CHAPTER 65

3K 191 175
                                    

Nagising ako dahil sa ginaw na nararamdaman ko. Dahan-dahan akong tumayo sapo ang ulo ko na panay ang pag kirot. Inilibot ko ang paningin ko at napagtantong nasa kwarto ako na hindi pamilyar sa akin.

"Glad you're awake" saad ng kung sino.

Napatingin ako sa gilid ng kama at napatitig sa lalaking nakaupo sa study table malapit sa bintana. Nasisinagan ng kaunti ang mukha nito pero wala manlang itong reaksyon. Nakasuot ito ng salamin at naka tuxedo. Maikli ang itim na itim nitong buhok at mapupula ang kanyang mga labi.

"Rios?" tanong ko pero ngumiwi lang ito. Totoo ang sinabi ko. Kamukhang kamukha niya si Rios. Ang kinaibahan lang ay ang expression ng mukha at the way na kumilos siya. Inayos nito ang manggas niya at nilapag ang libro na kanina ay binabasa niya.

Hindi ko magawang magsalita ng kahit na ano dahil sa pagkalito. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari at bakit may kaharap ako na kamukha ni Rios.

"It's nice to see you again, Sera" saad nito.Napalunok ako ng ilang beses at pilit na pinapakalma ang sarili kahit pa nanginginig ako sa takot. Anong ibig sabihin nito.

"Who are you?" tanong ko.

"Nasaan ako?" dagdag ko pa.

"Take a bath first" saad nito at tumayo saka lumabas ng pinto. Muli ko pa sanang bubuksan ang pinto ngunit nagsipasok ang mga xfemale na nakasuot pang maid at hinila ako papasok sa banyo.

Pilit nila akong pinaghuhubad pero nagwawala ako. Damn! What if malaman nilang babae ako. Masisira ang plano namin!

"BITAW KAYA KO MALIGO MAG ISA!" sigaw ko kaya yumuko ang mga ito at lumabas ng banyo. Nagmadali akong maligo dahil baka bigla silang pumasok ag makitang isa akong babae.

Nang matapos akong maligo ay dali-dali akong nagsuot ng itim na roba bago lumabas. Inabot sa akin ng maid ang pares ng damit na pantaglamig. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatitig sa damit.

Ito ang mga dsmit sa mundo ko. Nakahiwalay ang pang itaas sa pang ibaba. Long sleeve ang damit at pantalon naman ang isa. Ang isa naman ay coat na makapal at may balahibo sandang hood.

Nagtatakhang kinuha ko ito at muling bumalik sa loob ng banyo at sinuot ang damit na binigay. Mas kumportable ako sa ganitong suot kaysa sa Hanfu. Pero medyo anninibago ako kasi ilang buwan akong nanatili dito na hanfu ang suot.

Hinila ako ng mga maid paupo sa harap ng salamin at inayusan. Nag apply din sila ng light make up sa mukha ko na bumagay naman sa akin kaya napangiti ako. Pagkatapos non ay inanyayahan nila akong bumaba sa dining area.

Namawis ang palad ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Habang pababa at tanging tunog ng boots ko na may makapal na takong lang ang naririnig.

Pagkarating namin sa dining area ay napalunok ako ng ilang beses nang magtama ang mata namin ng lalaking kamukha ni Rios.

"Take a sit" saad nito kaya umupo ako sa pinakadulo ng lamesa. Sobramg layo ng agwat namin dahil parehas kaming nasa magkabilang dulo ng mesa.

Sino ba siya? Paano ako napadpad dito? Nasaan ba ako? Ano bang ginagawa ko rito?

"I'm Rios. I saw you in the dungeon. You're inside the Mansion of Crimson Kingdom. You're here because I want you to be here"

Nanigas ako a kinauupuan ko ng sumagot ito. Napalakas ba pagkakasabi ko? Hindi naman ah?

"No, I can hear your thoughts" saad nito at ngumiwi.

Hindi ko alam kung nakakailang lunok na ba ako mula nung magising ako. Basta ang alam ko, delikado siyang tao.

"Ilang oras akong walang malay?" panimula ko.

"Three days" simpleng saad nito na ikinalaki ng mga mata ko. What? Three days?! Paniguradong nag aalala na mga kasama ko nito.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon