'Tsk! Girls! Girls! Easy to tease but can't deny that they're cute like this.'




"Ah-ahmm, I left my key for the condo s-so if you--" Hindi ko na siya pinatapos dahil sa paraan niya ng pagsasalita ay talaga namang makikita mong nahihiya siya.



"Do you want my number?" diretso kong tanong.




"Y-yeah. D-don't misunderstand! I only need your number for the key and nothing else!" mataray niyang sabi. Geez! Katulad siya ng mga babae sa anime na napapanood ko noon. A tsundere type, huh...




"Here, call me if it's ready."




Pagkabigay ko ng number ay ngingitian ko pa sana siya nang bigla na lang may kamay na nagtakip ng bibig ko. Damn!




"The talk is done so let's go back." Dinig kong sabi ni Clive nang pahila niya akong sinandal sa kaniya. Yeah, habang hawak niya yung bibig ko mula sa likod ko ay walang pasintabi niya akong hinila, kaya ang ending ay napasandal ang katawan ko sa kaniya.




Kumaway na lang ako kay Arianna atsaka mabilis na tinanggal ang kamay ni Clive sa bibig ko. Kahit na mabango ang kamay niya ay malay ko ba kung saan-saan niya yan hinawak. Baka mamaya galing siyang CR tapos ano....Ganon! Yikes! Ayoko na lang magsalita.




Habang naglalakad papalapit sa lamesa namin kanina ay kapansin-pansin pa rin ang mga tinginan sa'kin ng iilang bisita. Hindi ko na lang din pinansin dahil wala ako sa mood na pakinggan pa sila. Like duh? Pagkatapos ng nangyari ngayon ay siguradong lalo akong makikilala ng lahat bilang composer.




Panigurado ay kukulitin na naman ako ni Lemuel tungkol kuno sa kanta na ipapakanta ko sa kaniya. Hehe! Nakaisip tuloy ako ng kanta sa Earth na siguradong gugulantang sa mundong Pangaea kapag narinig nila. *Evil laughs* Humanda ka sa'kin, Lemuel!Bwahahahaha!




"Heavenhell! Oh my gosh! You're so amazing!!!" Hangang-hanga na sabi ni Lorraine nang makalapit na ako sa lamesa namin.



"I just got lucky!" kunwaring nahihiya kong sabi bago umupo sa tabi niya.




"What do you mean by luck? It's talent, okay?! You're really cool up there! Am I right, Janice?" Tanong ni Lorraine kay Janice na nakapangalumbaba pa rin. Halata sa itsura niya na bored na bored na siya at gusto niya nang umuwi.



"Yeah." maikli nitong sagot.




"Hehe! Huwag ka nang nahiya, Janice! I saw you kaya! Deep inside ay hanga ka rin kay Heavenhell!" ngiting-ngiting sabi pa ni Lorraine na kinailing ko na lang.




Hindi ko kasi alam kung paano nakatagal si Lorraine kay Janice na tamad na tamad magsalita. Sa daldal nitong si Lorraine ay para siyang girl version ni Lemuel. Well, maliban na lang sa pagiging walang hiya ng animal.




"Venven, paano mo pala naisip yung kantang kinanta mo kanina?" Singit ni Clive na nakarating na rin pala sa lamesa namin.




"Oo nga, Heavenhell! Kanina habang kumakanta ka parang alam na alam mo na ang kakantahin mo. Kung hindi nga namin alam na si Arianna ang nagbigay sa'yo ng topic ay masasabi naming gawa na yung kanta." Nagtatakang sabi ni Lemuel. Napalunok na lang tuloy ako sa tinanong ng dalawang kumag.




"It's not easy, yes... Pero napakaraming magagandang babae dito sa venue kaya nakaisip ako ng tema na babagay sa kanila, lalo na kay Arianna. I was thinking that If I am her boyfriend, I will do anything to make her feel safe without insecurities." Sagot ko na lang habang nakatingin sa stage.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now