Chapter 6

2.5K 95 55
                                    

“Kumusta ka na, Peyton?” Tanong ni Zaina nang sagutin ko ang tawag niya mula sa telepono. Nakadapa ako ngayon dito sa aking kama habang nagbabasa.

“Okay na ako, Zemi! Ikaw, kumusta?” Narinig ko ang buntong hininga nito mula sa kabilang linya. “May problema ba?”

“Wala naman. ‘Yung isa pa lang kaklase ko ay ex ni Iseah,” namomroblema nitong sabi sa kabilang linya.

“Oh, tapos? Anong meron? Wala namang masama do’n.” Sabi ko bago kumuha ng chichirya sa plato ko at kinain iyon.

“Nagpapatulong kasi. Gusto yata ng comeback eh.”

“Edi tulungan mo,”Kunot noong sabi ko. “Kupida ka, ‘di ba?” Dagdag ko pa, narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa.

“Yeah, right. By the way, I need to end this call na, bye!”

“Wai—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng patayin na niya ang tawag. Napatingin pa ako sa telepono bago ibalik ito. “Gusto ko lang namang tanungin kung may guwapo siyang kaklase,” ngumuso ako. “Papareto sana ako.”

Kaya laging nagpapareto ang mga kaibigan ko kay Zaina, malapit kasi ito sa mga lalaki. I mean guwapong lalaki kaya andaming naiinggit sa kaniya na ibang babae. And I'm not one of them.

Ritwal reveal daw.

Marami ang naiinggit sa kaya pero ako hindi. Ang hirap rin kaya na napapaligiran ka ng mga lalaki. What if may gusto pala sila lahat sa'yo? Tapos pag-aagawan ka, oh, eh 'di ang hirap pumili tapos mga guwapo pa. Tapos siyempre kakalat na si ganito si ganiyan nilalandi si Ano. 'Yung parang sasabihan kang malandi. Pero hindi malandi si Zaina. Good girl 'yan. Super loyal niya kay Kian kahit niloloko, iniwan at pinagpalit na siya.

Habang nagi-scroll ako sa facebook ko ay bigla na lang na sampung nag-add sa akin dahilan para tignan ko iyon. Agad na nangunot ang noo ko ng makitang sabay-sabay akong in-add ng mga kaklase ko, si Clyden na lang ang wala.

Oo, sampo lang kami sa classroom pero ang iingay pa rin nila. Agad kong pinindot ang word na 'confirm' at naglog-out na dahil maliligo pa ako. Inilagay ko sa side table ang cellphone ko at pumasok na sa banyo.

Pagtapos ko maligo ay agad akong lumabas ng banyo habang nagpupunas ng buhok nang biglang sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko. Agad akong lumapit doon at tinignan. Biglang tumambad sa akin ang 500 unread messages mula sa group chat namin ng mga hangal.

Mabilis ko itong pinindot at nagbasa.

SECTION P (POGI)

Ni-Ki:  Labas tyo mga panget.

Jaycee: Tara, fish ball dn tayo.

Edward: Oo nga, mdaya cla Peyton, hnd nansasma.

Richard: Deyt nila ‘yon. Ano b kayo?

Ni-Ki reply to Richard:
Tao, ikw? Tao kb?

Agad na nagtawanan ang mga hangal sa reply ni Ni-Ki kay Richard maging ako ay natawa na rin dahil parang mas matanda pa siya kaysa kay Richard.

Angelo: Awit! Magcht k nmn dto peyton. Puro k seen.

Tinawanan ko lang ang chat niya at hindi nag-reply. Tinatamad ako mag-type. Sa sobrang tamad ko pati pag-ta-type kinatatamaran ko na.

Bigla akong napatingin sa may pintuan nang biglang iyong bumukas. Agad na pumasok ang kaibigan ko na kasama ko sa apartment na si Aileen. Mukhang pagod ito dahil pawisan at medyo magulo pa ang buhok nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Girl In Protective Section | Only Girl Series #3Where stories live. Discover now