ko na nakaupo sa sofa si Jahziel habang nanonood. Si Kuya Kye naman ay nagluluto ng almusal.


"Ano ba 'yan napaka ingay" Masamang tumingin sa'kin si Jahziel mukhang nagising rin siya sa pagsigaw ko.


"Hindi ka pa nag a-asikaso?!" irita kong tanong.

"Bakit naka uniporme ka na?" tiningnan ako ulo hanggang paa ni Jahziel lumingon rin si Kuya Kye.

"Ang aga aga pa, Lillian, tingnan mo ang oras"

"T-trip ko lang. Masama bang gumising nang maaga at makita ang mukha ng dalawa kong kapatid na guwapo" pagpapalusot ko.

Nangasim ang mukha ni Jahziel habang si Kuya Kye ay napailing. Bumenta ata ang sinabi ko.

Nilingon ko ang orasan na malapit sa tv. 6 am palang. Gosh! Ganon ba 'ko ka excited pumasok.


"Himala ang aga niyo magsigising?" tanong ni Mama na nakababa lang.

Habang kami ay nakaupo na katapat ang mga hinain na pagkain ni Kuya Kye na repolyo with egg at sinangag na kanin. Hinihintay na lang namin na bumaba si Mama at Papa para sabay sabay nang kumain.

 

"Eh kasi si Lilian umagang umaga nagsisigaw." pagsusumbong ni Kuya Jahziel.

Napaka arte naman nitong lalakeng 'to parang 'yon lang e'. Mabulunan ka sana.

Pinaliwanag ko kung bakit.

"Nilinis ko ang kuwarto mo posibleng magkaroon ng ipis do'n" paliwanag ni Mama na ngayon ay nagsisimula na rin kumain.

"Biglang may sumulpot e" muling palusot ko.


"Ay nga pala mo, kaano-ano po pala natin si Evan?" Pagbabasag ko sa katahimikan.

"Nung mga bata pa kayo lagi kayong magkakasama kahit sa bahay natin nung hindi pa tayo dito nakatira. Halos hindi na nga kayo mapaghiwalay ni Evan dahil sa sobrang lapit niyo sa isa't isa. Hindi mo na naalala?" Panimula niya. Kaibigan? Parang wala naman akong naging kaibigan na gano'n ang pangalan. "Magkaibigan kayo no'n---" tuloy pa ni Mama.

Falling LeafHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin