'Aish! Sa sobrang ganda ko ay hindi talaga mawawala ang mga inggetera kaya masanay ka na lang, Carnelia! Hehe!' Pagyayabang niya sa kaniyang isip.




Samantala, gulat na gulat naman sina Mia at Shaira nang makita ang pigura ng target nila na kasalukuyang nginingitian ang mga reporters at ibang bisita.




"Mit-Mitchel, si Heavenhell ba yan?" Nagdadalawang-isip na tanong ni Mia sa kaibigan na nakakuyom na ang kamao sa inis.




"Are you blind?! Arggh! This lil' sister of mine is really pissing me off!" Nanggigil na sabi ni Mitchel habang nakatingin sa kapatid na nakangiti pa rin hanggang ngayon.




"H-hindi ba't ikaw ang nag-aayos ng susuotin ni Heavenhell? Bakit----"




Hindi na siya pinatapos ni Mitchel nang agad na siya nitong samaan ng tingin.




"Sa tingin mo hindi ko 'yan ginawa?! A-arggh! Kung alam niyo lang na ilang beses na akong nagpabalik-balik sa kwarto niya para tanungin siya tungkol sa susuotin niya ngayon! Hindi ko akalain na nagbago na nga ang fashion sense ng bruha."




"Wala na tayong magagawa kung hindi ang kumalma. Tutal hindi na rin naman siya makakawala sa plano natin mamaya." Pagpapagaan ng loob na sabi ni Shaira sa dalawang kaibigan na nakasimangot pa rin.




"Yeah, that's right!" Sang-ayon na rin ni Mia na kinataray lang ni Mitchel.




"Let's go meet Arianna."




Nagkatinginan sina Shaira at Mia bago ngumising sinundan ang papalayong kaibigan.




HEAVENHELL'S POV



Taas-noo akong naglalakad sa pa-red carpet ng mga McKinney habang nginingitian ang mga reporters at ibang magazines photographer na kumakaway sa'kin. Actually, kaya lang sila kumakaway kasi may gusto silang itanong na hindi nila masabi. Paano ba naman may mga naglalakihang katawan ng Elite guards ang nakaharang sa kanila, kaya paano sila makakapagtanong ng maayos.




Well, mabuti naman na may nakaharang dahil ayokong sagutin ang mga tanong nila. Lalo pa't narinig ko na isa sa itatanong nila ay yung tungkol sa kanta na kinanta ko last time. Ang masama pa ay nagi-guilty ako kapag sinasabi nila na ako ang gumawa ng kanta na 'yon.



'Like duh? Ipaulit-ulit ba naman sa'yo, tapos iniisip pa nila na para yun kay Vile. Aish!'



"Lady Heavenhell, how are you feeling tonight?"



"Miss Caventry, anong masasabi niyo sa trending videos niyo na umani ng suporta at paghanga mula sa mga tao?"



"Totoo ba ang mga kumakalat na larawan niyo ni Young master Lucretius na magkasama sa isang hotel?"



"Lady Heavenhell, are you still madly in love with your ex-fiancé?"



"Milady, I'm more curious about your donation last month."



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now