"Yes."He answered without even the slightest doubt in his voice.


"Mukha lang na hindi niya kaya but he really can do that." Natatawang sabi naman ni Dr.Gunter.


"Pero kanina sabi mo Doc. Gunter na—"


"I am not worried na hindi niya magagawa ang bagay na 'yon Lethiana because there's no way in hell that he would let that happen. I am worried about myself dahil siguradong after nitong surgery ay siguradong walang katapusan na namang awake craniotomy ang mangyayari. And that will be a hell for me dahil mawawalan na naman ako ng pahinga. Knowing him, he can't work inside the operating room without me." Pagrereklamo nito.


Napapantastikuhan kaming tumingin sa mga ito na tila isang simpleng bagay lang ang pinag-uusapan nila na araw-araw na nilang ginagawa.


"Iba talaga kapag world class doctors. Parang wala lang sa kanila kahit na masyadong delikadong bagay na ang pinag-uusapan." Bulong ni Caspian na hindi maialis ang tingin sa dalawang doctor na ngayon ay nag-uusap.



"What do you expect? Pareho silang pinag-aagawan ng mga malalaking hospital para mag trabaho sa kanila. We are lucky that they chose this hospital." Segunda naman ni Gabin.



Tama sila. I wonder also kung ano ang rason kung bakit mas pinili nilang magtrabaho rito. Alam kong may mas malaking offer pa sa kanila lalo na sa kakayahang mayroon sila.



"How about the board, Doc? Would they say yes? Sila lang naman ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa naooperahan ang batang 'yon." Saad ko.


Hindi pa man nakakasagot si Dr.Lorcan ay tumunog na ang telepono nito.



"Hello, Ninong." Sagot nito sa tawag.



"Yes. Okay, we'll be there in a minute." Wika nito at ibinaba ang tawag.




"Let's go." Sabi nito at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo.


"Saan po, Doc?" Jack asked.



"Sa jollibee." Seryosong sagot nito dahilan upang hindi kami makagalaw sa aming kinauupuan.

"Gago!" Asik ni Dr.Gunter na siyang unang nakabawi.


Dr.Lorcan grinned at us."Sa conference room. Gusto nila tayong makausap." Sagot nito at naunang lumabas ng silid.



"Pagpasensyahan ni'yo na si Dr.Lorcan ah? Minsan kasi hindi maayos ang turnilyo niyan sa utak." Nakangiting sabi ni Dr.Gunter sa amin na ikinatango na lang namin.



They're both weird. Kanina lang ay seryoso at nagbabangayan sila tapos bigla na lang magbibiruan.


"Akala ko board members lang ang naririto? Bakit parang lahat ng empleyado ng ospital ay narito?" Bulong sa akin ni Lethiana.

Lethiana is right. Even the Chairman is here.


Sinenyasan kami ni Chairman Yohan na maupo habang sina Dr. Lorcan at Dr.Gunter naman ay nagtungo sa unahan.



Dr. Lorcan grabbed the pen infront of him at tila walang pakialam sa paligid niya na nagsulat sa white board na nasa harapan niya.

"Who is he?"

"What is he doing?" Rinig naming tanong ng iilang tao sa loob lalo na ang members of the board.


"That's Dr.Lorcan Craig Fedorova. One of the most skilled and in demand surgeon in the world. I heard that he'll be working here." Dr.Tori, the Vice Chairman answered.


Code Name: FROSTWhere stories live. Discover now