"Dr. Lorcan Craig Fedorova. I am your new Chief Surgeon." Pormal na sabi nito at inilahad ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap.


Nagulat ako dahil sa tila kuryenteng dumaan sa buong katawan ko at napagmasdan ng malapitan ang lalaking nasa harapan ko. His black messy hair and red lips pati ang matatangos na ilong nito na sa unang tingin ay iisipin mong may lahing banyaga. But something caught my attention.

His eyes. His deep gray eyes...

Bakit parang puno-puno ito ng lungkot? Pagsisisi? Takot? I couldn't understand. I studied Psychology kaya kahit papaano ay alam ko kung paano magbasa ng emosyon ng isang tao just by looking at their eyes. But it's different from him. Hindi ko maintindihan ang mga emosyon sa mga mata niya. Tila ba hinihigop nito ang atensyon ko patungo sa kailaliman ng pagkatao niya.



"Hindi naman kayo nagsabi na may labanan pala sa patagalan ng pagtitig dito." Tila isang hudyat ang mga salitang iyon upang bumalik ako sa realidad.


Dr.Lorcan glared at the guy who spoke.


"And this is the assistant chief Dr.Gunter 'Asshole' Roqas." May diing sabi ni Dr. Lorcan na ikinatawa ng mga kasamahan namin sa loob.

"Hala?! 'Yan ba ang kompletong pangalan mo, Dr.Gunter?" Inosenteng tanong ni Lethiana na naging dahilan upang mas lumakas ang tawa ng lahat.


Dr.Gunter tsked."Looking forward to work with you, Dr.Reece."Baling nito sa akin na nakangiti at sinenyasan akong maupo.


"How about you, Dr.Reece?" Dr.Lorcan asked.


"About what,Chief?" Nagtatakang tanong ko.

"Have you ever done, awake craniotomy?"" He answered.

"Yes, Doc." Sagot ko na ikinagulat ng mga taong nasa loob maliban kay Dr.Lorcan at Dr.Gunter.


"You did? When?"Gulat na tanong ni Jack.



"Bakit hindi namin alam 'yan? And you're an Anestheologist. Paanong—"


"I was forced to do the operation." Putol ko sa kung ano pang sasabihin ni Caspian.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Dr Gunter.


"There was an emergency operation happened when i was in Russia. May malaking kaguluhan noon do'n at hindi kami makalabas ng ospital. May isang 40 years old na pasyente na kailangan ng agarang surgery. Walang ibang doctor na alam gumawa ng Awake Craniotomy maliban sa akin so the director of the hospital forced me to do the operation." Paliwanag ko.



"What happened to the patient?" Dr.Lorcan asked.


"He survived. And as far as i know he came back to his normal life after the operation." Sagot ko na ikinatango nito.



"See? There's a big chance na maging successful ang surgery ng batang 'yon." Sabi nito.


"Are we talking about Yaz? 'Yong batang may brain tumor?" Pagkokompirma ko.



"Yes. Dr. Lorcan wants to perform awake craniotomy to her." Gabin answered.


"I am not doubting your ability, Dr.Lorcan but isn't too dangerous for her? Ibang iba ang sitwasyon niya sa mga ibang pasyenteng dumaan sa awake craniotomy. Mahina ang katawan ng bata. She might die kapag nagkamali ng kahit isang maliit na galaw lang." Wika ko. I cannot risk her life para sa walang kasiguraduhang operasyon.


"Kaya dapat walang pagkakamali sa gagawing operasyon and it should be done in a shortest time."


"Can you even do that, Dr.Lorcan?" Walang pagdadalawang isip na tanong ko.


Code Name: FROSTWhere stories live. Discover now