Prologue

9 0 0
                                    


Nakatulala.

Wala siyang ibang magawa. Pagod na siya sa pagwawala at pag-iyak. Luminga siya sa paligid niya. Ibig niyang matawa. Wala siyang lakas na ligpitin iyon, bakit ba siya nagwala? Pakiramdam niya ay halos takasan na siya ng kanyang bait. Pakiramdam niya ngayon ay siya ang pinakamasamang tao. Naalala nanaman niya ang huling usapan nila ng nobyo niya. Ah... dating nobyo na pala

*flashback*

"Bakit kasama mo nanaman siya?!" pasigaw niyang sabi sa lalaki. Magkausap sila ngayon sa cellphone dahil nasa Singapore at binata habang siya ay nasa Pilipinas. Hindi ito sumagot. Tanging mga hagulgol na lamang niya ang naririnig sa linya. "Sumagot kang demonyo ka! SUMAGOT KA!" pamimilit niya dito pero hindi pa din siya nakakuha ng sagot dito.

"Haru bakit? Bakit? Kasi hindi mo na ako kailangan? Kasi may stable career ka na diyan?! Dapat nakinig ako sakanila, na iiwan mo din ako, na hindi mo naman ako mahal!" halos magwala siya habang sinasabi iyon "Bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo hindi-"

"Higit kanino, alam mong mahal kita" putol nito sa kung ano man ang sinasabi niya. "Hindi kita hahabulin nang paulit-ulit kung hindi" matigas na pagkakasabi nito

"Hinabol mo lang naman ata ako noon kasi kailangan mo ako. Kailangan mo ng makakasama sa buhay mo-"

"Ganoon ba tingin mo saakin?! Na ginamit lang kita?! Angkapal ng mukha mo!" napahinto siya sa naging tono at pananalita nito. Kahit kailan hindi siya ginamitan ng ganoon ni Haru. Unang beses pa lamang.

"Kung hindi bakit ngayon ipinagpapalit mo ako kay Ria?! Bakit?! BAKIT?!" humagugol siya sa huling mga salita na binitawan niya. Iyak siya nang iyak habang hindi naman ito sumagot.

Ilang segundo din ang lumipas bago ito nagsalita ulit.

"Erina... hindi kita pinagpalit." Bahagyang lumambot ang tono nito "Bakit mo ba iniisip na ipagpapalit kita? Ilang buwan nalang, limang taon na tayo. Bakit ba nagkakaroon ka ng ganyang isipin?"

"Ano yung pinadala saakin? Ano yung litrato na iyon?" umiiyak na wika niya

"Magkasama lang kami Erina. Kaibigan ko siya. Isa siya sa kakaunting Pinoy sa DayOne. Please love, don't misunderstand. Hindi ko rin siya maiiwasan dahil kasama ko siya sa trabaho" mahinahon na sabi nito sa kanya.

Pero sadya atang wala siya sa tamang katinuan dahil imbes na makaintindi at huminahon ay lalo siyang nagalit at nanggalaiti dito.

"SINUNGALING! LIAR!" she said out loud "Iiwan mo na ako kasi may bago ka diyan! Because she is better than me right? More compatible to you-"

"Erina..." natigil siya sa pagsasalita nang tawagin nito ang pangalan niya. Malambot ang tono nito pero bakas ang pagod sa boses nito. She wants to cry more. She wants to beg. Wag sana siyang iwan. Gusto niyang sabihin na she will try hader para hindi siya nito palitan pero mas nangingibabaw ang galit at pride niya.

"Erina.. tell me, sobrang nahihirapan ka na ba sa relasyon natin?"

Hindi niya iyon sinagot. Sunod sunod na hagulgol lang ang kinaya niyang ibalik dito. Paano niya aaminin na hirap na hirap na siya, hindi lang sa relasyon nila pero sa buong buhay niya? Paano niya aaminin dito na gusto na niyang maglaho? Na ang tanging dahilan nalang niya para kumapit sa buhay ay ang pangako nito na uuwi ito sa kanya?

"Erina... siguro nga hirap na hirap ka na satin kasi palagi kang naghahamon ng hiwalayan and honestly, I can't take it anymore" he said, his voice cracking-up. Panic rising from her. Susukuan na ba siya nito? No.. no.. gusto lang naman niya na iprove nito na mali ang sinasabi niya... no..

"Haru.. no.. hindi ganoon.. Haru.." she said, panicking, trying her best to make sense amidst her messy mind and sobs. "Haru.."

"...kung palagi nalang ganito, mas mabuting tapusin na natin ito"

Iyon ang huling sinabi nito sakanya bago nito putulin ang tawag nila. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tenga niya Dalawang araw na ang lumipas pero hindi pa siya ulit nito tinatawagan o kinakausap ulit. Bawat araw na dumadaan pakiramdam niya ay binabangungot siya.. Ano bang dapat niya maramdaman? Ano na bang dapat niyang gawin? Bakit hindi niya alam? Bakit wala siyang maramdaman?

Kinuha niya ang kanyang cellphone na natabunan ng mga damit na sinaboy niya kanina. Muli niyang tinignan ang sinend sa kanya ng isang anonymous account.

Si Haru... kasama si Ria. Naninikip ang dibdib niya sa nakikita niya, parang nasa date sila... Bakit? Hindi niya alam kung anong gagawin. Hindi na niya alam kung anong iisipin lalo na sa naging huling pag-uusap niya. Tapos na nga ba sila?

Nangako siya saakin. Ang sabi niya maghintay lang ako... na babalik siya saakin. Sabi niya babawi siya. Sabi niya hindi niya kayang gawin saakin ito. Gusto niyang panghawakan lahat ng sinabi nito. Gusto niyang magbulag-bulagan. Gusto lang niya makasama ito. Gusto lang niya mayakap ito at marinig mula dito na hindi totoo ang lahat.

Kanina pa niya ito chinachat. Galit na galit siya. Bakit hindi ito sumasagot? Kasama ba nito si Ria? Habang sumusuong ako sa unos ng buhay ko? Nasa kanlungan siya ng ibang babae?

Para siyang sinisikmuraan sa naiisip. Namamanhid ang buong katawan niya ngunit nanginginig ang kalamnan niya. Pakiramdam din niya ay parang may kung anong gustong lumabas mula sa dibdib niya, pakiramdam niya ay sasabog iyon.

Wala kang kasing silbi...Hindi ka na niya kailangan...Anong sinabi nila sayo? Iiwan ka din niya...Mas maganda sayo si Ria...Wala kang kwentang tao....Masama kang tao..Walang magmamahal sayo... you are on your own...

Nababaliw na ata siya..

"Hindi..." sagot niya, "Hindi ako mag-isa.. sabi ni Haru hindi siya aalis... ilang beses na ako nakipaghiwalay.. pero sabi niya hindi daw... hindi ako iiwan ni Haru" bulong niya sa sarili. Pilit na pinapatahimik ang mga boses na kung ano ano ang sinasabi sakanya.

Pero kung ganon ay bakit hindi ito sumasagot? Kung hindi nga ito kasama ng ibang babae, bakit hindi ito sumasagot sa mga chat niya? Bakit? Ah... baka hindi niya lang nabasa... tama... tatawagan ko siya.

Isa. Dalawa.Tatlo. Umabot ng apat hanggang sa sampo pero walang sumasagot. Nauubusan na siya ng pag-asa. Ayaw niya maniwala. No.. Hindi siya makapaniwala. Haru can't do that to her. Hindi siya iiwan nito. Hindi ngayon. Lalong lalo na hindi ngayon, kailangang kailangan niya ito ngayon.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone niya. Dali dali niya iyon sinagot at nadismaya siya sa narinig niyang boses. Hindi si Haru iyon.

"Bunso..." malungkot ang boses nito

"Kiel.. bakit napatawag ka ata?" she asked, trying to make her voice cheerful.

"Haru texted me" he said at huminga muna ito nang malalim bago nagpatuloy "he told me to tell you to stop texting, chatting or calling him. Tapos na daw kayo"

And with that, tuluyan nang gumuho ang buong mundo ni Erina.  

AnalepsisWhere stories live. Discover now