"W-what happened?!"


"Nag-propose si Deyl my loves kay Lady Heavenhell?! Kyahh!"


"O-oh my! Hindi ko alam na may something pala si Young master Leywin sa young lady ng mga Caventry..."


"Ano ka ba? Syempre napakaganda ni Lady Heavenhell! I'm still blushing right now!"


"Y-yeah, but sis, you're a girl so stop dreaming!"


"So what? She sang that song for the girls, so there's a chance that she will like me. *Giggles*


"Na-nakita mo ba kung paano protektahan ni Young master Lucretius si Lady Heavenhell mula sa pinsan niya? Parang may something talaga!"


"Don't tell me there's a love triangle between Lady Heavenhell, and the two young masters?!"


"O-oh my! That will be a big news!"


"Hmmp! I wonder how did that young lady get close to the rich young masters?!"


"I-I don't know! But they really look close to each other."




Napailing na lang ako sa mga naririnig. Yung iba pinag-uusapan kung paano ako naging close sa kanila at yung iba naman yung tungkol sa kanta. Aish! Wala na talagang pag-asang tumahimik ang buhay ko kahit isang araw lang.




"Hey, Venven! Kahit anong mangyari huwag kang maniniwala sa sinasabi ni Deyl, okay? Manloloko 'yon at higit sa lahat hindi siya bagay sa'yo." seryosong sabi sa'kin ni Clive habang nakahawak sa dalawa kong balikat.




"Tama siya, Heavenhell! Makapal din ang mukha non at kung ano-anong kalokohan ang ginagawa kaya mas maigi na layuan mo na lang siya. Naiintindihan mo ba kami?" singit pa ni Lemuel na nasa tabi ko rin ngayon.




"Okay." sagot ko na lang. Ayoko na kasing makipagtalo pa sa kanila, dahil yung mga description na sinabi nila kanina ay parang sarili nila mismo ang tinutukoy nila.




'Mukhang marami-rami ang iisipin ko pag-uwi mamaya dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ko na nga makita kung nasaan na si Mitchel ehh! Tsk! Bahala na yung bruha na 'yon, malamang ay nagtago na siya sa sobrang galit. Heh!'




Maglalakad na sana ako pabalik sa upuan namin nang may kung sino na naman ang humarang sa'kin. Hindi namang halatang ayaw nila akong paupuin no?




Napatingin ako sa harap atsaka lang nakita na si Arianna pala ang humarang sa dinaraanan ko. Okay? What did she want?




"A-ahmm... Lady Heavenhell, congratulations for doing the challenge well." Mataray na sabi ni Arianna pero hindi nakatakas sa'kin ang pamumula ng mukha niya. Hmm...




"Thank you, Lady Arianna. Do you like the song?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkagulat sa mata niya at lalo pang namula. Hehe!




"I-it's okay."




"I'm glad that you like it, Lady Arianna, since that song is dedicated to you." Nakangisi kong sabi habang nakatingin sa kaniya na kasalukuyang napayuko sa hiya.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now