CHAPTER 26

1.9K 108 24
                                    

Nagising ako sa malakas na sampal na tumama sa akin. Bumungad sa akin si Franklin na nakangisi sa akin. May mga kasama itong mga guard na nagsilapitan naman sa akin. Nilagyan nila ng kadena ang kamay at paa ko. Si Franklin ay tuwang-tuwa sa lagay ko.

"Dadalhin ka na sa main Dungeon, Sera. Doon kinukulong ang mga mamamatay tao" saad nito at pumalakpak pa.

"Siguraduhin mo lang na mamamatay ako, dahil kung hindi. Babalikan kita at ikaw ang ilalagay ko ron" saad ko pero isang malakas na sampal muli ang dumapo sa mukha ko.

"Mamamatay ka na lang andami mo pang ambisyon. Mangarap ka na lang, Sera. Ayan nalang naman ang magagawa mo dahil bukas ay hahatulan ka na" saad nito at ngumiti.

"Bukas ka papatayin kapag napagpasyahan na nila. Pero kapag napawalang sala ka sa paglilitis, edi congrats! May oras ka pa para patayin ako" saad nito at tumawa saka lumabas ng kulungan.

Hila ako ng guwardiya habang nakatali ang mga kamay at paa ko. Sobrang bigat dahil kadena ang nilagay nila. Yung sugat ko ay hindi pa rin nawawala. Lahat ng maids, Eunuch, at ibang gwardya ay nakatingin sa akin. Lahat sila kinakaawaan ako. Ngayon ang araw na ililipat ako sa main Dungeon para roon ako litisin. 

Yumuko ako para hindi ko makita ang mapangutyang mga mata ng lahat. Karamihan sa kanila ay nagagalit kahit hindi naman nila alam ang buong pangyayari. Yung katawan ni Alvin ay sinunog at ipapadala sa kaharian niya ang abo. Maraming nagluluksa sa pagkawala ng Hari. Kung gaano karami ang nagluluksa, ganon din karami ang nagagalit sa akin.

Huminto ang guard sa  paglalakad kaya napahinto rin ako. Nandito na ang sasakyan ko papuntang Dungeon. Malakas na tinulak ako ng gwardiya kaya napa-upo ako sa lapag. Ubos na ang luha ko. Wala na akong mailabas pa. Hinang-hina at nawawalan na ng pag-asa. 

Dahan-dahan ko nilingon sila Franklin, Maricar, Rough, Kiel at Aruelo. Lahat sila ay pinapanood ang pag-alis ko. Wala manlang nagtangka na pumigil o depensahan ako. Nandito rin si Kapitan Lioung Gu at pinapanood ang pagalis ko. Hanggang kamatayan ko, nagsisisi ako na napunta ako sa mundong ito. Lahat kayo ay hindi ko mapapatawad. Kahit mabigat, dadalhin ko hanggang kamatayan ko. Lahat sila ay tinignan ko ng masama, ipinapadama ko sa mga titig ko ang pagkamuhi bago pumasok sa kulungan na sasakyan ko papuntang Dungeon. Tama lang na sinumpa ang mundong ito, dahil maging ako ay gagawin ang ginawa ng witch noon. Isusumpa ko hanggang sa susunod na buhay ko ang mundong ito.

Nakatali ako sa kadena habang nakapalibot ang hindi mabilang na hari mula sa iba't ibang kaharian. Panay ang pagtatanong nila sa kung bakit ko pinatay ang Hari ng Vylen Kingdom pero wala akong salitang nilabas. Lahat ay iritadong nakatingin sa akin kaya natawa nalang ako sa mga hitsura nito. Dahil sa pag tawa ko ay sinuntok ng isang Hari ang mukha ko. Halos mamanhid ang mukha ko sa ginawang pag suntok nito. Tinignan ko ang nanuntok sa akin at ngumisi. Natatandaan ko siya. Siya yung pinahiya ko sa Banquet. Yung matandang nasobrahan sa baba.

"Hindi ako aamin dahil wala naman akong dapat na aminin" saad ko pero nakatanggap nanaman ako ng sampal.

"Ang tibay ng isang 'to. Wag niyo na litisin. Pugutan na ng ulo yan" saad ng isa at  sabay-sabay na nagsi-tanguan ang lahat. Napahinto ako sa pagtawa at panandaliang nanahimik.

"Kaya sinusumpa ang mundong ito. ako na ang magsasabi sa inyo, hindi na kayo mabibiyayaan ng babae, lahat kayo mauubos. Ang trono niyo ay mawawalan ng kwenta kapag naubos ang lahat" saad ko at tumawa. Kasabay ng pagtawa ko ang pagtakas ng iilang butil ng luha ko. Meron pa palang mailalabas?

"Wala kang nalalaman sa mundong ito bata" saad ng isang matandang Hari.

"Marami akong nalalaman na hindi niyo pa alam. Ang itim na usok ay nagsisimula na kumalat" saad ko at tumawa. Nagsilingunan ang lahat sa akin at gulat ang lahat. Wala akong ideya sa itim na usok pero bakit affected sila.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon