"Ay palaka!" gulat ko at napahawak agad sa dibdib. Paano ba naman kasi, biglang nangalabit si Borgy.

"Oh sorry... I didn't mean to scare you. I was calling you para pumasok na sa sasakyan." pag-explain niya.

"Ah? Oo. Sige-sige. Papasok na." utal-utal kung sagot dahil galing pa akong gulat sinusubukan kung isipin asan ko ba yan nakita na sasakyan. Front seat na ako umupo katabi ni Borgy dahil nasa passenger seat si Jane.

"Let's go." masiglang wika ni Borgy. Tumango naman ako saka niya pinaandar ang sasakyan para maka-alis na kami. Bumalik ang tingin ko dun sa sasakyan na naka park kaharap lang ng sasakyan ni Borgy. Di kaya, ito yung sinasakyan ni Vinny kagabi?! Kung sakanya to, bakit diko to nakita before? Oh great! Car collector nga pala siya. Di malabong paiba-iba yung sasakyan na gagamitin. Pinilit kung maiwala sa isip ko yung nakita ko si Vinny sa park at sa isang sasakyan. Baka matuluyan na akong maging baliw pag palagi ko yung iisipin.

Nakarating kami sa isang building na pagka-taas at halatang yayamanin. Nakakalula ang taas galing dito sa kinatatayuan namin. Iginiya kami ni Borgy papasok sa building habang yung mga gamit namin ay binitbit ng parang mga staffs. Grabi. Lobby palang halatang pang mayaman na talaga.

"Ang ganda dito ate. Lakas maka yayamanin." bulong ni Jane habang naks angkla ang kamay sakin. Nakasunod lang kami kai Borgy na binabati siya sa bawat makakasalubong namin. Papasok na kami ng elevator at nakasunod lang din yung mga staffs na nagbibitbit ng gamit namin. Pagkapasok namin sa elevator ay kinuha niya lang yung isang card at pina-scan saka umandar yung elevator. Taray!

"It's good to see you again, Sir. We already cleaned the penthouse." parang lalabas mata ko sa sinabi nung staff niya. Penthouse?! Akala ko condo? Jusko! Pa simple kung tinignan si Borgy na ngayong pasimpling sinesenyasan ang staff na wag maingay. "Sorry, Sir." halos pabulong na sabi nung staff at nag kamot ng ulo. Penthouse? Grabi!

Nakadating kami sa pinakamataas na floor kung saan andun ang penthouse ni Borgy. Pagkalabas namin sa elevator ay bumungad agad saamin ang carpeted floor tas minimal paintings sa wall at mga sculptures na naka design sa hallway. Bago paman makapasok talaga sa penthouse ay iniscan niya ulit ang keycard.

"Mga gawa ba ito ni Honey?" di ko na mapigilan mag tanong. Familiar kasi yung mga designs.

"Yes..but most of them are gifts from my friends." sagot niya. Nagbukas na ang isang automatic door at dun nasilayan namin kung gaano kaganda ang penthouse niya. Mapapamura ka nalang sa ganda. Floor length window na kitang-kita buong Manila, yung designs minimal pero attractive tignan. Yung motif ng penthouse niya ay gray, white and black.

"Wow. Ang ganda dito ateee!!" pigil na tili ni Jane at manghang-mangha sa mga nakikita namin.

"Borgy, jusko. Parang subra na yata ito. Okay na—"

"Please accept this. It's just temporary I just want you to be comfortable while recovering." putol niya agad sa sinasabi ko. Aist! Mahirap talaga makipagtalo sa isang Borgy Manotoc. "Put all the things here." mando niya sa staffs at inilapag na nila agad iyon bago umalis na. "Here is the kitchen area. That door is playroom. Here is the living room. Let's go upstairs." sabi niya at sumunod lang kami. "This would be your room, Jane." turo niya sa isang pintuan nung makarating kaming second floor. "And this room is for you, Ezra." turo niya sa harap lang ng isang kwarto ni Jane.

"Pwedi naman kami mag share ng isang kwarto ni Jane."

"You don't need to. Marami naman kwarto dito so why not occupied it." tumingin agad si Borgy sa relo niya. "I have last meeting for today. Feel at home and I already ask them to buy some groceries so if you need something to eat, andyan na sa kitchen. Just tell me if you need anything. Okay?" sabi niya habang nagmamadaling bumaba sa spiral staircase. Nalulula ako sa laki ng penthouse niya eh kami lang dalawa ni Jane ang titira dito.

"Di ka ba dito kakain, Kuya?" pahabol ni Jane.

"As much as I want to, I have meetings eh. Maybe tomorrow. I'll visit you here. I really have to go. Enjoy the house!" sabi pa niya habang nagmamadali ng lumabas ng pintuan.

Pagkaalis ni Borgy ay nalibot ko na buong penthouse niya at nalulula talaga ako sa laki. Habang nagluluto ng ulam para tanghalian ang kapatid ko ay naisipan kung maligo para presko naman yung pakiramdam ko. Pagkatapos ko maligo at mag bihis ay bumaba na agad ako. Papunta na sana akong kusina nung may nag doorbell bigla.

"Ako na magbubukas Jane!" sigaw ko. Dumeritso nalang ako sa pintuan saka tumingin muna sa digital cam na makikits kung sino yung tao sa labas. Wala naman eh kaso may iniwang box. Binuksan ko nalang ang pinto saka kinuha ang box, lumingon-lingon muna ako kung kanino galing kaso walang tao. Isinara ko na agad ang pinto. Inalog ko muna ang box saka pinakinggan kung anong laman kaso wala naman so binuksan ko na. Maliban sa letter, wala ng ibang laman ang kahon. Parang naghalo bigla lahat ng nararamdaman ko nung makita ko ang nakasulat na letter.

"Enjoy as much as you can. You'll be mine soon."

Game On // Vincent Marcos (3)Where stories live. Discover now