2

8.5K 199 7
                                    

Nang makaalis ako sa office ni Sir Diego malalim akong bumuntong-hininga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako takot sa lalaki na iyon mas nakakatakot si Sir Diego. Palaging may ngiti pero hindi mo makukuha kung ano ang takbo ng isip niya. Kakaiba ang ngiti niya, like his hiding his evilness.

Tahimik kung natapos ang trabaho ko. Hinihitay ko na baka bigla na lang sumulpot yung lalaki na iyon. Siguro hindi pa niya nakakausap ang daddy niya.

Kinabukasan pumasok pa ako sa school. Wala akong trabaho ngayon kasi nakiusap din ako sa schedule ko. Hanggang sa matapos ako this school year.

"Hoy bruha! I miss you!" bati ni Fern.

Tumalon ako at dinamba siya ng yakap, sumingit sa gitna naming dalawa si Pau. Para kaming mga bata na ilang taon na hindi nagkita.

"Miss ko rin kayo!" sagot ko sa kanilang dalawa.

"Kumusta trabaho mo may fafa ba roon?" panunukso ni Fern.

"Hindi sumagot... so meron nga?" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Fern.

Agad akong umiling, pinamumulahan ng pisngi dahil sa hiya. "Wala akong type sa kanila matanda na iba roon ako ata pinakabata sa kanila. Hindi ko rin masyadong close ang iba dahil bago pa lang ako."

"Tingin mo sinong pwedeng sugar daddy?" tiling pangungulit ni Pau. Nahiya ako noong may tumingin sa'min dahil sa lakas ng boses niya. Baka isipin nilang mukhang pera kaming magkakaibigan.

"Tang* mayaman ka na hindi mo na kailangan ng sugar daddy!" Hinampas ko siya sa noo niya sa kakulitan. May kaya ang pamilya ni Pau may ibubuga kapag kasama ang mga mayaman. Pero napaka simple niya at independent. Hinahayaan lang naman siya ng paamilya sa mga gusto niyang gawin.

"Grabe naman ito nagbibiro lang." Nakangusong sagot ni Pau.

Nag bibiro rin naman ako ganoon talaga kami mag bardagulan kung ano ano ang nagiging topic namin pampalipas ng oras. Saka sa ganoong paraan nalilibang namin ang bawat 'sa.

"Nah... Kung may type ako sa kanila... Ede congrats to me." I made a face. "Finally, may nagugustuhan na akong tao."

Umiling ang dalawa. May nagtangkang manligaw sa'kin noon pero binasted ko. I have my own plan, that wasn't include being in a relationship.

I finish my last two subject before going home. It's really a tiring day for me. Kailangan ko na naman na mag trabaho bukas. Working student pa ako ngayon sinasabay ko sa pag-aaral ko. Para naman may trabaho na agad ako pag graduate ko.

Kinabukasan akala ko magiging maayos ang araw na 'to. I jump from my seat when I heard an angry voice thundered in our floor. Umawang ang bibig ko paglingon noong nakita ko ang lalaking kinakainisan ko. His eyes were sharp, his eyes almost burned me in ashes. Nakunot ang noo niya at halos mag isang linya ang kilay.

"You!"

Nagbulong-bulongan ang mga kasama ko nagtataka rin sila kung bakit. Lalo na kung saan nanggaling ang galit niya sa'kin. Hindi naman ako sumbongera nag tryador lang ang bibig ko. Nag-iwas din sila kaagad ng tingin, mukhang natakot na baka madamay sila sa galit nito.

Ang madilim niyang tingin at nag aapoy na mga mata habang papalapit saakin. Tipong handang handa na nya akong ilibing ng buhay. Nag angat ako sa tingin sa kanya, at inosenteng tumingin sa kanya.

"Bakit po, Sir?" inosenteng tanong ko sa kanya, mas lalo lamang ma nag apoy ang mata niya sa galit.

"Let's talk," madiin niyang sabi. Nagmukha iyong nagbabantang utos at kapag hindi ako sumunod matatapos ang buhay ko.

Ngumiti ako sa kanya ng tipid saka iminuwestra ang mga ginagawa ko. He swallowed hard; his jaw tightened. Sige pa hindi man nabago ang emosyon dahil wala kana man talagang emosyon. Mas pinapatagal ko pa ang buhay ko, ano?

"I have a lot of works to do, sir. I don't have time to talk to you. If it's not about work, I refuse to come with you. I have to pass this, before lunch and this really urgent," deretsong sagot ko. Nag iisip talaga ako ng way para matakasan siya. Ngunit hindi tumatalab hindi ko sya maloko. Sa mga bata lang ata ang charm ko. Mas lalong nag apoy ang galit sa mga mata niya.

His jaw clenched. "I don't care! I pay you triple." He grabs my arms harshly.

"Oyy, sir!" pigil ko sa kanya. SIno ba naman ako para pakingan nIya diba? Nag-iwas ng tingin ang bawat empleyado na madaraanan namin. Halata na wala silang pakialam kahit hila hila ako ng galit na lalaki na 'to. O talagang takot lang silang makialam ay ayaw na madamay.

"Saan mo ba ako dadalhin? Saan tayo pupunta?" tarangtang tanong ko. Madumiin ang hawak niya sa'kin parang nadudurog na nga ang pulsuhan ko. Napapikit ako sa sakit pa minsan-minsan. How could this man do this to me. Anak lang siya ni boss wala siyang karapatan na hilain ako, saktan ako. Tumigil siya ng nasa isa kaming bakanteng room sa parte ng company. Tinulak niya ako kaya bahagya akong napa-atras.

"What the fck1 What did you tell to him?" he asked.

"Wala. Hindi ko alam ang pinaparatang mo sa'kin. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Hello sino ka ba para ipag kwento ko!" sarkastikong sabi ko nakuha pang tumawa.

Mas lalong nag alab ang tingin niya sa'kin. "Hindi mo talaga sasabihin. Kailangan pa ba kitang pilitin." Parang napipigtas na ang kanyang pasensya dahil sa tigas ng ulo ko.

Uubosin ko talaga ang pasensya nya kung ganoon. Hindi nya naman siguro ako papatayin diba? Makukulong sya kapag ginawa 'yon.

"Wala nga akong dapat sabihin sayo. Saka pwede ba wala ka namang sense kausap tatapusin ko na trabaho ko. Sorry sir pwero kahit anak ka ng boss ko, hindi nila ako binabayaran para kuasapin ka. Nandito ako para magtrabaho." Aalis na sana ako pero bigla nIya na hinablot ang kamay ko. Napasandal ako sa pader ang kamay ko ay nilagay nIya sa kapantay ng ulo ko.

"Don't play with me woman. Hindi ako nakikipagbiruan sayo, tinatanong kita kaya sagutin mo ako ng maayos. Or I will kill you!" nanlamig ako ng maramdaman ang malamig na bagay ngayon na nakatutok sa'kin.

Ilang beses ako na lumunok, hindi naman baril o kutsilyo yan diba? As if may ini-expect akong ibang itutok niya sa'kin.

Huminga ako ng malalim, kailangan ko na magsalita. "Fine. Tinanong ni Sir Deigo kung kilala kita." Pagkatapos kung magsalita inipon ko ang lakas ko para kumawala, hindi ako makagalaw ng maayos takot talaga akong ituloy niya ang balak niya saakin.

He licked his lower lip. "Then?"

"I said na hindi, sino ka ba bigla ka na lang na dadaan sa gitna namin. Tapos hinalikan mo ako. Pati dito sa trabaho andito ka rin. Pero hindi ko sinabi iyon." Nanatili siyang walang emosyon at binitawan ako.

Nagulat ako ng tinutok niya saakin yung hawak nya na baril napapikit na lang ako at nanghihinang. Sinubukan kung iangolo ang mata ko, pero mas lalong gumapang anag kaba noong makumpirma ko na tama ako. Nanginginig ang buong katawan ko tinakasan ata ako sa sense ko lalo na ng marinig na pumutok iyon habang nakatotok sa'kin. Unti-unting bumibigat ang paghinga ko, nilalamon ng takot. Tuluyan na akong bumagsak.

Kung dito man matatapos ang buhay ko. Pero wag sana marami pa akong pangarap na kailangan tuparin. Paano ang pamilya ko ang kaibigan ko. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila. 


___________________________


Happy 7k followers enjoy reading guys!

ENCOUNTER THE MAFIA HEIRWhere stories live. Discover now