Prologo

12 0 0
                                    


Ilang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Kinuha ko ang kape ko at uminom habang tinatanaw ang sunod sunod na malalakas na alon. Napayakap ako sa sarili ko ng dumaan ang malakas na hangin.

Ilang minuto lang ay nangilid ang luha sa mga mata ko, hindi ko maintindihan kung bakit ako naiiyak.

"Are you okay? You know dear, we can cancel our flight if you want."

"I'm okay. We've been rescheduling this meeting multiple times. Nakakahiya na sa mga clients natin. Besides, it's for our company, after the deal babalik nadin naman tayo dito."

"Are we going for a vacation, Mama? Kasama si Daddy?" kitang kita sa mga mata ng anak ko na excited siya. Ito kasi ang unang beses na mag iibang bansa kami.

"Yes baby, of course." hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan sa noo. Seeing him happy makes me the happiest, sobra pa sa sobrang sobra.

More than 16hours ang travel time. Imbes na makapagpahinga, parang mas lalo akong napagod dahil sa byahe.

Ang dami nang nagbago dito, halos hindi ko na matandaan ang daan na tinatahak namin.

Isang bagay lang yata ang hindi nagbago, ang mansion nila Mommy at Daddy.

"Welcome home, anak! Oh my gosh sobrang gwapo naman ng apo ko. Hi apo! How are you?" salubong saaamin ni Mommy.

"Lala! You look great but Lalo looks gwapo. Wow! Ang big naman ng mansion natin dito but our mansion is bigger. Right Mama?" madaldal talaga itong anak ko, lalo na pag nakakakita ng ibang bagay.

"Ikaw talaga! Go to your room na. Fix your things and take a rest. Tomorrow igagala ka namin ng Daddy mo."

"Uhh dear, baka hindi ako makasama ng morning, I have to go-."

"Oo nga pala. It's okay, sunod ka nalang samin after that. Mom, Dad, pahinga na po muna kami. Nakakapagod pala talaga ang byahe."

"Sure, anak. Magpahinga na kayo. If you need anything just tell me. I know magiging busy kayo pero anak, magbakasyon din tayo ha kahit alam kong dalawang linggo lang kayo dito." ani Mommy.

"Of course, Mom. We will. I miss you." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Can I join?" agad nakisali naman si Daddy.

Maaga kaming umalis kinabukasan, ang aga din kasi nagising ng anak ko. Excited masyado sa gala namin. Nandito kami ngayon sa isang park, hinahayaan ko lang muna siya maglaro habang inaantay namin ang daddy niya.

"Anak, careful please." sa sobrang excited muntik pa siyang madapa. Ngayon lang kasi nabakante ang swing kaya nakipagunahan siya, favorite niya kasi ang swing.

"You're so damot naman. Ako naman dyan, kanina pa ako nagaantay dito eh!" sigaw ng batang babae sa anak ko.

AFTER ALLWhere stories live. Discover now