Chapter 51

45 5 0
                                    

Tahimik na naglalakad pareho sina Mei at Nicollo matapos nilang magpahatid sa isang tricycle driver hanggang sa kanto. Bahagyang nauuna nang ilang hakbang sa kaniyang paglalakad si Nicollo habang masama ang itsura dahil sa pagkainis nito sa kaniyang sariling saklay, at nasa likuran naman niya si Mei na tahimik lamang nakasunod habang dala-dala ang isang plastic bag kung saan nandoon ang mga gamot ni Nicollo at pinapanood lamang maglakad ang binata.

Hangggang sa nakarating na ang dalawa sa mismong apartment nila at nakapasok ay pabagsak na naupo si Nicollo sa sofa at walang imik na bigla na lang binitawan ang saklay nito dahilan para mahulog iyon sa sahig. Napapailing na lang na lumapit si Mei kay Nicollo dahil sa inakto ng binata. Walang imik na pinulot ni Mei ang nahulog na saklay ni Nicollo bago muling tumayo at tinignan sandali ang binata na nakasandal na sa may sofa, nakapikit ang mga mata at nakapatong ang likod ng palad sa kaniyang noo.

"Picollo, ingatan mo naman ang mga gamit. Hindi tayo mayaman," sermon ni Mei kay Nicollo bago naglakad palapit sa isang gilid para r'on isandal ang saklay ng binata.

Hindi sumagot si Nicollo sa sinabing iyon ni Mei na siya namang dumaretso sa lamesa para ayusin ang mga gamot ni Nicollo at basahin ang ini-reseta ng Doktor para malaman kung kailan at anong oras kailangan painumin si Nicollo. Lingid sa kaalaman ng dalagang si Mei, tahimik si Nicollo dahil sa isang bagay at iyon ay tungkol sa paggamit niya ng sarili niyang credit card. Dala-dala man ni Nicollo ang credit card na iyon araw araw, kahit saan siya magpunta, ay iniiwasan naman nito na gumastos at magamit iyin dahil sigurado siya na sa oras na gamitin niya iyon ay malalaman ng kaniyang pamilya, at nangyari na nga. Nagamit na niya at sigurado siya na sa oras na iyon ay alam na ng kaniyang pamilya ang nangyari.

"Picollo," pagtawag ni Mei mula sa kaniyang kinauupuan at nilingon si Nicollo na dahan-dahan umayos nang kaniyang pag-upo at tinignan din siya. "Gumawa na ako ng schedule tungkol sa pag-inom mo ng gamot. Nakalista na iyon dito sa may papel at may kasama na rin na oras. Sabihin mo lang sa akin kung masakit ngayon ang binti mo para mapainom kita ng kahit painkiller lang muna," wika ni Mei bago tumayo para lapitan ang binata.

"Wala naman akong nararamdaman na kirot," pagtugon ni Nicollo sabay tingin sa binti niya na nakapatong sa sofa. "Pero nakakaramdam ako nang pagkangimay."

"Nangingimay?" pagtatanong ni Mei bago naupo sa tabi ng binata at dahan-dahan na hinawakan ang injured na binti ni Nicollo at maingat na ipinatong sa may lap niya. "Kanina pa ba o ngayon pa lang?" pagtatanong ni Mei habang may pag-aalala sa kaniyang mga mata.

Lingid sa kaalaman ni Mei, habang nag-aalala itong nakatingin sa binti ni Nicollo at marahan na binibigyan iyon ng masahe at tahimik na nakatitig lang sa kaniya si Nicollo. Pinapanood nito kung paano labis na mag-alala ang dalaga para sa kaniya.

"Picollo, kanina—" Ngunit natigil sa kaniyang sasabihin sana ang dalaga dahil nang haharapin na sana nito si Nicollo ay mabilis na kinabig ni Nicollo ang batok ni Mei at hinalikan ito sa kaniyang labi.

Nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat na natigilan si Mei habang magkadikit ang labi nilang dalawa ni Nicollo. Nang magdaan ang ilang mga segundo ay nakapikit ang mga mata na dahan-dahan na lumayo mula sa halik si Nicollo, bago dahan-dahan na nagmulat ng kaniyang mga mata at isang mapungay na titig, maamo at nakangiting Nicollo ang nasaksihan ng mga mata ni Mei.

"Thank you, Meng," mababa ang boses at puno ng sinseridad na wika ni Nicollo.

Namumula ang mga pisngi na nag-iwas ng kaniyang tingin si Mei at supladang tumugon sa binata.

"P-Para saan ba ang pagpapasalamat mo?" supladang tanong ni Mei habang nakaiwas ng tingin sa binata na nakangiti habang siya ay pinapanood. "H-Hindi rin kailangan ng h-halik para magpasalamat!"

"Gan'on ba?" natatawang tanong ni Nicollo. "Then, how about se—"

"Picollo!" suway ni Mei dahil alam na nito ang sasabihin ng binata sa kaniya.

Dahil sa malakas na sigaw na iyon ni Mei ay malakas na napatawa si Nicollo na siya namang ikina-inis ng dalaga dahil sa isip-isip nito ay pinagti-tripan lamang siya ng binata. Habang nagkukulitan ang dalawa ay tatlong magkakasunod na pagkatok mula sa may pinto ang nakapagpatigil sa kanilang dalawa. Sandaling nakatinginan pa sina Nicollo at Mei sa isa't isa bago sabay na napatingin sa pinto.

"May inaasahan ba tayo na bisita?" nakakunot ang noo na tanong ni Mei.

"Sina Katarina o Jake?" wika naman ni Nicollo at umiling naman ang dalaga.

"Hindi ko pa nakakausap si Katarina o kahit si Hendrick. Si Jake pa lang ang nakakaalam nang nangyari."

"Baka nai-kuwento na ni Jake kay Katarina at silang dalawa ang nakatok," walang gana na wika ni Nicollo bago muling sumandal sa sofa at ipinikit ang kaniyang mga mata.

"Edi, papasukin natin," tugon ni Mei bago maingat na ibinaba ang paa ni Nicollo at tumayo para lumapit sa pintuan.

"Nah, chismis lang ang habol ng mga iyan. Paalisin mo na," pagtataboy ni Nicollo habang nanatiling nakasandal at nakapikit ang mga mata, habang nakahawak na si Mei sa door knob.

"Puwede ba, Picollo? Sigurado ako na gusto ka nila kumustahin," tugon naman ni Mei bago nakangiting binuksan ang pinto."Katarina— S-Sino po sila?"

Nang marinig ni Nicollo ang sinabing iyon ni Mei ay mabilis pa sa alas-kuwatro itong napamulat ng kaniyang mga mata at mabilis na umupo bago lumingon sa kaniyang likuran kung saan nandoon ang pintuan.

"Nandiyan ba sa loob ang Young—"

"Baron!" malakas na sigaw ni Nicollo at magkasabay naman na napalingon sina Mei at ang mga hindi kilalang bisita kay Nicollo na nagmamadaling inabot ng kaniyang kamay ang saklay at naglakad palapit.

Hindi naman maalis ang tingin ni Baron kay Nicollo, na tila nagmamadaling makalapit sa kanila, dahil sa kung paano ito maglakad gamit ang saklay. Tahimik ngunit seryosong tinignan ni Baron ang injured na binti ni Nicollo nang nakalapit na ito sa kanila.

"Young Mas—"

"Sa labas tayo mag-usap," utos ni Nicollo at sandalin tinignan muna muli ni Baron si Mei na nagtataka na sa nangyayari bago tahimik na tumango at naglakad palayo.

"Meng, dito ka muna sa loob. Mag-uusap lang kami," wika ni Nicollo at bago pa man makasagot si Mei ay mabilis nang kumilos si Nicollo para maglakad palabas, iniwan si Mei na nagtataka kung sino ang kanilang bisita.

SERIE ALFA DOMINANTE 2: NICOLLO PALMEIRIWhere stories live. Discover now