Prologo

4 2 0
                                    

Puno na nang galit ang puso nang dyosa, hindi na niya kaya pang magtimpi. Nang akmang sasaksakin na sana nang pinuno nang mga heneral ang kanilang anak ay kaagad na siyang kumilos.

Mabilis na lumipad siya patungo sa harapan nila at nagsalita sa lengwahe nilang nga dyosa at dyos.

“Ano bang masama ang naidulot ko sainyo at lagi na lamang ninyo akong kinaiinisan?! Sa anu mang buhay ko parati.. parati na lang kayo ang dahilan nang katapusan nang maliligaya kong panahon!”

Sa galit niya talaga ay ngayon magsisimula ang kinatatakutan nang lahat,wala nang buhay ang ama nang kanilang anak at ngayon pati sila ay nanaisin na ding mamatay. Maingat niyang kinarga ang kanilang sanggol na anak at lumipad sa itaas hindi kalayuan. Muli na naman siyang nagsalita sa lengwaheng tanging nga dyosa at dyos  lang ang makakaintindi.

“Sa ngalan nang aking galit, pag-kidlat,ipo-ipo, pag-lindol, bagyo, at iba iba pang delubyo ay inyong mararanasan sa loob nang isang daang taon!!”

Alam niya sa loob loob niya ang magiging kapalit nito ngunit galit na siya at wala na siyang pakielam sa kaparusahan na maipapatol sa kanya at sa kalalabasan nang ginawa niya.

Pagkatapos niyang sambitin non ay nagsimula nang kumidlat nang malalakas,kukulog,at isang napakaling ipo-ipo naman ang paparating palapit sa mga tao. Ngunit bago pa sila makatakbo ay nagsimula nang gumuho ang lupa kasabay nito ang pag-ulan nang mga ahas at mga pating.

Lahat ay natataranta, natatakot, at nalulungkot. May ibang nagmamakaawa na sa dyosa, ngunit hindi na sila naririnig pa nang dyosa. Ang galit niya ay walang katapusan hangga't hindi natatapos ang isinumpa niyang delubyo.

Kasabay nang pag-ulan nang malakas ay ang siyang paparating na alon galing sa karagatan patungo sa lupa,napakalaki nito at walang kahit na sino man ang makakaligtas roon.

Maya-maya ay nagsimula na namang mas lumakas ang paglindol,iyon ay dahil sa pagdating nang mga higanteng halimaw na gutom na gutom at sindayang papuntahin nang dyosa na dati'y inaabuso nila.

“Napakawalang hiya mo talaga Regina! Wala kang kasing sama!”

Kaagad na binalingan nang dyosa ang hari dahil sa biglaang pagsigaw nito sa kanya. Agad siyang humalakhak nang napakalakas dahilan para mapatakip ang ibang tao sa lakas nito.

“Hindi...Huwag...Nagmamak--aawa ako saiyo.... AHHH.... Hindi, Letcheeee! Aahhhhh!”

Pagkatapos kong sumigaw sigaw ay agad akong nakatanggap  nang malalakas na sampal sa pingi ko mula kay Bezvijen. Agad tuloy akong napamulat dahil roon.

“Taena ka naman eh! Bakit ka na nanampal?!”

Kaagad na tumayo ang best friend ko at tinaasan ako nang kilay. Aba, aba, minsan talaga hindi ko alam kung lalaki ba siya o bakla eh, kagaya kanina bigla bigla na lang siya na mananampal.

“Iyon na naman ba?”

Kaagad akong napatingin sa kanya dahil sa biglaan niyang tanong. Hindi man lang siya umubo muna ganon man lang sana para hindi makagulat  kaysa naman sa bigla na lang magtatanong.

“Chismoso! Huli kam! Hahaha, bat mo natanong?”

Umupo siya sa tabi ko bago tumingin sa may langit,nakalimutan kong nasa gubat pa rin pala kami.

“Hindi ako chismoso! Sadyang curious lang talaga ako, anoh. Siyaka, bigla ka na lang din kasing namutla.”

Kaagad akong tumayo at pinuntahan ang ilog sa may di kalayuan at doon nag-salamin. Tama nga siya, medyo maputla ako. Haysss....yung panaginip na iyon,lagi ko na lang iyon napapanaginipan simula nang tumuntong ako sa gubat na ito.

Napailing iling na lang ako dahil sa naisip ko,kaagad na sana akong tatayo at babalik doon sa kung nasaan ako kanina pero may naka-agaw nang atensyon ko. Isa iyong babae,naka kulay puti siyang damit na may halo nang kulay asul. Walang manggas ang mga damit niya ngunit may tali iyon na pabilog na nakatali sa leeg niya na parang nasa balikat na din. Mahaba din iyon at Ayy...Tangina! Naka-gown atah siya eh?! Oo naka-gown siya! Tapos may parang nakasabit sa gown niya na nasa mga braso niya.

Napakaganda niya at may kung anong nasa ulo niya na parang kwentas at may blue na diamond doon na shape circle. Nakangiti siya sa akin at sobrang nakatitig, napatayo tuloy ako dahil doon at dahan dahang tumayo. Nang akma ko na siyang lalapitan ay bigla na lang siyang tumakbo pero dahil may kahinhinan siya, naabutan ko kaagad siya at nahuli ang pulsuhan niya. Sa pagharap niya ay nagkatitigan kami,asul ang mga mata niya at may mga emosyon ako doon na nakikita.

May kung ano sa aking natutuwa nang ngumiti ulit siya sa akin nang matamis, dahilan para mapangiti din ako sa kanya.

“Ahh, magandang hapon saiyo. Pero bakit mo ako kanina pa tinitigan?”

Bigla ba lang namula ang mga pisngi niya at parang nataranta.

“Ahh, ano, ayus lang na huwag mong sagutin.”

Dahil sa sinabi ko ay bigla na lang siya ngumiti ulit at hinawakan ako sa pisngi, malambot ang kamay niya. Napakasarap hawakan non, may boyfriend na kaya siya?

“Ako'y nagagalak at nagkita muli tayo, aking heneral. Huwag kang mag-alala dahil malapit na..malapit na tayong magkasamang muli. Pinapangako ko iyon at nagpapasalamat ako magpakailan man, habang buhay na naiintindihan mo kung bakit hindi ko maaring sagutin ang kani-kanina lamang na iyong katanungan.”

Akala ko doon na matatapos ang mga sasabihin niya kaya magsasalita na sana ako pero bigla na lang niya nilapit ang mukha niya sa akin at halos magkalapat na ang mga labi namin pero ang mga ilong naman namin ay magkadikit na.

“At wala akong ibang kasintahan maliban saiyo, Heneral nang buhay ko, Heneral nang puso ko at natatanging Heneral na mamahalin ko.”

Maglalapat na sana ang mga labi namin kung hindi ba naman bigla na lang may pamilyar na boses ang nagsisigaw at hinahanap ako.

“Hoy! Loko nasaan ka na?! Gagi, sinabihan lang naman kita nang maputla ka ha?!Hoy! Gago! Gago nasaan ka na?!”

Napapikit na lang tuloy ako sa inis,kahit kailan talaga napakagandang tumayming nang isang to eh.

“Andito ako!”

“Saan?!”

“Tsk, kasi naman eh! Papunta na ako sa may ilog!”

“Okey, nasa ilog ako!”

“Oo na nga!”

Kakausapin ko pa sana iyong babae pero wala na iyon, kaya tumakbo na lang ako papunta sa ilog kung nasaan si Bezvijen.

“Tara uwi na!”

Masama ang mood ko, gagi naman kasi eh.

“Oh, pakyu!”

“Luh, gawa ko saiyo?”

“Wala!”

Tumawa lang siya at inakbayan ako siyaka kami magkasabay na tumakbo papalabas sa gubat. Ngunit hindi kalayuan ay naramdaman ko ang pamilyar na presensya nang pagtitig, nang lingunin ko kung saan nanggagaling ay nakita ko yung babae ulit at nakangiti na siya sa akin habang nasa likod nang puno. Kasu itong loko tinignan din, kaya ayun tumakbo tuloy.

“Ikaw ahhhh! Yieeeee!”

“Gago, pakyu ka, panira!”

Tumawa lang siya nang tumawa sa akin at ako ito naiirita.

The Girl In A Yellow ShoesWhere stories live. Discover now