Prologue

18.3K 386 17
                                    


He has gun on his right hand while pointing at us. He was gripping it tigtly, ang maugat niyang kamay ay nagpapadagdag ng kaba sa'kin. Alam ko na kayang kaya ako nitong patayin. He has no emotion on his almond eyes, ang dilim ng mga mata niya. His gripping his gun tightly. Abot langit ang kaba ko, ngayari na naman 'to. Hindi ito ang unang ganito ang nararamdaman ko, takot na takot ako.

Walang anumang boses ang kumawala sa bibig ko para humingi ng tulong. Hindi ko alam kung may makakarinig sa'kin sa dilim na ito.

Habol ko ang paghinga ko na bumangon, habang humahangos tila totoo ang panaginip ko na 'yon. Hindi ko siya mamukaan pero nakatatak sa isip ko ang mata nya na ni wala kahit isang emosyon. Iyon ang natatandaan ko. Hindi iyon ngyari sa'kin pero parang totoo, parang naroon ako at totoo ang panaginip ko na iyon, lumukob ang takot sa puso ko. Marami pa akong pangarap gusto ko pa na mabuhay ng matagal. Nanghihinaa ko sa kaba.

Ikatlo na gabi ko na itong napanaginipan. Sariwa pa sa'kin ang kaba na nararamdaman ko. Ang kaba at takot ay sariwa pa sa isip ko. Bakit ba kasi napanaginipan ko 'yun. Anong koneksyon noon sa buhay ko. Napahawak ako sa pisngi ko, naramdaman ko ang pagkabasa noon dahil sa mga luha ko.

"Bakit ba sa dinami-dami ng panaginip na makukuha ko pero 'yon pa ang napana-ginipan ko," bulong ko sa sarili ko, hindi ko maintindihan. Nahihirapan ako, naguguluhan.

Tumingin ako sa lamesa kung nasaan nakapatong ang cellphone ko at inabot 'yon. Pagbukas ko Nakita ko ang oras, it's three AM in the morning. Panaginip lang iyon bakit ko iniiyakan. Nadala lang siguro ako sa takot sa panaginip ko.

Siguro babawasan ko na ang panood ko ng mga action movie. And discovery para hindi ko na iyon mapanaginipan pa. Masyado akong softhearted para hindi maapektohan sa mga napapanood ko kaya kahit sa mga panaginip ko inuusig ako ng awa at konsensya.

Sinubukan ko na bumalik sa pagtulog, nagpalipat-lipat ako ng pwesto pero hindi ako mapakali, hindi na ako dinalaw ng antok. Huminga ako ng malalim noong dumapo ang mata ko sa wall clock alas kwatro na. Isang oras na akong mulat na mulat. Papasok pa naman ako sa school sign na siguro 'to na gumising ako ng maaga.

"Zia, kumain na ba si Zevs?" tanong ko sa pangalawa kong kapatid habang inaayos ang damit nila. Sa bag ni Zevs dahil baka pag pawisan ito mamaya, naglagay pa ako ng extra sando sa bag niya. Kay Zia naman inayos ko lang yung gamit niya saka assignment niya. Baka kasi mamaya mali pala ang ginagawa niya.

"Hindi pa ate naliligo pa siya, ang aga mo naman na gumising may lakad ka ba ngayon?" Napasapo ako sa noo ko.

Umagang umaga na, nagtagal pa kasi ako sa kwarto ko kaya alas-sais na akong bumagon, alas syete ang pasok nila sa school. Hindi naman iyon kalayuan rito. Pero ayaw ko talagang malate sila.

"Anong oras na late na kayo, maglalakad pa kayo!" sermon ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata.

Umalis na si mama dahil sa trabaho niya binilin na lang saakin itong mga kapatid ko.

"Ate Zhea, wala na yung polbo!" sumbong naman ni Zevz habang papalapit saamin. Tumatakbo siya habang hawak ang maliit na tender care na lalagyan ng polbo. Nakasuot na siya ng putting polo sa ibabaw ng kanyang sando at sa pambaba naman ay navy blue na short. Gusot pa ang kwelyo, lumapit ako at inayos ko yun damit niya bago kumuha ng polbo sa bag ko.

"Aalis na kami, ate." Napahilot muna ako sa sintido ko bago inayos ang sarili ko para pumasok na rin.

"Hi Zhea musta gising natin? " Nakangising pangbungad sa'kin ni Fern. Si Pau naman umupo sa tabi ko habang hawak ang kinakain niya pancake siguro dumaan siya sa canteen para kumain.

"Hindi Mabuti... nanaginip ako ng masamang masama!" I said with tired face.

"Oh... Anong ngayari sa paniginip mo share mo sa'kin?" paguusyoso naman ni Pau, nilapit pa niya ang mukha niya para maki-chissmis. Saaming tatlo siya ang pinakaseryoso kung minsan ay taga awat naming dalawa ni Fern. Si Fern kasi ay palabiro at palaging may dahilan, minsan ay magulo kung minsan naman ay tahimik. Mahirap siyang basahin.

ENCOUNTER THE MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now