Chapter 4

51 4 0
                                    

"Aeign"
"Zach"

Sabay naming ani ni leigh habang parehas kami ay napatulala nasakanya at hindi makapaniwala sa aming nakikita.

Parang kanina lang, kanina kang pinag uusapan namin ito. Kanina lang nagdududa pa kami na baka nga wala na siya? At parang kanina lamang din hiniling ko na sana nga, sana nga makita ko siya, at heto nga siya sa harap ko ngayon.

Hindi ako makapagsalita at nakatulala lamang talaga sakanya, hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. Kung masaya ba o malungkot dahil halo halong emosyon ang aking nararamdaman.

"Ah huh? Sorry again miss but im in a hurry" he said and then he left immediately

Noong una ay hindi pa ako makakilos dahil 'di pa rin ako makapaniwala ngunit ng makarecover ay mabilis ko uli siyang nakita ngunit nasa malayo na

Ngunit kahit ganon ay hahabulin ko siya hindi ako makakapayag na mawala pa siyang muli saakin, hindi na

"W-wait, aeign" i said habang sinusubukang habulin siya, marami akong nabubunggo pero wala pa muna akong pakeelam sa ngayon sapagkat ang nasa isip ko lang ay ang mahabol siya

"Excuse me, excuse me " sinasabi ko iyan habang natakbo ngunit nakita ko siyang sumakay ng elevator at susunod na sana sakanya ngunit nag sara na ito bago pa man ako makalapit.

"W-waitt" sinubukan kong gumamit ng iba ngunit mukang matatagalan pa ito kung kaya no choice kakailanganin ko na gumamit ng hagdan oh damn wait for me aeign

Tumakbo ako papunta sa hagdan at nagmadali, wala akong pakeelam kung mapagod ako ang mahalaga saakin ay maabutan ko siya habang natakbo ay natapilok ako at kamuntikan ng matumba mabuti na lamang at mayroong sumalo saakin

"Ops hey miss are you okay?" Tanong neto saakin ngunit wala muna akong pakeelam sa ngayon, nag mistulan akong walang naririnig at tanging iniisip lamang ay kung paano ko maaabutan si aeign oh damn bakit naman ngayon pa, inis kong hinubad at aking sandals at tumayo ngunit kamalas malasang na sprain pa yata ako kung kaya natumba uli ako

"Heyy miss? Let me check your feet" sabi saakin noong lalaki na ngayon ko lamang nilingon.

Ngunit hindi na ako mahihiya pa kakapalan ko na ang loob ko

"Kuya pede bang buhatin mo'ko? Hanggang 1st floor lang oh please may hinahabol kasi ako eh, pakiusap" nagmamakaawa kong sabi dito no choice e sana naman pumayag siya

"Sige. Sumakay ka na sa likod ko" sabi nito saakin nagmadali naman akong sumakay sa likod nito at nag umpisa na siyang lumakad, ah hindi lakad to takbo rin to e, nahalata niya yata na nagmamadali talaga ako kaya kahit hindi ko sinabi ay tumakbo na siya

Pagdating sa 1st floor ay pinaderetso ko siya sa parking at nag umpisa ko nang ilibot ang aking paningin ngunit wala hindi ko na talaga ulit siya makita napaupo na lang ako sa sahig at walang pakeelam kung may makakita pa.

"Ang tanga tanga mo talaga kahit kailan hautea napakatanga" paulit kong sinasabi sa sarili ko habang inaalala na kanina abot kamay ko na siya pero mas pinairal ko ang emosyon ko, nakalayo tuloy

Pero kahit ganon i felt relieved because atleast i know he is truly alive, breathing.

Habang nagpapahid ng aking luha ay nagulat na lamang ako ng may mag abot saakin ng isang panyo, kung kaya naman ay napatingala ako.

Damn andito pa pala siya, yung lalaking tumulong saakin kanina andito pa sheshhh kakahiya nakita niya pa ako sa ganitong estado.

"Oh panyo" sabi nito saakin na medyo salubong ang kilay

Remember Me (AMNESIA SERIES #1)Where stories live. Discover now