Chapter 6

34 4 0
                                    

NEW HOUSE

Lav's POV

"Burn this house again, and I'll turn you into ashes" singkit matang banta ni kuya Yuto sa akin bago ako nilagpasan.

"Mamamatay tao kasi.." simpleng saad ni kuya Valen na syang nakapagpatigil sa kanya sa paglalakad.

Hinarap nya ito at akma na sanang magsasalita ng maunahan ko sya. "Nangako tayo kay Mr. Wu na magbabago na tayo. Alang alang sa kanya, mamuhay nalang tayo ng mapayapa dito" hindi ko alam kung bakit iyan ang mga lumalabas sa bibig ko. Nagmukha tuloy akong pinakamatanda dito sa amin.

Wala naman sa kanila ang pumansin sa sinabi ko at nagkanya kanya ng punta sa kani-kanilang mga kwarto.

Kakarating lang namin sa bago naming bahay. Alam nyo naman ang dahilan hehe.. nasunog ko ang bahay sana namin kanina, kaya eto, binilhan nalang kami ni grandpa shark ng bago.

Pareho lang naman yung kalakihan ng bahay. Yun nga lang, wala itong second floor. Apat na lintang lang ng hagdan ang tatahakin mo bago makarating sa maliit na mga balkonahe ng kwarto nila kuya Yuto at kuya Valen. Ang bahay ay may apat na kwarto at magkatabi ang kwarto ng dalawang kuya ko, katapat naman nila ang magkatabing kwarto namin ni ate Lia. Wala naman itong mga hagdan at sadyang napakalapit sa sala.

Hindi gaanong malaki ang bahay, yung tipong sakto lang sa amin. May garden sa likod na pwedeng tambayan at parking lot para sa mga sasakyan namin. Kumpleto din ang mga gamit at higit sa lahat, andaming emergency button. Na hindi halatang pinapakonsensya ako.

Malayong malayo ang modern style na bahay na ito kumpara sa wooden house namin noong mga elementary palang kami kasama si Mr. Wu. Basically, sya na yung nagpalaki at tumayong ina at ama naming tatlo. At sobrang mahal namin sya.

Bago pa man kami napunta sa ibang bansa ay sya yung parati naming kasama. Kaya lang nung nangibang bansa na kami ay doon na nya ibinuhos lahat ng kanyang oras bilang secretary ni grandpa shark.

Sya din yung naghahanda ng mga kailangan namin. Sya yung nagluluto ng mga pagkain, naglilinis ng bahay, gumagawa ng mga assignments namin kasi hindi naman kami gumagawa ng mga ganun. Sya din yung umaattend ng mga meetings namin, at syempre sya ang parating nasa Principal's Office dahil sa matapos nga nung pangyayari ay hindi na magkasundo sila kuya Valen at kuya Yuto.

Pero ngayon.. papano na namin gagawin yung mga gawaing si Mr. Wu ang gumagawa kung wala sya at kami lang ang magiging laman ng bahay? Hindi naman pwedeng sila kuya ang magluto at maglinis ng bahay dahil mas hindi mo maaasahan yang mga yan. Kung ako nakakahawak pa ng kawali, sila naman hindi kilala ang sandok.

Baka hindi lang yung bahay ang masunog ko nito, baka isama ko na rin yung buong subdivision.

Nabalik ako sa reyalidad ng may humawak sa braso ko. "Oy Honey ano ba!?" bungad sa akin ni ate Lia. Sabay naman kaming napakunot noo dahil sa sinabi nya. "Honey? Honey nga ba? Baby? Sweety? Sweety Pie?" naguguluhan nyang sambit bago namewang. "Teka, ano nga ba ulit pangalan mo?"

"Lav.."

"Ay oo tama. Love..."

Siningkitan ko sya ng mata. "It's Lav, fyi."

"Yun nga sabi ko, Love"

"Lav nga kasi!"

"Wag mo nga akong pinaglololoko. Pareho lang yun. Tsk. Kayo naman kasi, bakit ganyan mga pangalan nyo. Nakakalito. Ang gulo"

Maghanda ka na dahil pangalan palang yan.

"Tanong mo kay grandpa shark" saka ko sana sya lalagpasan ng hawakan nya ako sa braso kaya napahinto ako at muling tumingin sa kanya.. "Kai nalang itawag mo sa akin. Ang pangit ng pronunciation mo"

Hart with Lav and ValentineWhere stories live. Discover now