Chapter 82

36 4 0
                                    

"Kailangan ko nang pumasok sa office. Tumawag ang sekretarya ko at sinabi niya na marami na raw akong nakaligtaan na meetings. Tumawag ka na lang kapag may kailangan ka," wika ni Mayor Marqueses habang nasa harapan ng isang malaking salamin at inaayos ang kaniyang kurbata.

Nang hindi sumagot ang asawa nitong si Vivian ay nahinto sa kaniyang pag-aayos ang Mayor at mula sa repleksyon ng malaking salamin na iyon sa loob ng kaniyang kuwarto ay nakita niya ang kaniyang asawa na tila wala sa kaniyang sarili, at nakatulala lamang habang nakaupo sa may kama at nakatingin sa kawalan.

"Vivian!" pagtawag ng Mayor at medyo nilakasan na ang boses nito. "Narinig mo ba ang sinabi ko?" Sa sinabing iyon ng Mayor ay wala sa sariling nag-angat ng kaniyang paningin si Vivian at tumingin sa asawa.

Bakas na bakas ang pagod at puyat sa itsura ni Vivian lalong lalo na ang pag-iyak dahil sa laki ng eyebags nito at namumulang mga mata.

"Aalis ka para sa trabaho?" mahinang tanong ni Vivian at tumango naman ang Mayor. "Aalis ka para sa trabaho kahit na hanggang ngayon ay wala pa rin tayong balita sa anak natin?!" malakas na sigaw nito.

Tila nagpintig naman ang mga tainga ng Mayor dahil sa kaniyang narinig kaya naman mabibigat ang mga paghakbang itong lumapit sa asawa at malakas na sinampal ito sa kaniyang pisngi.

"Akala mo ba ay hindi rin ako nag-aalala para sa anak natin?!" malakas na sigaw ng Mayor pagkatapos niyang sampalin ang asawa na napahiga sa kama dahil sa lakas nang pagsampal sa kaniya. "Hindi mo alam kung gaano ko ginagawa ang lahat para malaman kung saan siya! Ginamit ko na ang lahat ng mga koneksyon ko para mapadali ang paghahanap pero ikaw, ano ba ang nagawa po para hanapin ang anak natin, ha? Wala, dahil nandito ka lang naman sa bahay at naghihintay ng milagro!"

Malakas namang umiyak si Vivian dahil sa narinig. Base sa kaniyang pagkakaintindi at galit ng asawa niya sa kaniya ngayon ay para bang sinasabi nito na wala siyang kuwenta kaya wala siyang karapatan para sigawan ito.

"T-Tatlong araw nang nawawala ang anak natin. Bilang kaniyang Ina ay nasasaktan ako na hindi ko malaman kung nasa magandang kalagayan ba si Vince. Hindi mo alam kung paano ako kinakain ng stress, pagod, at mga ilusyon na naglalaro sa isipan ko. Hindi ako mapakali na hindi nakikita ang anak ko! Isipin ko pa lang na wala ng buhay kong makikita ang anak ko ay mawawalan na ako ng bait!" sigaw ni Vivian sa asawa at natahimik naman ang Mayor.

Ramdam ni Mayor Marqueses ang pangungulila ng kaniyang asawa sa kanilang anak ngunit wala itong magagawa dahil miski siya ay hindi rin alam ang kinaroroonan ng kaniyanganak, kung buhay pa ba ito o hindi na. Kung titignan nang maigi ang itsura ng kaniyang asawa ay malayong malayo ang mukha nito ngayon kaysa noon na nasa mansion pa nila si vince, ang dating palaayos na Ginang ay wala ng pakialam sa kaniyang itsura. Ang dating malaman nitong katawan ay pumayat dahil hindi ito nagkaka-kain at ang makinis nitong mukha ay nawala at napalitan ng mga tigyawat, eyebags, dark circles sa mata at acne sa pisngi.

Malalalim ang bawta paghinga na nag-iwas ng kaniyang tingin ang Mayor nang hawakan siya bigla ng kaniyang asawa dahilan para lingunin niya ito at makita na tila nakaisip ng kung ano ito.

"A-Ang Old Master, sinabi mo noong umuwi ka, pagkatapos mong magpunta sa kanila, na sa palagay mo ay alam nila kung nasaan ang anak natin— Hindi kaya nasa kanila talaga si Vince?" nanghuhulang wika ni Vivian habang nakahawak sa kamay ng asawa.

"Posible," pag-amin ng Mayor at tila nabuhayan naman si Vivian. "Pero posible rin na wala."

"A-Ano?" naguguluhan na tanong ng Ginang. "Paano mo nasabi na posibleng wala kung alam mo na habol ng Old Master ang anak natin! Alam mo na he's right after our son because of what Vince did to Nicollo!"

"Alam ko, Vivian. Alam ko!" sigaw naman ng Mayor sabay hila sa kaniyang kamay dahilan para mabitawan siya ng kaniyang asawa. "Alam ko na gustong makuha ng Old Master ang anak natin para iganti ang sarili nitong anak na si Nicollo. Kung tama ang hinala mo, kung totoo na nasa mansion ng mga Palmeiri si Vince, sa tingin mo ay may buhay pa ito?" daretsong tanong ng Mayor at doon na natigilan si Vivian na para bang may kung anong sumabog sa kaniyang loob at pinagbagsakan siya ng langit at lupa.

"I-Imposibleng... wala na si Vince, ang anak ko," tulalang wika ni Vivian sa kaniyang sarili.

"Ayokong sirain ang natitirang pag-asa mo pero gusto kong ihanda mo ang sarili mo sa mga posibilidad na malaman mo, Vivian," wika ng Mayor sabay tingin sa kaniyang asawa na tila may sariling mundo at hindi siya narinig kaya naman malalim na napahinga ang Mayor bago naupo sa may kama at hinawakan ang magkabilang mga braso ni Vivian para humarap ito sa kaniya. "Kagaya mo ay nag-aalala rin ako para sa anak natin. Hindi ko sigurado kung buhay pa ba o hindi na si Vince pero hangga't hindi natin nakikita ang katawan niya, puwede kang umasa."

"A-Aasa ako, " nauutal na wika ni Vivian sa asawa. "Aasa ako dahil alam kong buhay ang anak natin. Alam ko dahil Ina niya ako at nararamdaman ko," sabay lapag ni Vivian ng kaniyang palad sa tapat ng kaniyang bibig at pinakiramdaman ang tibok ng kaniyang puso.

"Umaasa rin ako na buhay ang anak natin," wika ng Mayor sabay halik sa ulo ng kaniyang asawa at pinahiga ito bago kinumutan. "Bumawi ka nang pagtulog, Vivian. Magpahinga ka. Babalik ako mamaya pagkatapos ng trabaho," wika ng Mayor sa nakahiga niyang asawa at pagod naman ang katawan at mga mata na tumango si Vivian bago ipinikit ang kaniyang mga mata para matulog.

Nang maipikit na ni Vivian ang kaniyang mga mata para matulog ay siya namang pagtayo ng Mayor mula sa kaniyang pagkakaupo sa kama at natungo palabas ng pinto. Binuksan nito ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa ngunit bago tumuloy sa paglabas ay muli muna niyang nilingon ang natutulong niyang asawa at nang mapagmasdan na nito si Vivian ay nagtuloy na ito palabas.

Totoo na tatlong araw nang nawawala ang anak nilang si Vince at kapwa silang mag-asawa na walang alam kung ano na ba ang nangyari rito. Gamitin man ng Mayor ang lahat ng koneksyon na mayroon ito ay kulang at kulang pa rin dahil hindi nila alam kung saan sila magsisimula na hanapin ang nawawala nilang anak.

Pagkalabas ng mansion ng mga Marqueses ay nakahanda na ang sasakyan ng Mayor papunta sa kaniyang opisina. Pagkakita ng personal driver sa Mayor ay mabilis itong kumilos para pagbuksan ng pinto ng sasakyan ang Mayor at pasakayin, bago muling isara ito at mabilis na tumakbo papunta sa driver's seat at paandarin para umalis.

SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOLLO PALMEIRITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon