3

8K 199 14
                                    

Nagising ako sa kadiliman, hindi kaya ako natangap sa langit. Ang bait kong tao. Iiyak na sana ako dahil doon ng mapadako ang tingin ko sa may bintana at may mapansin na may nakatayong bulto roon.

"Cyden?" tawag ko sa paos na boses. Iyon daw ang pangalan niya 'yun ang tawag sa kanya ng papa niya.

"Anak gising kana pala bakit mo hinahanap yung sino iyon? Cyden?" Unti-unti akong bumangon napahawak sa ulo ko. Rumehistro na sa utak ko, nasa kwarto ako at nasa bahay.

"Sorry po ma! Guniguni ko lang siguro yun." Napakamot ako sa ulo ko. Napakawalang puso niya talaga balak niya na ako pangtayin. Buti na lang at buhay at humihinga pa ako ngayon.

"Nag alala ko sayo yung papa mo muntik nang umuwi noong ibalita ko sa kanya na umuwi kang walang malay," mangiyak-iyak pa na sabi ni mama, napahawak pa si mama sa sintido niya.

Kalasalanan talaga ito ng empakto na 'yon. Na stress tuloy ang mama ko baka ma high blood 'to.

"Sorry po ulit!"

"Kung hindi mo kayang pumasok sabihin mo, muntik na akong mahimatay sap ag-aalala sayo."

Kinabukasan pumasok ako sa trabaho na may kaba dala-dala. Na baka magkita na naman kami at mapatay na niya talaga ako.

At the same time galit na bakit ba siya subrang galit saakin. Wala naman ako na ginawang masama sa kanya. Sinabi ko lang ang totoo sa ama niya dahil takot din ako.

Para silang pamilya ng mafia, tss. Nakakatakot ang presesya nilang mag pamilya. Ayaw ko na maugnay sa kanila pero gusto ko ang trabaho ko.

"Alzhea puntahan mo nga si Sir Deigo sa conefernces room, ibigay mo ito." Inabot ko iyon envelope na binigay saakin ni Ma'am Fernandez.

"Aanhin ko po ito?" hindi ko sigurado na tanong.

Hinilot niya ang sentido niya. "Kailangan yan doon sa meeting nakalimutan ko na dahil kaya paki pasa naman." Dahan-dahan akong tumango sa kanya pagtapos nagpaalam na.

Nang nasa harap na ako ng malaking pinto. Kumatok ako ng tatlong beses, pinag bukasan ako ng guard doon. Nang seryoso ang mukha habang walang emosyon din na nakatingin saakin.

Napalunok na lang ako. "Nandyan ba si Sir pinapabigay kasi 'to ni ma'am." sabi ko sa guard na nakabantay sa may pinto.

"Sandali!" Napaatras ako ng sinarahan niya ako ng pinto.

Pinadyak ko ang isa ko na paa habang naghihitay sa pagbukas ulit ng pinto. "Pumasok ka raw!"

Gaya ng sabi noong guard pumasok ako sa loob. May nag-discuss ng power point presentation sa unahan. Marami sila nakikita ko na naman iyong damuhong lalaki na iyon. Sa tingin ay nasa kense silang lahat may babae lalaki. Sabagay malaking kumpanya nga naman ito. Marami ang stockholder.

"Ma'am Nalane pinapabigay po ni manager!" 'yong secretary na lang ni Mr. Salvador ang kinausap ko.

Baka ma istorbo ko sila sa meeting nila mukha pa namang seryoso sila sa agenda nila ngayon. Bakit pa kasi ako pinapasok.

"Complete na ba 'to?"

Walang pagdadalawang isip akong tumango."Yes, ma'am!"

"Aalis na po ako!" Hahakbang na sana ako palayo ng marinig ko na tawagin ako ni Cyden. Ang damuhong lalaki na 'to.

"Where are you going?" he asked while raising his one brow, looking at me.

Napalingon sila sa'kin pati ako ay malaking mata napatingin din sa kanila. Tinuro ko pa ang sarili ko sa gulat.

"Can you help him discuss about this?" bored na sabi nya.

"Ako sir?" gulat kong tanong.

"Yes! Merong pa bang iba?" sakastiko nitong sagot.

ENCOUNTER THE MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now