CHAPTER 26: ACCEPT OR DECLINE

Começar do início
                                    

Sabay-sabay kaming lumabas mula sa S class palace at papunta na kami ngayon sa Parking lot. Habang naglalakad kami ay napag-usapan nila ang tungkol sa competition at founder ng project na 'yon. Dahil may konting nalalaman si Timothy about the Villanueva group he's giving all information na kaya niyang ibigay sa amin, but i guess konti lang ang kanyang nalalaman. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Sumakay na sila sa kani-kanilang sasakyan then Timothy offered me a ride, hindi na ako tumanggi pa dahil sa sobrang kakulitan niya, hindi ba naman siya tumigil kakatanong sa akin hangga't hindi ako pumayag. Pinagmasdan ko lang si Timothy na naglakad papuntang passenger seat hanggang sa buksan niya ang pinto nito. Pagkasakay ko ay dali-dali niyang isinara ang pinto at pumunta na sa driver's seat.

Napanatag si Avery na siya ang maghahatid sa akin papuntang Lenshington University dahil ipinangako ni Timothy sa kanya na ihahatid niya lamang ako at aalis din ito kaagad.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Wala akong lakas ng loob ngayon na kausapin siya dahil pakiramdam ko'y madami akong kasalanan sa kanya.

Nagulat ako nang marahan niyang hinawakan ang buhok ko at hinawi ito papunta sa aking tainga.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Timothy.

"Yeah, I'm fine." Sagot ko naman sa tanong niya.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang tungkol doon?"

Napabuntong hininga ako at saka ko siya tinignan. Naikunot ko ang noo ko dahil sa bumungad sa akin.

"T-teka? Kanina ka pa nakatingin sa akin?" Nauutal kong tanong kay Timothy. "Nababaliw kana ba? Tumingin ka sa daan kung gusto mong manatili sa mundo na 'to!"

Natawa lang siya at sa isang iglap naging seryoso ulit ang kanyang mukha.

"Erin, I love you" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang 'yon at unti-unti kong naramdaman ang pag-init ng aking mukha.

"You're teasing me again, Timothy. Itigil mo na 'yan dahil ipinapangako kong hindi na ako magpapatalo"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang iniangat niya ang kaliwang kamay ko at marahang dumaplis ang kanyang napakalambot labi dito.

Marahas kong inagaw ang kamay ko sa kanya. "Ti-Ti-Timothy! A-Ano na naman bang yokai ang sumanib sa isip mo hah?!" Hindi ko maiwasang mautal.

"Don't say bad words, Erin. Pfft!" Sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

Sa tingin ko tsaka ko lang nakikita ang ganitong mukha ni Timothy kapag kami lang ang magkasama. My heart is beating so fast right now and i hate to admit na siya ang dahilan kung bakit ito tumitibok. Ipinilig ko ang ulo ko para bumalik ako sa 'king sarili. Kalokohan, he's just my rival wala ng iba.

Mabuti nalang at malapit na kami sa Lenshington University, kung hindi mababaliw din ako gaya niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso sa kanyang mga mata. "Sisiguraduhin kong hindi na ako magiging pangalawa, Timothy. Akala mo madadaan mo ako diyan sa tactics mong 'yan" Sabi ko sa kanya habang nakangisi.

"Goodluck, Erin" Sabi niya at muling tumingin sa daan.

Pagdating namin sa aming destinasyon ay agad akong bumaba at nagpaalam na sa kanya.

"Sigurado ka bang kaya mo na mag-isa?" Tanong ni Timothy sa akin.

Tumango ako at, "Mas lalala lang ang sitwasyon kaya wag mo na balakin," ani ko with my neutral voice. "Paano, alis na ako."

THE S CLASS PROJECTOnde histórias criam vida. Descubra agora