CHAPTER 45

1.8K 116 13
                                    

Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Sa dinamirami ng mga naiiisip ko ay halos hindi na rin ako patulugin ng mga ito. Muli kong niliingon ang pwesto ni Eroz sa kabilang side ng kama at tinitigan ito. Paulit-ulit ko ginagawa 'to mula kanina. Iniisip ko kasi kung ano ang hitsura sa likod ng maskara niya. Marahan akong tumayo at bumaba sa kama saka nagtungo kusina. Kumuha ako ng tubig at agad na ininom. Kanina pa ako panay higa at magiisip tapos kapag hindi makatulog ay tatayo at iinom ng tubig. Paulit-ulit ko na nagawa pero hindi ako dinadatnan ng antok. Panay lang din pagihi ko tapos babalik nanaman sa kama.

Nagpakawala ako ng hangin bago bumalik sa kwarto. Pagpasok ko ay napadako ang tingin ko kay Eroz na natutulog. Kusang gumalaw ang katawan ko at nilapitan ito. Napatitig ako sa kakaibang maskara ni Eroz. Imbes na may tali ito sa magkabilang tenga pero ang maskara niya ay nakadikit sa balat niya sa may bandang tenga.

Inilapit ko ang kamay ko at akmang hihiilahin ito pero hindi pa man dumadampi ang kamay ko sa maskara ay nahuli ni Eroz ang kamay ko. Nakapikit ito pero alam kong gising siya.

"Don't." saad nito na ikinaurong ko. Bigla niyang iminulat ang mata niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

Binitawan nito ang kamay ko at bumangon. Napalunok ako ng ilang beses at iniwasan ang tingin niya. Ang tanga ko bakit ko ba naisip na gawin 'to? Paano kung maubos na ang pasensya niya sa akin at bigla niya akong patayin?

Nagulat ako ng biglaan niya akong hilahin at niyakap ng mahigpit. Napahawak ako sa braso niya dahil sa pagkabigla ko. 

"Sorry" bulong nito. Ramdam ko ang sinceridad ng paghingi nito ng tawad. Matapos ng ilang minuto ay pinakawalan niya na rin ako.

"Say something, Vien" saad nito.

"Kailangan ba may sabihin ako?" tanong ko.

"Yes" saad nito kaya nginitian ko ito.

"Ano ba ang ine-expect mo na sabihin ko?" tanong ko pero hindi ito kumibo at tinitigan lang ako.

"Ine-expect mo ba na sabihin ko na ayos lang lahat?" saad ko at tumango ito.

"Yes, I am expecting you to say those. I prepared myself for almost three days just to say sorry" saad nito.

"Eroz, hindi ka dapat nag-e-expect ng ganon. Sa sinabi mo ay nasaktan ako. Kung sinabi ko na ayos lang ay isang malaking kasinungalingan 'yon. Siyempre nasaktan mo ako that time at hindi ako naging okay matapos mong sabihin 'yon. Ikaw ba kapag sinaktan kita tapos nag sorry ako. Sa tingin mo ba mawawala yung sakit na naramdaman mo noon?" tanong ko.

"No" saad nito na ikinangiti ko.

"Do you understand now? Do not expect me to say na ayos lang. Ang sorry ay nagpapagaan lang ng loob, pero yung ginawa mo noong nakaraang araw ay nakatatak sa isipan ko 'yon. Hindi mabubura ng sorry mo ang sakit, Eroz" saad ko.

"You know what. You should think first kung ano ang mga salitang dapat mong bitawan. Kasi yung mga sinasabi natin, it can affect a person's life. Kung sa mga bata nga ay sinasabihan natin ng hindi maganda, pag laki niyan ay magrerebelde. Siyempre natatandaan natin mga sinasabi sa atin. Lalo na kung sobrang sakit niyan" dagdag ko pa.

Muli niya akong niyakap ng mahigpit kaya niyakap ko rin ito pabalik. Napangiti ako dahil sa naging akto nito. Alam ko naman na mabait talaga si Eroz. Siguro may past siya kaya siya nagkaganyan. May mga rason naman tayong lahat kung bakit nagkakasala tayo. Ayos lang naman kung magalit, pero h'wag ka lang magpapalamon ng galit katulad nung witch na nagsumpa sa mundong ito. Tsaka kay Franklin? Ayos lang naman na mainggit siya pero nilamon na kasi siya ng inggit kaya nagkakaganon siya. 

"Eroz pwed---"

"You can call me Thanarios or Rios, Vien." saad nito.

"Okayy?...Uhm...Pwede ko makita mukha mo?" tanong ko. Humiwalay ito ng yakap at tinitigan ako ng maigi.

In The World Where Women Doesn't ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon