Hanggang sa masipa ko yung album sa ilalim ng kama niya. Kinuha ko ito at nilapag sa ibabaw ng kama niya.

Pagbuklat ko niyo nakita ko agad yung picture ng batang babae at lalaking magkaakbay. Mukhang si JR yung batang lalaki pero hindi naman si ate niya yung batang babae sa picture.

"Sino kaya to?"

Tok Tok Tok

"Babe tapos ka na bang magbihis? Kukunin na ni yaya yung uniform mo e"

"Ay! Yes babe wait lang"

Sinara ko ulit yung album at nilagay ulit sa ilalim ng kama niya, tinago ko muna maigi para alam ko kung saan ko kukunin yung album.

Binuksan ko na yung pinto at inabot yung uniform ko.

"Eto na babe. Ikaw na lang maglaba nakakahiya sa maid ninyo e"

"Ha? Seryoso ka babe?"

"Sige na please please please. . . . "

Sabay pacute sakanya.

"Ugh! Okay fine. Basta samahan mo ako sa baba maglaba"

"Eeeeeeeeeeee. Ikaw na lang babe. Dito na lang muna ako. Napagod kaya ako sa work"

Paawa look naman.

"Okay okay fine. Wag kang magkalkal ng kung ano ano sa room ko ah. Kung di lagot ka sakin pagbalik ko"

"Opo"

Bumaba na siya at dali dali naman akong pumasok sa kwarto niya at kinuha ulit yung album na nakita ko kanina.

Tinignan ko lahat ng picture. Parang gawa ng batang babae tong album tapos binigay kay JR. Sino kaya tong batang babae na to. Sa bandang last page, may sulat na naka dikit.

"To my dearest Jay jay,

hi! I don't know where to start, pero magtatagalog na lang ako kasi nasa pilipinas pa din naman ako e. Sana magkita tayo sa america kapag sumunod na kayo nila ate, tito and tita dun. Gusto ko ikaw pa din yung makakalaro ko dun. Sabay tayo papasok sa school. Sabay tayong matututo at gagaling sa pag-ienglish. Sabay din tayong gagraduate sa high school. Sabay din tayong papasok sa college. Diba ako yung engineer mo and ikaw naman yung architect ko? Sabay nating paplanuhin yung magiging bahay natin. Pero magpapakasal muna tayo, invited lahat ng relatives natin. Tapos magkakaron tayo ng tatlong anak. Hay hindi na ako makapag antay na magkita tayo ulit sa america. Dalian niyo sumunod ah. Magaantay ako dun. I love you jay jay.

Love, Cassandra Gale"

Wow. As in wow. Wala akong masabi sa letter na to. Amazing. Parang hindi bata yung gumawa. Parang ang tanda na niya. Kung hindi lang ganun kapanget yung sulat, I mean yung tipong pangmatanda na talaga yung sulat hindi ko maiisip na 5 years old yung gumawa ng sulat na to. Cassandra din pangalan niya. Pwede pala talaga yun, na makakilala ka ng dalawang tao na parehas ng pangalan.

After kong basahin yung sulat at tognan ng mga picture nilagay ko na ulit sa ilalim ng kama niya yung album. Mahirap na baka mahuli ako ni JR.

Ang tagal naman ng lalaking yun maglaba. Isang pares lang naman ng uniform yun. Humiga muna ako sa kama niya at nagisip ng kung ano ano. Ang laki pala talaga ng kama niya. Kasya limang tao. Ang lambot pa. Ang sarap yakapin ng mga unan niya pati yung comforter niya. Ang bango bango. Amoy na amoy ko yung amoy ni JR.

.............

Nagising ako na may nakapulupot sakin. Parang octopus naman tong lalaking to. Nakatulog na pala ako kagabi sa sobrang tagal kong nagaantay sakanya. Eto yung gabing super sarap ng tulog ko in fairness. Dapat nga talaga siguro lagi kaming magkatabi ng lalaking to.

Hidden FeelingsWhere stories live. Discover now