CHAPTER 16

2.3K 138 17
                                    

Nandito kami sa library at itinuturo ko sa mga maids at Eunuch kung paano ang gagawin. Isang linggo na ang nakalipas mula noong maganap ang Banquet. Last week ay inutusan ko ang kapitan na humanap ng concentrated ethanol sabuong sakop ng kaharian at kahapon lang sila dumating. Ngayon ay nagtipon-tipon kami sa library at ipinapaliwanag ko kung paano ang tamang pagsuot ng PPE para masiguradong ligtas. Hindi man official na PPE ang gawa ko pero makakatulong pa rin naman ito. Wala naman ako sa mundo ko para makuha lahat ng materials sa pag gawa kaya ang PPE na gagawin namin ay parang semi lang. Maging ang mga face masks ay semi lang rin dahil walang gamot para ma-filter ang hangin. Lahat ay semi lang. 

"Ito na ba ang alcohol? Paano mo magagawa ito, Sera? Sigurado ka bang tama lahat ito?" mahinhin na saad ni Franklin. Yup! Hindi pa sila umaalis. Dito raw muna sila mananatili for a month dahil napagpasyahan ng tatlong Hari na mas ligtas kung nandito kami sa kaharian ni Rough.

Nahinto ako sa pagtuturo at nilingon si Franklin. Hawak nito ang isang kopya ng libro ko na patungkol sa pag gawa ng Alcohol. Nakangiti ito sa akin at nag-aantay sa sagot ko. Maging ang mga nandito sa loob ay nakatingin sa akin. Nandito rin ang tatlong hari dahil hindi sila pwedeng walang ideya sa plano. Napagplanohan din kasi nina Kiel, Erwin at Rough na magtulongan ang tatlong kaharian para mapabagal ang pagka-ubos ng mga tao. Ngayon kasi ay mabilis ang pagkamatay nila dahil sa dumi ng environment nila.

"Cum Laude ako eh" saad ko at inosente pa itong tumingin sa akin.

"Ano ang Cum Laude?" takang tanong ni Kiel.

"Mga estudyanteng nagtapos ng may karangalan. Sila ang mga matatalinong estudyante. Sila yung mga outstanding students. Pili lang ang nagkakaroon niyan sa iskuwelahan" paliwanag ni Maricar. Nakita ko ang saglit na pagbabago ng reaksyon ni Franklin. Ang kaninang inosenteng mukha ay sandaling napalitan ng inis at muli nanaman itong ngumiti.

"Hindi bali na. Hindi naman magagamit ang pagiging Cum Laude sa Gaia." ngiting saad nito. Nilapitan ko siya at inagaw ang libro.

"Akin na, hindi mo naman naiintindihan mga nakasaad diyan. Puro ka lang naman kopya sa chemistry noon" saad ko at tumawa. Kita ko ang pag pipigil ng galit nito pero muli nanaman itong ngumiti.

"Ipaliwanag mo nga ang pag gawa niyan." saad nito. Aba hinahamon niya ba ako? Anong akala niya mema lahat ng calculations ko? Hindi ako nagsusulat para magpabida, sinulat ko yan kasi gusto ko makatulong.

Pumunta ako sa harap at muling nagsulat sa pisara. Nakakirita nga yung black board nila eh. Papel lang tapos pag magsusulat ka ng panibago kailangan pa ilipat ang pahina. Nakakastress lang. Ganito pala effect ng technology no? Lalo na kapag nasanay ka na sa teknolohiya tapos bigla ka mapadpad sa lugar na hindi upgraded ang technology. Nagiging tamad ka, haha.

"Kapitan ilang porsyento ang concentrated ethanol ang nakuha niyo?" tanong ko kay Captain Gu.

"Natest ng doctor ang dala namin at ang sabi niya ay 99% ang concentrated ethanol" saad nito.

"Kung mayroon tayong 99% concentrated ethanol. Ang kailangan nating gawin makagawa ng 100 ml na 70% diluted ethanol. Per bottle muna ang gagawin natin at bawat tao ay mabibigyan ng dalawang bote ng alcohol" saad ko.

"Paano natin ito gagawin?" tanong ni Kiel.

Nagsimula akong ipaliwanag lahat at ginamit ko ang phone ni Maricar para ma-compute lahat. Matatagalan kasi kung mano-mano ang pag compute. Natutuwa ako dahil marami silang natutunan sa akin. Pagbalik ko talaga sa mundo namin, mag sideline ako as prof. Parehas ko gusto na nagugusto-han ang pag gamot sa pasyente at pag tuturo. Nakakataba ng puso kapag na-appreciate nila lahat ng naituturo mo.

Ang mga maids ay ipinagpatuloy ang pagsusulat ng kopya ng mga libro ko. Palihim ko na rin ipinapahatid sa siyam na pinagkakatiwalaan kong Eunuch ang mga libro ko. Pinahatid ko sa iba't ibang parte ng nasasakupan ng kaharian at pati sa ibang kaharian ay nagpadala ako. May mga tatak ang mga libro na ipinakalat ko. Sa pinaka-huling pahina naman ay nakalagay ang orihinal na gumawa ng libro at siyempre ako 'yon. Pinalagay ko rin ang mga pangalan ng tumulong sa pag gawa ng mga kopya dahil hindi pwedeng ako lang ang nandoon.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon