Chapter 5

2.5K 164 22
                                    

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Napatingin ako sa may tagiliran ko nang may umupo doon. Pagtingin ko ay si Clyden iyon.

"O-Oo, salamat." Sabi ko, umiwas nang tingin.

"What happend ba?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako bago yumuko at paglaruan ang aking kamay.

Kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Simula ng pag-inom ko ng tubig hanggang sa dumating siya. Pansin ko ang pananahimik niya habang nakatingin sa kung saan. Umigting rin ang kaniyang panga at hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Hala! Anong nangyari?

"That's all?" Seryosong tanong niya habang hindi ako binabalingan nang tingin. Tumango ako.

"Iyon lang. Lahat lahat. Walang halo, walang kulang." Napatingin ako sa kaniya nang tumayo ito at walang sabi-sabi na naglakad palayo.

"Hoy! Saan ka pupunta?" Tanong ko pero hindi ito sumagot bagkus ay tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. "Hoy!" Sigaw ko pa. Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa kaniya. Mabilis kong pinalo ang likod niya dahilan para masigawan ako nito.

"What the fuck is---" Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang ako ang makita niya.

"Saan ka ba kasi pupunta?" Tanong ko bago ito lingunin. Hindi ito kumibo ngunit naririnig ko ang kaniyang buntong hininga.

"It's  none of your business, bumalik ka na sa class room. Delikado." Sabi nito na nakapag pakunot ng aking noo.

Kunot noo ko itong nilingon.

Huh? Paanong delikado? Dahil ba ito doon sa nangyari sa akin?

"Huh? Paanong delikado?" Tanong ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon niya. "Dahil ba doon ito sa nangyari sa akin?" Tanong ko.

Matagal itong nakatitig sa akin bago umiwas nang tingin at ibaling sa harapan ang paningin. Tumango ito.

"Yes, so go back." Umiling iling ako.

"Pasama ako. Saan ka ba pupunta?" Tanong ko. Nilingon niya ako habang nakakunot ang kaniyang noo.

"No. Go back. Bumalik ka na sa classroom, kailangan nilang magbayad sa ginawa nila sa iyo."

Bakit parang mas galit pa siya sa akin?

Natawa ako sa sinabi niya dahilan para mapatingin ito sa akin.

"What's funny?"

"You don't need to do that for me, It's okay lang naman sa akin dahil hindi naman masakit and besides wala naman akong pakialam sa kanila kahit pa ano ang gawin nila." Nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa aming dinadaanan.

"I-I don't do that for you, I did that because of your fat---you are the only girl in our section."

Tumango-tango ako.

"Okay." Sabi ko habang natango tango. "Teka, saan ka ba pupunta?" Tanong ko.

"I'm going---it's none of your business. Bakit ba tanong ka nang tanong?"

Ngumuso ako. Masama ba?

"Ang sungit mo naman! Magkapatid ba kayo ni Jared? At parehas kayong masungit." Sabi ko habang nakasunod sa kaniya.

Habang naglalakad kami ay nakita ko sa labas ng gate na may nagtitindang street foods. Parang nagningning ang aking mata nang makita ko ang fishball at maamoy ko ang mabangong amoy ng kikiam.

Hinawakan ko sa manggas ng uniporme si Clyden dahilan para mapatingin ito sa akin nang may nanlilisik na mata. Wala ako sa oras para masindak dahil gusto ko ng kumain at nagugutom na rin ako.

The Only Girl In Protective Section | Only Girl Series #3Where stories live. Discover now