CHAPTER 34

1.8K 111 20
                                    

Lahat sila ay dismayado ang tingin sa akin matapos kong magpaliwanag. Nandito ang Kapitan, si Atreus, Reid, Alberto at ang isang maid na nakakita sa amin ni Atreus na naghahalikan sa likod ng palasyo.

"Totoo nga! Nakita niya 'yon! Kamukhang-kamukha niya si Atreus. Ayon ang dahilan kung bakit hindi ako lumalabas ng silid ko" dagdag ko pa.

"Sera, napaka imposible ng sinasabi mo" saad ni Alberto. Kung kahapon ay tinatawanan niya ako, ngayon ay seryoso na ang mukha nito.

"Hindi naman ako mahihimatay kahapon kung hidi totoo ang sinasabi ko. Ate sabihin mo sa kanila ang nakita mo" saad ko sa maid na nakakita na kahalikan ko ang kamukha ni Atreus.

"Ma'am?" kunot noong tanong nito. Bakit ganyan siya umasta. Alam ko na nakita niya 'yon. Natakot pa nga siya sa tingin nung kamukha ni Atreus eh.

"Sera, baka pagod ka lang. Baka nagkakaroon ka ng hallucinations kaya nasabi mo ang mga yan" saad ni Reid. 

Bagsak balikat akong tumalikod sa kanila at nagtalukbong ng kumot. Nakakainis sila, mukha ba akong nagsisinungaling. Kung si Aruelo ang nandito, maniniwala siya sa akin. Bakit kasi kung sino pa ang naniniwala sa akin, ayon pa ang nawala. Naiinis ako sa kanila. Tsaka akala ko ba may mga kapangyarihan sila? Bakit hindi nila pakiramdaman yung paligid para malaman nila na nagsasabi ako ng totoo.

"Mauna na kami Sera" rinig kong saad ng Kapitan at nakarinig ako ng sunod-sunod na yabag palabas ng pinto. I sighed deeply as I remove the blanket. Pasimple akong tumingin sa pinto at dahan-dahan na tumayo saka nagpunta sa veranda dito sa silid ko. Sumilip ako sa ibaba pero agad din akong umurong dahil sa pagtama ng araw sa mukha ko. Feeling ko hindi lang kami ang nandito. Sa tingin ko rin ay may tinatago sila na kung ano. Kasi imposibleng walang maalala ang maid na nag iisang witness ko.

Nagtagal ako sa loob ng silid ko bago naisipan na lumabas. Tanghali na kaya kukuha na lang ako ng pagkain sa baba. Nakakainis sila sa totoo lang. Yung mga tingin nila sa akin ay akala mo gumagawa lang ako ng kwento. Eh kung sila kaya nasa posisyon ko, panigurado mahihimatay rin sila. Kumaway pa sa akin hayup na yan.

Habang naglalakad ay namataan ko si Atreus paakyat sa 4th floor. Paano kung kagagawan lahat ni Atreus 'yon? Sinadya niya na gawin sa akin 'yon para makaganti siya sa akin? Tsaka imposibleng walang kinalaman si Atreus kasi parang kontrolado niya yung buong paligid. Kagaya sa Qin Pavilion noon. Mula noong nakita ko siya sa ilalim ng puno ay nagsimulang nagparamdam yung mabango na lalaki. Tapos nung nagkahalikan kami ay biglang nawala noong dumating si Rough. Tsaka nung bumalik ako sa Banquet Hall biglang nandoon si Atreus tapos sinabi niya na "I saw two people kissing". Aba! Sinasabi ko na nga ba eh! Siya ang may kagagawan!

Itinago ko ang presensya ko at palihim na sumunod kay Atreus sa 4th floor. Palinga-linga siya kaya nagtago ako sa malaking vase. Nang masigurado nito na walang nakatingin ay umakyat ito patungong 5th floor. Akala ko ba walang pwedeng umakyat? Bakit siya nandiyan?

Marahan akong sumunod sa kanya at iniiwasan na makagawa ng ingay. Nang marating ko ang 5th floor ay napatingin ako sa sulok na kung saan ko nakita ang jellytaptap na nangaasar sa akin na hindi ko mahuli noong nakaraan. Ipinagsawalang bahala ko ito at muling sumunod kay Atreus. Kakaiba ang Interior Design dito sa taas dahil mas luma ang gamit dito. Naaamoy ko rin yung pabango na lagi kong naaamoy sa lalaking kamukha ni Atreus.

Pumasok sa isang pinto si Atreus kaya nag antay ako ng ilang minuto bago pumasok. Pagbukas ko ay amoy na amoy ko ang pabango. Malawak sa loob at isang buong sala ang sumalubong sa akin. Marahan akong naglakad at maingay na hinawi ang kurtina. Agad akong nagtago dahil nandoon si Atreus. Nagsisindi siya ng mga kandila at may sinasabi na kung ano. Hindi ko marinig gaano kasi bulong lang ang ginagawa niya. Hindi ko rin mapigilan na matakot sa buong paligid kasi sobrang lamig.

"Sera I know na nandito ka. You forgot to hide your presence dahil sa takot mo" saad ni Atreus habang nakatalikod. Humarap ito pero wala naman nakakatakot sa kanya.

"Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na bawal ka rito" saad nito.

"Nacurious ako. Yung amoy na nandito sa 5th floor kasi ang naaamoy ko sa lalaki na sinasabi kong kamukha mo" saad ko.

"It's not a perfume Sera" saad ni Atreus at nagpakawala ng hangin bago ito lumapit sa akin. May inabot siya sa akin na babasagin na bagay at may laman ito sa loob. Para siyang oil na ewan.

Kinuha ko ito at inamoy. Ganito ang amoy na palagi kong nalalanghap sa lalaki. Bakit ganon? Nalilito na ako. Kasi naalala ko wala naman amoy na ganito si Atreus.

"Ayan ang oil na pinupunas sa mga patay bago ilibing Sera. Kaya hindi ako naniniwala na meron kang nakikita na kamukha ko" saad nito at muling nagsindi ito ng mga kandila. Naglakad-lakad ako hanggang sa mapadpad ako sa veranda. Nanayo ang balahibo ko dahil dito sa pwesto na ito ako nakakita ng lalaki na nakatayo.

"Atreus dito ka ba nag-i-stay?" tanong ko pero walang sumagot. Nilingon ko ang paligid pero wala na si Atreus. Nagtataka akong lumingon-lingon dahil wala talaga si Atreus dito. Asan na ba 'yon?

Nagmamadali akong lumabas dahil sa takot na nararamdaman ko. Pababa ako ng hagdan ng makasalubong ko si Reid na paakyat. Nagkatinginan pa kaming dalawa bago ako tumakbo pababa. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya at dumeretso na lang sa silid ko. Pagpasok ko ay mas nanlamig ang mga katawan ko dahil nakaupo si Atreus sa higaan ko. Napaupo ako dahil sa takot ko. Paano?

"I know you're not Atreus" saad ko dahil naaamoy ko sa kanya ang pabango.

"I am not Atreus because he's in my room" saad nito mula sa malalim na boses na ikinatayo ng balahibo ko. Ito ang unang beses ko na marinig ang boses nito. Naglakad ito papalapit sa akin habang nakangiti. Nang makalapit siya ay hinawakan nito ang pisngi ko.

Pumatong ito sa akin at hinalikan ako. Kusang gumalaw ang mga labi ko para tumugon sa halik nito. Bahagya pa itong ngumiti sa pagitan ng halik namin at nagsimula nanaman maglikot ang kamay nito. Palalim nang palalim ang halikan namin hanggang sa maramdaman ko ang pagangat nito sa suot kong hanfu. Gumapang ang mga kamay nito pataas sa hita ko habang hindi pinuputol ang halik. Gusto ko na bumitaw sa halik dahil nauubusan ako ng hininga. Ang kamay nito ay nakaabot na sa maselang bahagi ng katawan ko at marahan niya itong hinahaplos kahit na may telang nakaharang dito. Napaangat ang ulo ko ng bumaba ang halik nito sa leeg ko. Unti-unti nitong ibinaba ang underwear ko at marahang inilapat ang palad nito sa ari ko. I moan as he rubs my feminine using his thumb. I started to feel the butterflies inside my stomach as he poke my entrance teasingly. 

"No one can make you feel this way, Sera. Only me" saad nito.

Nagising ako dahil sa panaginip ko. Hingal na hingal at pinagpapawisan ako. Napalingon ako sa paligid at nandito ako sa kwarto ko. Napahawak ako sa labi ko dahil parang totoo ang nangyari. Ramdam ko rin ang pagkabasa sa pagitan ng hita ko. Napailing ako dahil sa hindi ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam pero nadismaya ako. Parang gusto ko na lang na mangyari 'yon sa totoo. Aish! Hindi naman ako anito pero bakit iniisip ko na sana totoo na lang 'yon? Bahala na.

Dahan-dahan akong tumayo at dumeretso sa banyo para maligo dahil basang basa talaga ang pagitan ko. Hindi ako kumportable. First time ko maranasan ang mag wet dreams. Ang init din ng buong katawan ko. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam. Nagiging manyak na rin ba ako? No way!

Nagsimula akong maghubad at lumubog sa bathtub. Ipinikit ko ang mga mata ko at inisip ang panaginip ko. Panaginip lang ba talaga 'yon? Pero iba eh! Parang totoo siya. Naramdaman ko rin ang kiliti sa puson ko habang magkahalikan kami. Aish! I need to talk to Atreus. Feeling ko siya ang may kagagawan ng lahat ng ito. 

A/N: Congratulations! Road to chapter 35 na tayo! Stay hydrated everyone! Take care!<3

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon