Kabanata 2

257 8 0
                                    


Ilang saglit pa'y binalikan ko na nga ang aking mga labahan para ilagay sa likod ng bahay. Nando'n na ang labahan ng ibang mga kasamahan ko. May poso roon na siyang madalas naming gamit dahil minsan ay mahina ang patak ng tubig sa faucet.

"Oh, bakit maga mata mo?" untag ni Threse na nagsimula nang bumomba sa poso.

"Napuwing lang," palusot ko na nagpairap kay Juday.

"Alam n'yo namang isa 'yang si Leine sa pinakaiyakin sa atin. Malamang nakita niyan si Jeff kaninang naka-empake na."

Rinig kong napabuntong hininga si Dana. "Kung puwede lang natin siyang pigilan paalis ay ginawa na natin."

Nagsulputan na sila Nonoy, Drek at Bert habang bitbit ang mga labahin. Naging abala na kaming lahat sa ginagawa. Magkakatabi kami habang may tig-iisang batya. Minsan, ganito ang bonding naming walo sa araw ng Linggo.

Later that night, we went to the rooftop. Doon kami natulog matapos ang magdamagang tawanan, kwentuhan at pagbabaliktanaw.

Madaling araw nang magising kami dahil oras nang gumalaw para sa trabaho... at oras na rin ng pag-alis ni Jeff.

"Mami-miss ko kayong lahat," sambit niya at isa-isa kaming binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Hindi ko na namang maiwasang maiyak habang nasa biyahe patungo sa trabaho. Tiyak na pag-uwi ko mamaya ay nakakapanibago na dahil wala nang gumagamit sa katapat na kuwarto ko.

"Oh, bakit ang lungkot ng mukha natin, girl?" pamumuna ng front desk naming si Gina.

"Wala," sagot ko bago tumungo sa locker para ilagay ang gamit.

Isa akong room attendant dito sa KlaiFai's Hotel. Isang baguhang sikat na four-star hotel na ipinatayo rito sa Makati limang taon na ang nakaraan. It was known for its luxury accommodation. The hotel was built for 23 floors: it had restaurants, gyms, spa, even a bar/lounge and swimming pool in the roof deck—bagay na dinarayo ng mga tao dahil kahit pa hindi ka mag-check in ay puwede ka pa ring tumungo sa taas kung saan kitang-kita ang kalawakan ng siyudad lalo na sa gabi.

"Leine, presidential suite 306, room service, grab food from Lolie's restau."

Napatango ako mula sa bilin ng aming manager. Kinuha ko ang food order ng nasabing room number sa restaurant na nasa twentieth floor bago tumungo sa twenty-fifth floor para i-deliver.

When I reached my destination, I hit the door bell. Ilang saglit pa'y bumukas na iyon at bumungad sa akin ang bagong paligong lalaki na nakasuot lang ng bathrobe. Bahagya pa akong tumingala dahil ang tangkad niya. I couldn't properly see his face because he was struggling drying his hair while keeping his phone on his shoulder blades.

I zeroed my expression and moved the cart inside when he pulled the door, fully open. He was on a serious phone call so he just gestured for me to place the food in the dining. Tahimik akong sumunod tulak-tulak ang dala.

Maganda na ang junior suite room dito sa KlaiFai pero walang-wala 'yon sa ganda at lawak ng bawat presidential suite. Of course, you get what you paid.

Abala ako sa paglalapag ng mga pagkain nang makarinig ako nang mumunting yabag.

"Klaizer, stop chasing after her!" paninita ng baritonong boses na tiyak kong pagmamay-ari ng lalaki kanina.

I heard giggles of a boy and a girl as their steps getting louder. Then a realization hit me. He was already a family man. Mayamaya pa'y nakarinig ako nang matinis at malakas na pagkabasag ng isang bagay.

"See? Don't move!" the voice thundered.

Natahimik ang mga bata samantalang ako'y bahagyang napatalon. Minadali kong inilapag ang mga pagkain at bumalik sa living room kung saan nakita ang basag na vase at isa pang apat na talampakang crystal floor vase na nasa gilid ng sofa bilang design.

Better with HimWhere stories live. Discover now