"At sinong nagsabing susuko ako? Gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya ko," mariin niyang bulong sa mga kaibigan. 

"Sige 'nga, mag twerk ka 'nga ngayon," panghahamon sakaniya ni Nate kaya tinapunan siya ni Lie ng masamang titig. 

"Wala akong pwet kaya hindi ako makakpag twe-"

"Gago impossible 'yun. Kung wala kang pwet saan ka tumatae?" taas kilay na tanong ni Cary. 

"Edi sa butas ng pwet-" 

Agad na tinakpan ni Lia ang tenga niya dahil kanina pa siya nandidiri sa mga pinag-uusapan nila. Agad niyang tinignan ang katabing maliit na babae na halatang may gusto sa isang kaibigan ng unggoy. 

"Do you want to here in my position?" she asked the girl beside her.

Agad ito napatigil sa pag-ngiti at gulat na nag-angat sakaniya ng tingin. Mukhang naghalo pa ang gulat at takot nito dahil sa malamig niyang expression niya, Pero agad naman nag liwanag ang mukha nito at parang batang tumango. Agad siyang tumango at palihim na nakipag palit dito. 

Narinig niya na natahimik ang tatlo. Mukhang napansin nila na wala na si Lia sa tabi nila. Napangisi na lang siya ng tipid ng gumana ang plano niya. 

Sa bawat nakakatabi niyang classmates ay nakikipag palit siya. May ibang hindi pumapayag kaya tinatakot niya na lang gamit ang malamig niyang expression. 

Mabuti na lamang at gumagana iyon kaya napunta siya sa kabilang gilid, kung saan malayo sa tatlo. 

Hindi na siya nag abala pa na lingunin ang tatlo dahil nagsimula na ang kanta. Hindi siya kumekembot ng malala katulad ng mga ginagawa ng lahat dahil alam niyang sasakit ang tagiliran niya. 

Pero sa tuwing nag-iikot ang mga guro nila ay kunwari ay sobrang energize niya. 

"Ngiti Lia. Ang panget kung sumasayaw ka ng hindi ka nakangiti," natatawang sabi ni guro nila. 

Malalim siyang bumuntong hininga. "I don't know how to smile."

Napa iling na lang ang guro. "Halika. Tuturuan ki-" 

"Don't touch me po," magalang niyang sabi ng akmang hahawakan siya ng guro. 

Bumalatay ang gulat sa mukha nito ngunit agad din namang ngumiti. "Sorry. Wag kang mag-alala at sa susunod, matuto ka ring ngumiti." 

Tumango na lamang siya upang umalis na ang guro. Ng tuluyan ng mawala sa paningin niya ang guro ay agad siyang napa-irap. Wala na syang balak matutunan kung paano ngumiti at tanggap niya na habang buhay ay hindi niya na muli masisilayan ang sariling ngiti. 

Isa pa ay wala na rin namang dahilan upang ngumuti siya at ibalik ang dating siya. 

⋇⊶⊰♡⊱⊷⋇

Nakasimangot lang si Lie habang sumasayaw. Masama ang timpla niya ngayon dahil hindi niya na ngayon katabi si Lia. Sigurado siya na gumawa ng paraan ang dalaga upang malayo saknaila. 

Kanina niya pa iniisip kung bakit ayaw sakaniya ni Lia. Siguro ayaw niya na maingay na tao. Ibig-sabihin ay kailangan niyang maging tahimik na tao? Pero hindi siya sanay na mapanisan ng laway!

Ano bang pwedeng gawin para hindi siya layuan ni Lia? Handa siyang gawin ang lahat para lang hindi siya layuan ni Lia. Wag lang ay ang layuan si Lia dahil hinding-hindi niya na iyon makakaya pa. 

"Nanonood si sir Hudson oh," agaw-pansin ni Cary kaya agad niyang nilingon kung saan nakatingin ang kaibigan. 

"Ako lang ba?" tanong ni Nate. 

Paint Your Bandages (Junior High Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora