"Ma, alam kong nasa simbahan na sila," walang gana niyang saad.

Dahil kapitbahay lamang niya ang kaniyang mapapangasawa, alam niyang nakaalis na ito. Nakita niya si Anaise nang sumakay sa bridal car mula sa kaniyang silid.

Anaise was his childhood friend, turned lover a month ago, and he slept with her weeks ago on his birthday. Sa halip na maisantabi at kalimutan ang nangyari, imposible dahil nahuli sila ng mga magulang ni Anaise sa kuwarto ng dalaga.

Sa halip na magpanggap na wala lang iyon, pinangakuan agad ni Calyx ang kaibigan ng kasal dahil bukod sa kapuwa anak sila ng kilalang pamilya sa bayan, malakas ang kutob niyang magbubunga ang gabing iyon kahit na wala silang maalalang dalawa. Hindi niya alam kung bakit, pero gan'on ang nararamdaman niya.

Sa halip na maging paksa ng mga tsismis at gulo sa bayan, uunahan na nila ang balita. It wasn't just the del Rosario's who would be on the scandal, but the de Torres' as well.

At sa darating na eleksiyon na magkasangga ang dalawang pamilya, ang eskandalo ang huli sa kanilang isipin na mangyayari. Hindi dapat masira ang pangalan ng parehong kampo kahit anong mangyari.

Sa pagkakaalam ng marami ay nasa simbahan na rin siya pero bumalik siya matapos ang ilang minuto nang  paglisan. Marahil ay sampung minuto na rin magmula nang walang tigil sa pagtunog ang kaniyang telepono.

"Ano'ng sabi mo?"

"Alam ko, Ma," pag-uulit niya.

"Alam mo pala, pero bakit nandito ka pa?" iritable na usal ng ginang.

"Venus, iwan mo muna kami ng anak mo," usal ni Ben sa butihing asawa.

"Ben . . . " Naiilang na tawag ni Venus sa asawa.

"Please . . . "

Ilang beses na pinilit ni Venus na kakausapin niya ang anak ngunit sa huli ay pumayag ito. "Bilisan n'yo. Tayo na lang ang wala r'on," ani Venus at kinuha ang smartphone mula sa bulsa at lumabas ng silid. Mukhang tatawagan ang mga nasa simbahan upang ipaliwanag ang nangyayari.

"Kung sino pa ang groom, siya pa ang wala sa simbahan!" dagdag ng ginang  ago tuluyang nilisan ang silid.

Tumabi si Ben sa anak at pareho nilang tinatanaw ang malawak na bukirin kahit na maingay sa ibabang palapag.

"Ano'ng bumabagabag sa 'yo?" usal ni Ben.

Tumingin si Calyx sa ama bago muling lumingon sa parang. Niluwagan niya ang damit nang tanggalin ang bowtie na itim.

"How did you know that Mama was the right one, Pa? Sigurado na ba kayo agad noong kinasal kayo?" tanong ni Calyx habang nakatitig sa malayo.

"Alam ko lang noong niyaya ko siyang magpakasal. Ilang taon din naman kaming nag-date bago ko siya niyaya. Bakit mo naitanog? Nagdadalawang isip ka ba?"

"H-hindi ko sigurado, Pa."

"Hindi ka sigurado? Edi nagdadalawang isip ka nga," aniya at naiiling na napangisi.

"Baka nga, Pa, pero tama ba ang gagawin ko?"

"Anak, ikaw ang lubos na nakaaalam niyan. Pero kung ako ang tatanungin, oo. It's a good decision to marry Anaise . . . kahit na wala pa kayong twenty-four, magkakilala naman kayo simula pagkabata. Mabait na bata m naman si Anaise. I think you two are a perfect match."

"And you liked her over Alessa, too?" pagtukoy ni Calyx sa kaniyang dating kasintahan.

Napangiti si Ben. "Sa totoo lang, oo. Siguro dahil anak na rin ang turing ko kay Anaise kaya kahit bago pa lang ang relasyon n'yo ni Anaise, walang problema sa 'kin na maikasal kayo."

Save the Best for the LeastWhere stories live. Discover now