Napatigil ako sa pagpupumiglas sa pagkakayakap niya nang may ibinulong ito. Totoo ba ang binulong niya? O binibiro niya lang ako.


Namuo ang katahimikan sa pagitian naming dalawa. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin at nagsalubong ang mata namin sa isa't isa. 


"Siraulo." sabi ko habang ang boses ay garalgal.

Mabilis kong kinuha ang sako at kinuha ang sanga at hinampas sa braso niya.


"Biro lang!" sigaw niya sa akin. habang hinahabol ko siya at handang ipalo ang sanga sakanya.


"Kingina tara lumapit ka dito! wala ka na naman magawa" irit ko. Saka binato ang sanga sa pwesto niya, ang tinamaan ay yung sapatos niya lang. Tumawa siya ng mahina nang ikinainis ko pinabayaan ko na siya at dabog na naglakad para magpulot pa nang mga sanga.



"Sana minsan maniwala ka sa mga sinasabi ko sayo" maloko niyang wika. Lumapit na ito sa akin at hindi siya pinansin.



Sino ang maniniwala sakanya, kung sa huli ay sasabihin niya ay hindi ito totoo.

"Malapit na sana ako maniwala... Ay teka sino pala yung babae mong kasama?" kuryoso kong tanong saka napalingon sakanya. "Gusto ko ulit siyang makita" dugtong ko habang kinukuha ang sako.

"Girlfriend ko..." May pag-aalinlangan pa siyang sagutin mukhang nagsisinungaling ang mokong na 'to.


"Bakit....bakit medyo hawig kayo?" tanong ko.

"Ah... Sa katagalan ata naming magkasama magkahawig na kami." sagot niya. Saka umiwas ng tingin.


Nung humarap ang babae nung araw na 'yon hindi ko maiwasang ikumpara ang mukha niya kay Nicolai. Baka girlfriend niya talaga. Pero may kutob ako.


"Eh tayo nga ilang buwan lang nagkakilala---" putol niya.


"Ang dami mong tanong" humalakhak ito at madiin na pinisil ang ilong ko.


"Argh!" sigaw ko dahil diin nitong pagpisil. Hinampas ko ng malakas ang kamay niya mabilis naman niya agad tinanggal ang kamay.


"Sana maalala mo na"


"May sinasabi ka?" tanong ko.


"Lillian!" narinig kong sigaw ni Evan. Nilibot ko ang tingin sa gubat para hanapin si Evan.



"Jusko!" gulat akong patalon nang naramdaman ang sumulpot nito sa likod ko. "Bakit ka narito? Namumulot pa kami ng kahoy. Mauna kana" harap ko sakan'ya.


Hingal na hingal ito at sa sobrang pawis pati ang t-shirt niya ay medyo may pagkabasa. Saan naman nagsusuot 'tong lalakeng 'to.


Tumingin siya sa hawak kong sako. "Masyado ng marami iyan. Anong gagawin mo diyan? " Kunot noo niyang tanong.

Hindi na ako sumagot at napagdesisyunan na manahimik na lang.


"Kayo na lang ang wala, masyado na kayong lumayo." Lumingon ito kay Nicolai at madilim siyang naka titig kay Nicolai.


Sa napapansin ko ngayon parang kulang na lang magsapukan sila sa harap ko.


"Heh! Baka ma-inlove kayo sa isa't isa. Paano na 'ko niyan. Sa titigan niyo palang parang napasok niyo na---"

Naputol ang sinasabi ko nang umabante paharap si Nicolai kay Evan. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at hinarang ang dalawang kamay para patigilin.

Falling LeafWhere stories live. Discover now